Colet's POV
Iba ang simoy ng hangin dito sa states, tama kayo nandito ako ngayon sa US. Three years na ako dito. Ako nga pala si Nicolette Vergara o mas kilalang Colet sa Pilipinas. Nagtataka kayo bakit ako nandito sa US? Ewan ko diyan sa author niyo. Pero nevermind baka pahirapan ako ni Author sa story, nonchalant lang yan pero may ibubuga yan.
Balik tayo sa buhay ko, nandito ako ngayon sa US para magaral at bilang parusa na din saakin dahil sa mga dati kong nagawa. Mahirap malayo sa pamilya, araw-araw ko namimiss ang Pilipinas. Pero bakit nga ba ako nandito? Dahil lang naman sa pagiging bossy ko sa school, lahat ng gusto ko dapat masunod. Problema ko din ang anger issues ko, mabilis ako magalit. Isa din yan sa factor bakit lapitin ako sa away.
Nandito ako sa field ng school namin, dahil vacant ko nakaupo ako sa isang bench nagsusulat sa aking notebook dahil assignment ko ito. Ito yung assignment ko na halos tatlong taon ko ng sinusulat, ito daw yung journal ko at parusa sa buong tatlong taon ko dito, kong sa tingin niyo madali lang pwes hindi kasi 1000 words everyday, at kong sa tingin ko ito ay pasado na at pwede na ipasa, pwede na ako makauwi ng Pilipinas.
Dito lagi ang aking tambayan, natutulala lang ako minsan at inaalala ang pamilya ko sa Pilipinas.
"Namimiss din kaya ako nila Mama't Papa?" Bulong ko sa aking sarili.
Habang nagsusulat ako bigla may tumawag sa aking telepono. Hindi ko pinansin, dahil wala ako sa mood para sagotin iyon.
________
Mrs. Vergara's POV
"Hon, hindi pa din sinasagot ni Colet ang tawag ko" sambit ko sa aking asawa na nakahiga sa aming kama.
"Baka busy lang" sagot niya habang nagbabasa ng newspaper.
"Kailan mo ba siya balak pauwiin?" tanong ko at umupo sa gilid ng kama. "Hindi mo ba sya namimiss?" dagdag ko pa.
"Siyempre namimiss" sagot niya. "Hindi lang naman ako ang nagpapunta sa kanya sa US, pati na ang ate niya."
"Pero ikaw, gusto mo na ba siya umuwi?" tanong ko sa kanya na nakaharap.
"Oo naman" sagot niya. "Ang tanong gusto na ba niya umuwi?"
"Tatawagan ko siya ulit" Nagdial ako ng number ni Colet, nagriring lang ito pero wala pa ding sagot.
"Nasa kanya pa din ang disisyon" sambit ng aking asawa na patuloy pa din ang pagbabasa ng Newspaper.
_______
Colet's POV
Papunta ako ngayon sa office ng aming Dean para ipasa ang aking assignment. Naramdaman kong ito na yung oras para ipasa at makauwi na ng Pilipinas.
Pumasok na ako sa kaniyang office.
"Goodmorning Dean" pagbati ko sa kanya.
"Goodmorning Miss Vergara, what do you need?" tumingin siya sa akin.
"This is my journal for the whole three years here in US" Inabot ko sakaniya ang isang notebook.
Tinanggap niya ito, "So, that means you'll going back to the Philippines." Ngiti niyang sambit.
"Yes, Dean. Thank you for giving me a chance to prove myself here in your school" Yumuko ako bilang pagpapaalam at pasasalamat.
"Your always welcome, Miss Vergara." ngumiti siya bilang pagsagot.
Lumabas na ako ng kanyang office at nakaramdam ako ng saya dahil makakauwi na ako ng Pilipinas after three years.
____
Pagkadating ko ng bahay tinawagan ko agad ang secretary ng aking Papa para ipaalam na uuwi na ako ng Pilipinas.
Sinagot naman niya ito agad.
"Hello Nicolette" pagbati niya sa kabilang linya.
"Hello, Mr. Mickey" pagbati ko naman sakaniya.
"Napatawag ka?" tanong niya sakin. "Si Mama mo tanong ng tanong sa amin kong tumawag ka samin." dagdag pa niya
"Yan din sana gusto ko sabihin, wag mo muna sana sabihin sa kanya na tumawag ako sayo dahil gusto ko sana surprise siya, na uuwi na ako" sambit ko.
"Nako, magugulat talaga yan" sambit niya. "Pero kailan mo ba gusto umuwi?" tanong niya.
"Bukas" sagot ko na walang pagdadalawang isip.
"Ha? Agad-agad?" gulat nyang sambit.
"Yes, para makaabot ako ng Enrollment, dahil dyan ko na din gusto magaral ng aking kolehiyo" sambit ko.
"Sige, ngayon din kukuha na ako ng ticket mo" sagot niya. "Paalam na, para maasikaso ko agad" binaba na nga nya ang tawag.
Napailing na lang ako. Magaayos na lang ako ng aking mga gamit.
"Humanda na kayo, dahil babalik na ako." ngiti kong sambit sa aking sarili.
_______________________________________________
Aeco-Eyris: Ang pagbabalik ng nagiisang Colet.
Abangan...