EOAE - Chapter 29 - Jholet-Jholet

34 2 0
                                    

Third Person's POV

Pagkasunod na araw, halos lahat ng mga estudyante ay nakaabang sa mangyayari sa unang biktima ni Colet.

"Ano kaya ang unang parusa ng biktima?"

"Dinig ko tinaponan siya ng kape."

"Ano kaya ang kasunod nun."

"Pustahan tayo, lilipat yun ng school."

"First time na babae ang biktima."

"Siguro gusto na maiba ni Boss Colet."

Yan ang mga pinaguusapan ng mga estudyante sa hallway.

Nadinig naman ito nina Aiah at Sheena.

"Si Jhoanna, kamusta na kaya yun?" lungkot na sambit ni Aiah. "Tinaponan daw siya ng kape." dagdag niya.

"Sure ako na nakauwi na tayo nun, bago yun ginawa sakanya." Napahinga naman ng malalim si Sheena.

"Ano gagawin natin ngayon?" tanong na lang ni Aiah.

"May naiisip ako, pero hindi ako sure kong papayag siya." sambit naman ni Sheena.

"Kahit ano pa yan, basta makatulong kay Jhoanna." sagot naman ni Aiah.

"Kausapin natin si Gwen na sana ihinto na ang parusa kay Jhoanna." suggestion ni Sheena.

"Parang mahihirapan tayo nyan, She. Kilala mo naman si Colet, dba? Boss yun, kong ano ang gusto niya yun na talaga." sagot naman ni Aiah na ikinalungkot nilang dalawa.

"Pero subokan lang natin." sambit naman ni Sheena.
________

"Nababalitaan mo ba ang ganap sa school?" tanong ni Stacey sa kasama niya.

"Paanong hindi ko malalaman, eh kumakalat sa campus na may biktima na naman si Colet." sagot ni Maloi.

Nakatambay silang dalawa sa cafeteria.

"First time na babae ang kanyang pinaparusahan." sambit naman ni Stacey.

"Eh ano magagawa ko? disisyon niya yan, at hindi naman niya siguro paparusahan kong walang ginawa sakanya." sagot naman ni Maloi.

"Kamusta naman kayo ni Colet?" pagiiba ng usapan ni Stacey.

"Ganun pa din, patay na patay pa din siya sakin." pagmamayabang naman ni Maloi.

"Ganun ba, pero minsan ko lang kayo nakitang magkasama." pabarang nasagot ni Stacey.

"Kaibigan ba talaga kita o ano?" pagtataray naman ni Maloi. "Eh kayo ni Gwen? Kamusta?" pabalik na tanong ni Maloi.

"Ayun, iba ang gusto niya." sagot naman Stacey na malungkot.

"Ayun, mas malala pa pala yung sayo eh. Mabuti pa yung sakin, engage na kami." pagmamayabang naman ni Maloi.

"Engage daw, pero hindi naman mahal." pagtataray na bulong ni Stacey sabay alis.

"Hoy! Ano sinabi mo?!" pasigaw ni Maloi sa kaibigan na umalis.

"W-wala, sabi ko ang ganda mo!" pasigaw naman na sagot ni Stacey.

"Narinig ko yun! Humanda ka talaga sakin Stakuuu!" galit na pasigaw ni Maloi.
________

Dumating naman sina Colet at Gwen, sinalubong sila ng mga estudyante sa hallway.

"Hi Colet"

"Hi Gwenny"

"Ang astig niyo"

"Libre ko kayo mamaya ng food."

Mga sambit ng mga estudyante na nakaharang sa kanilang dinadaanan.

Easy Open and EndWhere stories live. Discover now