- 2 years ago -
Stacey's POV
Hello girlies, I'm Lindtsey Stacey Aubrey Sevilleja, ang haba ng name ko no? Ganyan ka inspire ang Mommy ko kaya ganyan kahaba, pero para sakin parang parusa. Naiimagine nyo ba kong pano ko nasulat lahat ng yan nung ako'y kinder pa lang? Pwes, tumutulo luha ko ng time na yan kasi tapos na lahat ng kaklase ko magsulat ng names nila, ako nasa Stacey pa lang.
Nandito ako ngayon sa aking kwarto at nakahiga. First day of school ng pagiging grade 11 ko, at sa University of Star Academy pa din ako magaaral, mula grade 1 pa lang dito na ako pinaaral ni Mommy.
"Princess? Gising naaa, it's your first day of school." Sabi ni Mommy habang sumasayaw sa harap ko. Nanggaling na naman siguro to sa zumba.
Ganyan si Mommy, she's the real kikay. Mahilig siya sa zumba at sexy things. Siya lang ang kasama ko mula bata pa ako, di ko na nakita ang father ko and I don't care.
"Kailan ka po hihinto sa pagzuzumba 'mmy?" Tanong ko sakanya habang kinukuha ang aking towalya.
"Hindi ako hihinto kasi ito ang nagpapasexy sakin" Kembot pa siya ng kembot.
Napailing na lang ako at pumasok na ng aking CR.
"Kumain ka pagkatapos mo dyan, nagluto ako ng vegetables salad" sambit pa niya at narinig kong nagsara ang pintoan, ibig sabihin ay nakalabas na sya ng kwarto ko.
________
Third Person's POV
Pagkatapos maligo ni Stacey ay nagayos muna sya ng kanyang mga dadalhin at bumaba na ng kanyang kwarto.
"Hmmm.. Ang bango naman" sambit nya na sumisinghot. "Ano po ang luto niyo Mommy?" tanong niya sakanyang Mommy pagkadating sa kusina.
"Nandito ka na pala, Princess" sambit ng kanyang Mommy. "Tortang talong ang niluluto ko" sagot nya.
"My favorite" ngiting sambit ni Stacey.
Kumain na nga si Stacey na nakataas ang kanyang kanang paa at nakakamay pa ito.
"Ang sarap po talaga ng luto niyo 'mmy" sambit niya.
"Para sa future partner mo, dalhin mo siya dito para makakain din naman ng luto ko" pabirong sambit ng kanyang Mommy.
Ngumiti na lang si Stacey bilang sagot sa biro ng kanyang Mommy.
"Ayy sha 'mmy. Alis na ako baka malate pa ako" pagpapaalam niya.
"Nako, Princess. Kapag ikaw may manliligaw na o jowa at hindi mo sinabi sakin, lagot ka talaga" pagpapaalala sakanya ng kanyang Mommy.
"'Mommy, wala poo." sagot niya, sabay halik sa kanyang Mommy.
"Manong Ben, pakihatid po si Stacey sa school" sambit ni Ms. Sevilleja sa kanilang driver.
Tumango naman ang driver at tuloyan na nga umalis si Stacey.
________- Sa School -
Stacey's POV
Nakikita ko nang madami ang nakapila sa harap ng aming school. Kaya napagdisisyon kong bababa na lang ng sasakyan.
"Manong Ben, dito na lang ako." sambit ko at huminto nga ang sasakyan. Bumaba ako at nakita ako ng lahat ng nakapila.
"Hi Stacey" pagbati sakin ng isang estudyante. Kilala kasi ako bilang Vice President ng isang Club dito sa school at Kikay Princess ng school.
Ngumiti ako bilang pagsagot dito.
"Goodmorning Stacey" pagbati ng isang lalaking estudyante. Napangiwi ako sa kanya.