-Present-
Third Person's POV
It's been 2 years since that moment happened. Hindi na sila katulad ng dati, maramdaman mo ang distansya nilang dalawa. Sa tuwing nasa Drawing and Painting Club Room sila for their activities, hindi sila masyado naguusap, at dahilan din ito sa pagbalik ni Mikha sa pagiging trouble-makers. Suntok dito, suntok doon.
"Ah talaga? Sumasagot ka na?!" galit na sambit ng kanyang Daddy sakanya.
"Tama naman Dad ah, kong di mo naman ginahasa si Mommy, edi sana wala kami dito" sagot ni Mikha.
"Pero di yun rason para dumihan mo apelyido ko"
________
"Hello everyone, our school year of 2024-2025 will start today, so I'm glad to welcome you all, our new members here in our club." Paninimula ni Mikha ang President ng Drawing and Painting Club.
"Thank you for choosing Drawing and Painting Club, hope you'll enjoy." Sambit ni Aiah.
Silang dalawa ang nag welcome address para sa mga bagong members ng kanilang Club. After ng kanilang welcome address, makikita mo na hindi sila masyado nagpapansinan.
Natapos ang kanilang activities na hindi man lang naguusap.
________-Sa billiard room-
"It's been two years since hindi na kayo naguusap ni Aiah, Miks." sambit ni Gwen.
Tumango lang si Mikha bilang sagot dito.
"Pwede ba ako humiram ng cellphone mo?" tanong ni Gwen.
"Cellphone ko? Lowbat ba yung sayo?" sagot ni Mikha sabay abot sa kaibigan ng kanyang cellphone.
Seryosong pumipindot lang si Gwen at nagdial ito. Nagriring lang ang cellphone at biglang may sumagot.
"Hello?" sagot sa kabilang linya.
Bigla naman nilagay ni Gwen sa tenga ni Mikha na naglalaro ng scrabble.
"H-Hello, hoy sino to?" gulat na sambit ni Mikha. Binitawan naman ito ni Gwen kaya no choice si Mikha kundi hawakan na lang ito.
"Hello, sino to?" sagot ng kabilang linya.
"Hello, si Mikha to" hiyang sambit ni Mikha. "Sorry, wrong dial lang Aiah" pagpapaumanhin niya naman.
"It's okay, wala ka na kailangan? Ibaba ko na to" sambit ni Aiah.
"Uhmm wait Aiah, pwede mo ba ako puntahan sa Drawing and Painting Club?" hiyang sambi ni Mikha.
"Tingnan ko lang, pero di ako sure." sambit ni Aiah na ikinadismaya naman ni Mikha.
"Okay, bye" binaba naman agad ni Mikha.
"Gwen naman kasi" galit na sambit ni Mikha sabay mahinang suntok sa kaibigan.Ngumiti lang si Gwen sa kanyang nasaksihan.
_______Third Person's POV
Tatlong araw na ang nakalipas ng hindi man lang sumisipot si Aiah sa Drawing and Painting Club nila Mikha kaya mismo si Mikha ay nawawalan na ng pag-asa makausap pa si Aiah.
"Pinatawag mo daw ako?" biglang tanong ni Aiah.
Sumulpot siya sa Club Room at naabotan niya si Mikha na nagpipainting.
"Ano kailangan mo?" tanong ni Aiah. "Pakibilisan na lang at may gagawin pa ako." dagdag pa niya.
Napahinto naman si Mikha sa kanyang ginagawa at hinarap si Aiah.
"May gusto lang ako sabihing goodnews at badnews" paninimula niya.
"Ano naman ang maitutulong ko dyan?" tanong ni Aiah na parang nagaalala.
"Ano una mo gustong malaman?" tanong ni Mikha.
Tahimik lang si Aiah.
"Hmmm.. Gusto mo muna ng bad news" siya na lang ang sumagot.
"Hindi ko na ipagpapatuloy ang pagddrawing at pagppainting." paninimula niya.
Nagulat naman si Aiah sa sinabi ni Mikha.
"HA? Bakit?" gulat na sambit ni Aiah.
"Ang mga kamay ko, ayaw na nila" sambit ni Mikha sabay tingin sa mga kamay niya.
"Pero..." sambit ni Aiah.
"Ang goodnews, pagpapatuloy ko pa din siya." ngiting sambit ni Mikha. "Dahil nandito sa harap ko ang nagbibigay rason kong bakit ko pa din siya pagpapatuloy." dagdag pa niya.
"M-Mikha" tanging nasambit ni Aiah.
"Gusto mo ba ulit itry mag mix ng kulay at magpaint, kasama ako?" tanong ni Mikha na ikinangiti ni Aiah. After ng dalawang taon na pagiwas nila sa isa't isa, nang dahil sa painting at drawing muli sila pinagkasundo ng mundo.
"Pero paano mo nalaman na gusto ko mauna ang bad news?" tanong ni Aiah habang sila nagppaint.
"Dahil alam ko na yung mga mababait na babae, lagi gusto happy ending" sagot naman ni Mikha. "Pero paano yan, astig ako tapos mabait ka, okay lang ba yun sayo?" seryosong tanong ni Mikha.
"Bakit? Sino ba nagsabi sayo na kong ako ay mabait na babae ay kailangan mabait din ang gusto?" seryosong sagot din ni Aiah.
Napangiti naman si Mikha sa sagot ni Aiah, dahilan na mapatingin sila sa isa't isa at dahan-dahan nagkakalapit ang kanilang mukha at akmang maghahalikan ng bigla bumukas ang pintoan hudyat na may pumasok.
Napabalik sila sa kanilang ginagawa na parang walang may nangyari. Napangiti na lang si Mikha dahil dito.
______________________________________________Aeco-Eyris: Enjoy lang kayo.
Last chapter for Mikhaiah moments..