Third Person's POV
"Ano yun Stacey?" ulit ni Mrs. Apuli dahil nakita niya si Stacey na natulala.
Bumalik naman ang ulirat ni Stacey ng tinawag siya ulit.
"Stacey!" pagtawag ulit ni Mrs. Apuli.
"Ahh W-wala po tita, nangangamusta lang po." pagbiglang bawi ni Stacey dahil naisip niya kong malaman ni Mrs. Apuli, baka mapano pa si Gwen at gusto din niya na mismo si Mrs. Apuli na ang makadiskubre dito.
"Kabait na bata, ayos lang ako iha." ngiting sambit ni Mrs. Apuli. "Pumunta ka pa talaga dito para kamustahin lang ako." dagdag pa niya.
"He.he. May pinuntahan kasi ako at malapit lang yung building niyo kaya dumiretso na lang ako dito." sambit naman ni Stacey. "Alis na po ako tita." pagpapaalam niya.
"Ang bilis mo naman ata, iha. Kain ka muna." Pagaaya ni Mrs. Apuli.
"Wag na po, may gagawin pa po kasi ako." ngiti nitong sambit at nagbeso kay Mrs. Apuli.
"Ikaw talaga, oh siya magingat ka." nagbeso din pabalik si Mrs. Apuli. "Balik ka dito ha" dagdag pa niya.
"Opo Tita, salamat." pagpapaalam ni Stacey at lumabas na ng office ng Apuli.
Pagkalabas niya huminga siya ng malalim at makikita mo sa kanya ang dismayadong mukha.
_________Sa Exclusive Room (XR)
Nagsusulat sila ni Gwen at Colet ng biglang nag ring ang cellphone ni Gwen.
"Sagotin mo muna yan." sambit ni Colet.
"Si Mommy naman ang tumatawag." sambit naman ni Gwen pagkakita niya kong sino ang tumatawag.
"Kaya nga baka importante yan." sambit ni Colet.
Sinagot na lang ni Gwen ang tumatawag.
"Hello my." Pagbati ni Gwen.
"Hello anak, kamusta ka dyan?" tanong ni Mrs. Apuli sa kabilang linya.
"Okay lang po my, kayo po ni Daddy?" tanong naman ni Gwen.
"Ayos lang anak, busy lang, at si Daddy mo out of town. Pero uuwi na din siya mamaya." sagot naman ni Mrs. Apuli.
"Goodtiming, ito na din siguro ang time." pabulong na sambit ni Gwen.
"Ano yun anak?" paguulit ni Mrs. Apuli. "Ano yung good timing?" tanong niya ulit.
"Ahmm- gusto ko sana ayain kayo ni Daddy na mag dinner later, kasi may gusto ako sabihin, at may papakilala na din po ako sainyo." sambit ni Gwen.
"Sige, I'll prepare for this dinner, and I'm excited kong sino man yang papakilala mo." sambit ni Mrs. Apuli, mararamdaman mo ang excitement sakanya.
"Thanks, mom." pagpapasalamat naman ni Gwen. "I'll drop this call na, may gagawin pa ako." pagpapaalam naman ni Gwen.
"Sure, bye anak." pagpapaalam ni Mrs. Apuli.
"Bye." at binaba na ni Gwen ang kanyang cellphone.
Huminga naman siya ng malalim.
"Sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo?" tanong ni Colet sa kaibigan.
"Ewan ko, ang gusto ko lang talaga makilala na nila si Sheena." sambit naman ni Gwen.
"Sure ka ba na tanggap ka na nina Tita at Tito?" seryosong tanong ni Colet.
"Bahala na." simpleng sagot ni Gwen.
_______-Dinner Time at Apulis-
"Goodevening Madam Apuli and Don Apuli, whine?" tanong ng waiter.