Chapter 7

180 4 0
                                    

Chapter 7

*Jasmine P.O.V.*

Mahigit isang linggo na rin ang nakalipas nung huli kaming aksidenteng nagkita.

Naalala ko pa noon na pinilit niya akong kausapin pero patuloy lang ang pag-iwas ko sa kanya.

Until one day, nalaman ko na lang na buntis ako.

Matagal na akong may hinala sa kalagayan ko noon pero binabalewala ko lang iyon. Madalas na nga akong mahilo at dumuwal non. May pagkakataon pa nga na nagigising ako ng madaling araw para dumuwal pero wala namang lumalabas.

At nung hindi ko na nakayanan yung nangyayari sa akin, nagpa-check up ako sa isang pediatrician. Pero, inirekomenda niya ako sa kaibigan niyang taga OB-GYNE Department. Kahit na kinakabahan at natatakot ako, pumunta pa rin ako dun sa doktor na inirekomenda ng taga-pedia.

At yun nga, nalaman ko na lang na...

...

...

Anim na linggo na akong buntis...


Umiyak ako ng umiyak non. Hindi dahil ayaw ko sa bata kundi paano ko ipapaliwanag sa mga magulang ko kung ano ang kalagayan ko. Paniguradong magagalit na naman sila ng sukdulan sa akin.

Naalala ko si Terenze - ang ama ng batang nasa sinapupunan ko. Makikipag-usap ako sa kanya tungkol sa kalagayan ko. Pero alam ko naman sa sarili ko na wala talaga kaming relasyon. Parang yung tinatawag na "Friends with Benefits" lang ang estado namin. Walang halong romansa.

Hindi nga siya ang unang naging boyfriend ko at minahal ko pero ito lang ang masasabi ko, siya lang ang kahuli-hulihang lalaking minahal ko. At patuloy na mamahalin hanggang sa kahuli-hulihang tibok ng aking puso.

•••
Araw ng Sabado non at maaga akong nagising dahil pupuntahan ko si Terenze sa Condo niya. Sasabihin ko na kasi sa kanya ang pinakamagandang balita na natanggap ko sa buong buhay ko.

Nasa kilos ko ang pagmamadali kahit na pwede namang hapon ko na lang siya pupuntahan. Masyado kasi akong excited sa magiging reaksiyon niya.

Mabilis din akong pumanhik sa palapag ng condo niya. Pero naudlot ang pagmamadali ko dahil nakita ko siya. . .


...


...

May kahalikan siya...

Ibang mukha ang nakita ko.

Naalala ko yung sinabi sa akin ng fiancé niya. Na... Isa lamang siyang pampalipas oras sa binata...

Kaya nasabi ko na lang sa sarili ko na; "Tama na, Jas. Tumigil ka na. Nasasaktan ka na nga, oh. Wala ka paring kiber. Patuloy ka pa ring umaasa sa kanya na kahit katiting lang ay may pagtingin din sana siya sa'yo. Maging matatag ka na lang para sa inyong dalawa. Tama na ang pagiging martyr mo, Jas, dahil patuloy ka lang na masasaktan. At siguro nga, ayaw niya sa baby. Dahil kung totoo ang paghingi niya ng tawad sa iyo, hindi mo siya maabutang may kalantaring iba."

Palihim din akong humingi ng tawad sa magiging anak ko. Dahil wala pa man siya dito sa mundong ibabaw ay ganito na ang mararanasan nito.

Sobrang sakit na kaya titigilan ko na tong kahibangan kong ito.

•••
Nakaharap ako sa salamin at tatlong linggo na yung huli ko siyang makita. Nagkaroon na rin ng baby bump ang tiyan ko pero hindi pa gaanong halata.

Kahit na hindi ko sabihin sa mga magulang ko ang kalagayan ko ay mahahalata pa rin nila ang tiyan ko na lalaki pagdaan na ng ilang buwan.

Kaysa malaman nila ng sila lang ang nakakatuklas ay mas mabuti kung ako na lang ang magsasabi sa kanila habang maaga pa. Kahit na pareho lang ang kalalabasan non - ang magalit sila sa akin.

Nasampal ako ng pagkalakas-lakas ng Papá dahil don. Ang Mamá naman ay halos hindi mawari ang emosyon. Pero mas nangingibabaw ang galit sa kanyang mukha.

Tiningnan ko rin ang mga kapatid ko. Nariyan ang ate Jazzmire ko na naka-ismid at nakataas pa ang isang kilay.

Matinding awa naman ang mababasa sa mukha ng dalawa ko pang bunsong kapatid na sina Jessa at Jenna.

Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang gustong kumawala sa aking mga mata pero pinipigilan ko iyon dahil ayaw ko na masabihan ako ng mahina.

Pero nabuwag pa rin ang pader na iyon dahil sa sinabi ng Papá ko.

"NAPAKAWALANG HIYA MO!!! NAKIPAG-S*X KA SA LALAKING KAKAKILALA MO PA LANG. YOU'RE SO DISGUSTED! A SL*T, A FL*RT, AND A B*TCH!"

~~~
Napabalikwas ako ng may mahihinang katok sa pinto ng aking kwarto.

"Mom?"

"Yes, baby?", tugon ko habang papalapit sa pinto para buksan.

Tumambad sa akin ang anak kong napakaganda. 😜

"We have a visitor, Mom.", sabi nito saka ako hinalikan sa aking pisngi.

Nagtaka ako dahil wala naman akong inaasahang bisita lalo na ngayon dahil weekend.

"Sige, baby. Mag-aayos lang si Mommy."

Nang-hilamos at toothbrush muna ako bago bumaba.

Pero nung makita ko kung sino ang tinutukoy na bisita ng anak ko ay gusto kong kumaripas ng takbo pabalik sa kwarto ko na kasama ang anak ko para magtago...


_________



(A/N: Hi everyone! 😊 Ilang months din akong hindi nakapag-update sa kadahilanang dalawang beses ng na-format ang cp at eto na ang pangatlong sulat ko sa chapter na ito.... 😉 Medyo tinamad na nga kasi paulit-ulit ko na lang sinusulat ang chapter na ito. Pero, thankfully naman, hindi na siya na-format ulit.. Naawa na siguro.. Hehehe!)

One Magical NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon