Chapter 8
*Jasmine P.O.V*
Kahit na nag-aalinlangan ay lumapit ako sa anak ko at sa lalaking minahal ko pero sinaktan lang ako ng todo.
"Anong kailangan mo?", masungit na tanong ko sa kanya.
Pero imbis na mainis siya sa ini-asta ko ay mas lalong ngumiti pa ng pagkatamis-tamis ang gag*.
"May kailangan lang tayong pag-usapan.", kaswal na saad nito at unti-unting nakita ko ang pagpalis ng kanyang ngiti sa labi na kanina lang ay pinagpapantasyahan kong mahalikang muli.
Kinakabahan na rin ako dahil sa tono ng pananalita niya at sa wagas kung tumitig na tila ba tagos sa aking kaluluwa.
"A-a-an-nong p-p-pag-uusapan n-n-nat-tin?", nagkanda-utal-utal na tanong ko.
"Tungkol lang naman sa ANAK KO.", sabi nito na binigyang diin pa talaga ang "anak ko".
Agad na nabuo ang galit na matagal ko ng kinikimkim para sa kanya. Pero pinilit ko pa ring magpakahinahon dahil nasa harap pa naming dalawa ang anak ko.
"Hey, princess!", tawag pansin ko sa anak ko.
"Yes, mom?"
"Pwede ka bang pumunta muna sa room mo at makipaglaro ka muna sa yaya mo?", tanong ko sa anak ko dahil ayaw kong marinig niya na nag-aaway kami ng daddy niya.
"Why mom?"
"May pag-uusapan lang kaming dalawa niyang bisita natin. Okay lang ba?"
"Sure. No problem, mom.", tugon nito at agad na tumakbo na siya sa kanyang kwarto.
Nang mawala na siya sa paningin ko ay huminga muna ako ng malalim bago ko hinarap ang bwisita naming mag-ina.
"So...?", basag ko sa katahimikan.
"Eherm!!! Yun nga. Nasabi ko na ang kailangan ko. Tungkol sa ANAK KO.", muling binigyang diin nito ang "anak ko".
"Anak mo!?", asik ko sa kanya. "At sino namang anak ang tinutukoy mo?"
"Ang batang iyon.", kampanteng sagot niya.
"Hahahaha!!! Eh, gag* ka pala. Paano ka nakasisigurong anak mo nga siya?", pa-angal na tanong ko na may kalakip na galit.
"This."
Then he handed me a brown envelop. Agad na nanlaki ang mga mata ko pagkakita ko pa lang sa binigay niya. Hindi ko pa naman nabubuksan iyon ay alam ko na kung ano ang nasa loob niyon.
Kahit na kinakabahan at natatakot na ako ay hindi ko iyon pinahalata sa kanya at ang totoo ay gusto ko ng umalis sa harapan niya ay kinuha ko pa rin sa kamay niya ang envelop. Dahan-dahan ko iyong binuksan at napatunayan ko nga ang hinuha ko. It's a DNA Test result. And it's says na. . .
...
...
POSITIVE...
Nag-uunahang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
"P-p-pa-paanong...?", bulong ko sa sarili ko.
"PAANO? Huh! ANONG KARAPATAN MONG ITAGO SA AKIN ANG SARILI KONG ANAK!?", sumbat niya sa akin.
Ang lahat ng galit na naitago ko ay agad na sumambulat dahil sa sumbat niya sa akin.
"KARAPATAN BA KAMO?... MAY KARAPATAN AKONG ITAGO SIYA SAYO SIMULA NUNG NILOKO MO AKO. AT SIMULA NUNG ARAW NA YUN, NAWALAN KA NA NG KARAPATAN SA AKIN. SA KANYA.", bulyaw ko sa kanya.
Nakita kong lumambot ang expresyon niya at lumapit siya sa akin pero umaatras ako at patuloy ang pagdaloy ng mga luha ko.
"Please, Jas. Stop crying. Hush now. Please.", patuloy na pagsusumamo nito. "I-I'm sorry. Okay? I know na kasalanan ko pero may kasalanan ka din naman sa akin, eh. Hindi mo ako pinayagang magpaliwanag sa iyo.", dagdag nito sa mahinang tinig.
"Oo, inaamin ko. May mali rin ako. Pero, kasalanan ko bang lahat talaga? Kasalanan ko bang minahal kita kahit na sa sandaling panahon man lang? Kasalanan ko din bang pinoprotektahan ko lang ang sarili ko at ang ANAK KO sa KAHIHIYANG MARARANASAN NAMIN?.... Hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko sa kamay ng ibang tao at sa pamilya ko.", mahinang sambit ko at agad na napaluhod sa sahig na patuloy sa paghagulhol.
Pero sa pagluhod ko sa sahig ay naramdaman ko ang mainit niyang braso na pumalibot sa akin. And it feels like. . . I'm back. I'm HOME.
"I'm sorry, Jas. Pero sana naman, bago ka umalis noon ay binigyan mo sana ako ng pagkakataon na maipaliwanag ang panig ko.", bulong niya sa may tenga ko.
Alam kong umiiyak na rin siya dahil narinig ko ang bahagyang pagkabasag ng kanyang tinig at pagsinghot niya.
*Terenze P.O.V*
Patuloy kong naririnig ang mahihina niyang paghikbi at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagyakap ko sa kanya.
At sa nagbabara kong lalamunan ay ikinuwento ko sa kanya kung ano talaga ang totoong nangyari bago naging kami.
"Arrange marriage ang nangyari sa amin. Nung una, pumayag ako dahil wala din naman akong magagawa kahit na ayaw ko at hindi din naman ako naniniwala sa pag-ibig nayan. Until you came. Nagbago ang pananaw ko tungkol sa pag-ibig. Simula nung araw na yun ay iniiwasan ko na siya. Sa pagdaan ng mga araw, unti-unti na rin siyang nagbago hanggang sa lumabas na talaga ang totoong ugali niya. Napaka-selosa niya. May makita lang siya na babae na kuma-usap sa akin, sinasampal niya kaagad. Kahit na kagrupo ko lang. At dumating nga yung araw na nalaman niya ang tungkol sa atin. Nung araw na pumunta siya sa condo at lahat ng mga sinabi niya sayo ay gawa-gawa niya lang yun. Napuno na ako sa kanya kaya sa ayaw man o sa gusto ng tatay ko ay kina-usap ko siya tungkol sa ayaw ko ng magpakasal sa babaeng yun. Matagal kong nakuha ulit ang kalayaan ko. Okay lang. Worth it naman. But one day, nalaman ko na lang na umalis ka na. Hinayaan kita. Kasi akala ko, magbabakasyon ka lang. Pero isang taon na lang ang lumipas, wala pa ring Jasmine na bumalik. Sobrang galit ako sa sarili ko non dahil hindi man lang kita sinundan. Kaya ngayong bumalik ka na, hindi na kita hahayaang umalis pa ulit. Pati na ang anak ko- natin. Please, Jas. Magsimula tayo ulit?", pagsusumamo nito.
Mas lalo pang yumugyog ang mga balikat niya. Hindi ko alam ang dahilan. Dahil ba sa galit siya sa akin?
"Alam mo ba na pumunta ako sa condo mo noon? Para sana sabihin ang tungkol sa pagbubuntis ko. Sabi ko pa sa sarili ko na "kahit na hindi niya ako tanggapin basta yung anak lang namin tatanggapin at mamahalin niya, okay lang". Pero sa may pinto pa lang, nakita na kita na may kahalikang iba.", mahinang sambit niya.
"Oo. Naalala ko yang araw na iyan. Pero lasing ako nun. Siya ang unang humalik sa akin. At oo. Aaminin ko na muntik na akong madala nun dahil sa tama ng alak pero nung maalala kita, tinulak ko agad siya. At sana naman, Jas, kahit ngayon lang, maniwala ka naman sa akin kahit minsan."
"Pano ako magtitiwala sa iyo kung minsan mo na ring sinira?", tanong nito sa malamig na tono.
"I'm sorry, Jas. Pero sana, bigyan mo naman ako ng pangalawang pagkakataon at magsimula tayo ulit."
Matagal munang naghari ang nakakabinging katahimikan bago ko nakuha ang sagot niya.
"Yes. Sure."
~~~
A/N: After 1.5 months, nakapag-update na rin sa wakas. Pagpasensyahan niyo po. Busy lang po ang tao. Sana patuloy niyo pa rin itong subaybayan kahit na medyo slow UD.THANK YOU SA PAGBABASA...
