Chapter 10

145 2 1
                                    

Chapter 10

*Jasmine P.O.V*

Dumating na nga ang araw ng sabado. Tulad nga ng aming napag-usapan, lalabas kaming tatlo para mag-bonding dahil na rin sa mga taong hindi namin nakapiling ang isa't-isa.

Kaya narito kami ngayon sa supermarket para bumili ng pagkain o kakailanganin namin mamaya tapos didiretso na kami sa Luneta Park. Alam namin na masyado ng common ang lugar na iyan pero ipinagsawalang-bahala na namin iyon kasi kahit sa paglipas ng mga taon, nanatili pa rin ang ganda ng park na iyon. Yun din kasi ang napag-usapan namin para mag-picnic. At pang-pamilya talaga ang lugar na iyon dahil maraming mapaglilibangan.

“Hon, tama na siguro ‘to.”, narinig kong sabi ni Terenze habang tulak niya sa kaliwang kamay ang cart habang sa kanan naman niyang braso ay buhat niya ang anak namin.

“Hmm. Okay. Pero teka lang, kukuha muna ako ng Piattos.”

“Okay.”

Pumunta na agad ako doon sa junkfood section para kumuha ng Piattos. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ko paborito ang Piattos (or kahit anong pagkain basta may patatas), kasi tuwing pumupunta kami dito ng anak ko, ‘di nawawala sa cart namin ang Piattos.

Nung makarating na ako sa junkfood section ay kumuha agad ako ng tigdadalawang pack ng Roasted BBQ at Cheese flavor na Piattos.

Pabalik na ako ng may marinig akong pamilyar na boses na tumatawag sa akin. Inilibot ko ang paningin ko doon hangang sa makita ko si Dexter na kumakaway habang papalapit sa akin.

“Ikaw pala Dex. Anong ginagawa mo dito?”

“Ah, pinagyayabang ko lang ang kagwapuhan ko dito sa loob ng grocery.”, tugon nito na may halong biro ang boses.

Nahampas ko tuloy siya sa balikat habang sinasabi ang “Baliw.”

“Hehe ! Pero seriously, ano bang ginagawa sa grocery store? Diba, nag-go-grocery?”, tugon nito na may amusement ang tinig habang kinakamot ang likod ng tenga nito na wari ba ay nahihiya.

“Sira ka talaga.”, sabi ko ng natatawa.

Natigil lang kami sa pagtatawanan nung may marinig kami na tumikhim sa may likod ko.

When I turn my head around, I could see a dark aura surrounded on the body of my beloved Terenze.

Instead of getting scared of what I saw, I just give him a smile and walk to where he is, took his hands to intertwined with mine and my smile grew wider when I heard him cleared his throat again as if something is on his throat.

I can feel his body tensed a little but duh, I don’t care.

“Hmm. Terenze, this is Dexter. A friend of mine. Dexter, this is Terenze, my – “

“Her husband.”, he said. Cutting me on my sentence. And I am shock, alright. I didn’t see that one coming.

But anyway, I composed my self kahit na sa kalob-looban ko ay naghuhuramentado na sa kilig.

“Nice to meet you, pare.”, sabi ni Dexter sabay ng paglahad ng kamay.

Tinanggap naman ito ng “husband” ko sabay sabing “Same here.” sa matigas na boses.

Binalingan niya ako sabay inirapan at alis.

Natawa na talaga ako ng tuluyan sa iniasta nito. Pinanindigan talaga nito ang role bilang “husband” niya. Because he acted like a jealous husband in front of Dexter.

“Ahm.. Sige, Dex. Gotta go! Baka magtampo na naman yon. Ang hirap pa namang suyuin non.”, sabi ko habang paatras na naglalakad sa lalaking kaharap.

“Okay. See you next time.”

Narinig ko pang sigaw nito habang tumatakbo na ako patungo sa cashier. Hinanap ko si Terenze kung nasan ito banda. Ang hirap pa namang maghanap  dahil weekend. Ang daming tao. Hanggang sa mahagip ng paningin ko si Terenze na nasa cashier 7 at nakikipaglandian sa babaeng hipon na iyon.

Nag-init ang ulo ko sa nakita kaya habang papalapit ako sa kinaroroonan nila ay para tuloy akong susugod sa giyera. Na para bang handa akong makipagpatayan sa lupang kinalakihan. Yun nga lang, iba ang pupuntahan kong giyera. Gi-giyera-hin ko ang babaeng lumalandi sa “asawa” ko at ang magaling kong “asawa”.

“Ay! Nakakaistorbo ba ako sa inyo? Ang sweet-sweet niyo kasing dalawa ng “asawa ko”, eh. Sa sobrang sweet, nakaka-umay na.”, sabi ko habang nilalapag ko ang apat na Piattos na hindi ko pala nailagay sa cart namin kanina dahil iniwan ako ng lalaking ito at talagang ipinagdiinan ko pa ang asawa ko para malaman ng babaeng ito kung saan dapat lumugar. Nakita na nga rin nitong may karga-karga itong bata, lumalandi pa rin. At talagang pinanindigan ko rin ang pagiging asawa ng lalaking to. Ginigising talaga ng babaeng to ang dugong gerilya na nananalaytay sa ugat ko.

“I-punch mo na yan, girl at ng makaalis na kami rito.”, sabi ko habang umiirap.

Binalingan ko rin si Terenze sabay sabing “Oh, ikaw! Anong tinitingin-tingin mo?” sa pasupladang tinig.

“Ah, opo ma’am. Sorry po.”

Alam kong hindi sinsero ang paghingi niya ng tawad dahil nakita ko pang umirap ito habang nakayuko.

“Dukutin ko mata mo, eh.”, bulong ko pa.

(A/N: Hey, guys! The long wait is over. Pagpasensyahan niyo na kung konti lang ang update. Bawi na lang ako next time. And I hope, nagustohan niyo ang UD.See yah!!)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Magical NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon