Chapter 3.5 (part 2)

335 8 0
                                    


Chapter 3.5

*Jasmine P.O.V*

>(Sabado)<

"Hay. . Sabado na. . . Pupunta ba ako o hindi? Bakit ba kasi may sabado pa? Di ba pwedeng linggo na? Kahit ngayong week lang?" - himutok ko.

"Makapunta na nga lang at ng tantanan na niya ako. Baka mas lalong lumaki ang ulo nun pag 'di ako pumunta kasi akala niya, gusto ko na siya." - dagdag ko pa.

Napa-isip ako. . . . Bakit? Bakit sumasakit ang puso ko maisip ko pa lang na di na niya ako papansinin o maisip.

"Waaaah. . . . Di ko pa naman siya siguro mahal no? Pero. . . Pero bakit sumasakit ang puso ko? I mean, gusto ko na siya kasi magaan ang atmosphere pag nandiyan siya. Walang awkward moment dahil palagi naman kaming nagsisigawan. . . Pero, bakit ang. . . Ang feeling ko. . . . . Ang heart ko, nasa panganib na naman. Leche talaga.  . . Bakit ba kasi dumating siya agad Lord? Di ba pwedeng palipas muna ng sakit bago ko siya m-ma-mahalin agad?" - patuloy na maktol ko.

Nakahiga lang ako sa kama ko.

Di ko napansin na tanghali na pala pagbangon ko.

Bumaba na ako para pumunta ng kusina dahil nagugutom na ako. Kumukulo na nga ang tiyan ko, eh.

Naabutan ko si si Nana Magda na naghahanda ng lunch ko. Alangan namang sa buong pamilya. Tsaka magtataka pa ba ako? Mas magtataka siguro ako kapag nakasabay ko silang kumain kapag tanghalian. Pwede pa siguro pag hapunan pero pag ganitong oras? Nah. . . Wag na lang umasa.

Wala, eh. Pangalawa kasi ako sa aming tatlo. Tsaka pitong buwan ng buntis na si mommy. I'm JUST their daughter. . . So, parang mas lalong hindi na mapapansin ng mga magulang ko ang existance ko. Feeling ko nga, ako yung BLACKSHEEP ng family.

"Anong oras na po ba, Na?" - tanong ko.

"Mag-a-alas dos na, anak. Bakit?" - nana magda.

Nung marinig ko kung anong oras na ay nagmamadali na akong umakyat sa taas. Nakapagdesisyon na kasi ako habang pababa ako. Pupunta ako. Kahit na nangangahulugan na itong 'di 'ko na siya makita sa mga susunod na araw dahil gaya nga ng sabi niya, iiwasan na niya ako.

Humugot ako ng malalim na hininga.
Pagkababa ko ulit ay kumain na rin ako ng tanghalian kahit na wala akong gana. Hindi pa ako nakapagbihis. Naligo lang ako nung umakyat ako sa taas.

"Waaah. . . Masyado na akong paimportante sa kanya. Late na ako." - bulong ko.

Nagulat pa ako ng biglang magsalita si nana Magda.

"San ka ba pupunta, anak? Bakit ka nagmamadali?" - nana.

"May pupuntahan lang, Na." -ako.

Pagkasabi ko nun ay umakyat ulit ako para magbihis.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay dumiretso agad ako sa walk-in closet ko. Pumili na ako ng susuotin ko. Madali lang naman akong nakapili ng damit. Ang pag-aayos lang sa mukha ang makakapagtagal sa akin.

Tumingin ako sa salamin kung ano na ang itsura. Okay naman. Maganda pa rin naman ako.

I'm wearing a blue shirt, shorts short, and a pair of fashionable rubber shoes. Nagdala din ako ng shoulder bag na may laman na mga importanteng gamit. Like make up kit, ID's, etc. And I'm ready to go.

Nung tumingin ako sa orasan ng cellphone ko ay nakita ko na malapit ng mag-alas tres. Nagmamadali na akong lumabas ng kwarto ko. Ng maalala ko na. . . . HINDI KO ALAM KUNG SAAN ANG TAGPUAN NAMIN.

Naramdaman ko naman na nag-vibrate ang cellphone ko na hawak ko pa rin. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Unknown number iyon. Sinagot ko na rin dahil baka emergency.

"Hello?" - tanong ko sa kabilang linya.

"Nasan ka na?" - tanong ng nasa kabilang linya.

Nagtaka ako kung bakit tinanong nang nasa kabilang linya kung nasan ako. Sinagot ko naman iyon ng walang pagaalinlangan.

"Nasa bahay pa ako. Bakit? Sino ka?" - tanong ko.

"Si Terenze to na gwapo. Sa Star City ang tagpuan natin. By the way, dapat di mo agad sinabi kung nasan ka, malay mo, masamang tao pala ang tumatawag sayo."

"Oo na po. Pero teka lang, di mo ba ako susunduin dito sa bahay?" - ako.

"Nah. . . Hindi na. Malaki ka na, eh. Alam mo na kung pano pumunta dito sa Star City."

Alam ko, kahit di ko siya nakikita ay nakangisi siya.

"Ang bastos mo. Pero wait lang, san mo nakuha ang num---- * toot * * toot *. What the. . . Binabaan ako? Ang bastos talaga ng lalaking iyon." -_-|| Kakabanas. Hindi man lang nag-sabi ng "BYE".

(A/N: Vote and comment po kayo. Thanks.)

One Magical NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon