Chapter 6

240 7 0
                                    


Chapter 6

*Jasmine P.O.V*

5 years later . . .

Naglalakad ako sa hallway ng kompanya namin ng may nakabunggo ako. Kanina pa ako naglalakad kasi hinahanap ko yung anak ko. Kasama naman nito ang yaya nito pero kahit na. 'Di ko pa rin kasi maiwasang mag-aalala para rito. Kahit na sabihin niyo pa ako na OA ako, wala akong pakialam.

"Sorry, miss. Are you okay?", narinig kong tanong sa akin at napakalaki ng boses niya.

"Okay lang. Sorry din.", hinging paumanhin ko naman.

"You sure?", tanong niya ulit.

"Really. I'm fine. Thank you.", tugon ko.

Tiningnan ko na ang lalaki dahil nakukulitan na ako sa kanya ng sobra. Kapag wala talaga ako sa tamang wisyo, nangangagat talaga ako ng taong makulit.

Pero nagulat ako sa nakita ko. At maging ang kaharap ko ay nagulat din pagkakita sa akin. It's been so long. Pero ang sakit na naramdaman ko ay tila kahapon lang nangyari kahit na limang taon na ang nakalilipas. Nagtagpo ang mga mata namin pero umiwas agad ako ng tingin at naglakad na paalis.

Napaghandaan ko naman ito dahil nasa iisang bansa na kami pero di ko pa rin maiwasang kabahan sa muli naming pagkikita. At natatakot ako. Natatakot ako dahil baka malaman niya na may anak kami. Pano na ako? Hindi ko kayang mabuhay na wala sa piling ng anak ko. Makuha na ang lahat sa akin basta wag lang ang anak ko. At kung mangyari man yun ay paniguradong ikamamatay ko. Pero sa ngayon, iiwasan ko na muna siya. Mahirap na.  Ang daming "what if's" na tumatakbo sa isipan ko habang naglalakad.

And at last, nakita ko na rin sa wakas ang anak ko na tumatakbo na may kasama pang patalon-talon na papalapit sa akin at sumisigaw. Maririnig sa buong paligid ang matinis na boses nito.

"Mommy, mommy!", masiglang sabi nito.

"What is it, princess?", salubong na tanong ko naman.

"Tito Dexter bought me a doll!", excited na pahayag nito.

At dun ko lang napansin na nakasunod pala sa anak ko si Dexter. My ex-boyfriend. Nakangiti ito nung mabaling ang atensyon ko rito. Sa ilang taon kasi na nakalipas ay naging magkaibigan na kami. Pinilit pa niya ako na magbalikan kami pero ayaw ko na dahil may mahal na akong iba at yun nga ay ang biological father ng anak ko.

And naalala ko pa kung ano yung pinag-gagawa niya noon magbalikan lang kami. . .

...

...

"Jas, please, mag-usap tayo. Give me another chance and i promise, i won't broke your heart again. Just what i did last month.", pagsusumamo ni Dexter.

"Wala na tayong kailangan pang pag-usapan pa, Dexter. Tapos na tayo.", tigon ko. Alam ko na malamig pa sa yelo ang pagtugon ko. Pero wala, eh. Bitter ako. Langya kasing puso to, nagmahal na naman. Hindi pa nga nakaka-isang buwan yung break up. At hindi ko man lang na-try yung 3 month rule bago maka-move on.

"Jas, I know that your mad at me but please, listen to me first."

pa ba ang kailangan mong sabihin na kasinungalingan, ha, Dexter? And besides, hindi na naman yan makatutulong eh, dahil may mahal na akong iba at KATULAD MO, WINASAK DIN NIYA ANG PUSO KO!", sigaw ko sa kanya. "at eto pa yung napakalaking tanong sa isipan ko, NAGKULANG BA AKO SAYO NOON KAYA NAGAWA MO AKONG IPAGPALIT SA SO-CALLED-FRIEND MO?", dagdag ko pa.

Nanggigigil na ako sa lahat ng mga nangyari.

"H-hindi ka nagkulang Jas. Ako ang nagkamali sa relasyong ito but please, give me another chance to prove that I still love you, Jas."

"'Know what Dex? It's fuckin' late. 'Cause I met someone who mended my broken heart pero winasak niya lang din. I'm inlove with him. Kahit na sandali lang yung panahon na nagkakilala kami.", lumuluhang sabi ko.

Nagbalik ang alaala na magkasama pa kami. Yung mga masasayang alaala namin ni Terenze. Yung unang date namin na may nangyari agad sa aming dal'wa. At ang huli ay yung dumating ang fiancé niya. At yun ang pinakamasakit na alaala ko sa kanya. Sa sobrang sakit ay gugustuhin ko pang mamatay kesa maranasan ulit iyon.

Inaamin ko. Hindi ako gaanong nasaktan nung makita ko si Dexter na may kasamang ibang babae kahit na matagal na kami. Nag-e-ego trip siguro ako nung panahong iyon. Pero pagdating kay Terenze, kahit na sandali lang ang panahong magkasama kami ay sobra akong nasaktan sa panggagago niya sa akin.

"I'm sorry.", narinig kong sabi ng kaharap ko. "I'm sorry dahil naging ganyan ka. I'm sorry sa lahat ng nagawa kong kasalanan sayo. Pero. . . Pwede ba tayong magkaibigan na lang ulit?", alanganing tanong nito sa akin na may alanganin ding ngiti na nakapaskil sa kanyang labi.

Natawa pa ako ng konti dun sa reaksyon niya pero pumayag din naman ako kalaunan.

...

...

Bumalik lang sa kasalukuyan ang isip ko nung marinig ko ang matinis na tinig ng anak ko.

"Mommy, pwede po ba tayong mamasyal kasama si tito Dex?", tanong ng anak ko.

Pinagmasdan ko na muna ang anak ko na nakangiti bago sumagot.

"Yes princess pero later na lang, ha? May work pa kasi ako, eh.", malambing na tanong ko sa anak ko.

"Okay, Mom.", tugon ng anak ko tsaka ako hinalikan sa pisngi.

"Pero now, sumama ka muna sa tito Dex mo, okay?", nakangiting sabi ko.

"Yes mommy."

Papunta na ito kay Dexter ng huminto pa ito. Tingin ko ay may nakalimutan pang itanong ang anak ko. Ang I guess, tama ang hinuha ko.

"Ah, Mom. Anong oras po tayo aalis?", tanong nito.

"Ahm, let me think baby.", nakangiting sabi ko sabay turo ng index finger ko sa ulo ko na wari'y nag-iisip. "Maybe. . . . 2 pm baby."

Nakita ko naman na nagliwanag ang mukha ng anak ko and yun. . . Mas lalong naging buo ang araw ko.

"Okay, Mommy. Bye!", sabi pa nito bago tuluyang sumama kay Dexter.

Tumalikod na rin ako at papasok na sana sa sarili kong opisina pero naudlot ang pagpasok ko. Nakita ko kasi si Terenze. Nagtagpo na naman ang mga mata namin pero katulad kanina, ako pa rin ang unang nagbawi ng tingin. Dali-dali akong pumasok sa opisina ko. Pagkasarado ko ng pinto ay kinapa ko ang dibdib ko kung saan malapit ang puso ko at pilit na kinalma ko ang sarili ko. Sa wari ko nga ay parang hinababol ang isang daga ng sampung kabayo.

"Baka magka-heart attack ako ng wala sa oras nito.", bulong ko sa sarili ko.

*Terenze P.O.V*

Nagkatitigan kami ng matagal pero siya pa rin ang unang nagbawi ng tingin. Nakatulala pa rin ako don sa pinto ng mahal ko. Oo, mahal ko pa rin si Jasmine kahit na matagal na yung nangyari sa amin at matagal ng panahon ang nakalipas. Pero ang nakalulungkot lang sa parte ng storyang 'to ay hindi niya ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag.

Naalala ko pa noon na sinubukan ko pa siyang kausapin pero palagi lang siyang umiiwas. At isang araw, nabalitaan ko na lang na umalis na pala siya ng bansa. Hindi ko na lang siya ginulo pa. Hindi ko din alam kung bakit kailangan pa niyang umalis. Pero isa lang ang alam ko, ang hayaan ko na lang siya kahit na dinudurog pa ang puso ko. At yun ang pinakamalaking mali na desisyon ko sa tanang buhay ko. Ang hayaan siyang umalis agad sa buhay ko.


(A/N: After so many weeks, nakapag-update na rin sa wakas. Vote kayo nmga aye and kuya(?), okay? Thanks. <3)

One Magical NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon