Chapter 9
*Jasmine P.O.V*
Tatlong araw na ang lumipas nung huli kaming magkita. Tumatawag naman siya pero iba pa rin kung nakikita ng harapan. Nung huli nga kaming magkita ay yun din yung araw na nag-usap silang dalawa ni Bethany.
Akala ko nga nung una ay mahihirapan akong magpaliwanag sa kanya pero nagkamali ako dahil parang excited pa nga siyang makilala ng harapan si Terenze - ang daddy niya. I also remember that day, iba ang kinang ng mata ng anak ko habang ikinu-kuwento ko ang Daddy niya dahil siguro sa saya at makikilala na rin niya sa wakas ang kanyang daddy.Ang dating masiglahin kong anak ay mas lalong sumigla pa nung araw na iyon.
Napakurap ako ng tumunog ang aking cellphone. Agad ko naman iyong dinampot ng hindi na tinitignan ang caller I.D.
"Hello?"
"Hello too, sweetie.", masiglang tugon naman sa kabilang linya.
"Oh! Ikaw pala."
"Yes, ako nga to. Namiss mo'ko, no?", tanong nito sa nagbibirong tinig.
Napangiti naman ako sa kanyang inasta. At kahit na gusto ko pang magpakipot at sabihing hindi ay iba naman ang lumabas sa bibig ko at tanging gusto ng puso ko.
"Uh-huh!... So, kailan ka ulit pupunta dito sa bahay?"
"Baka mamaya, pwede na ako."
"Wait. Ba't ang tagal mo atang bumisita ulit dito?", nagtatampong tanong ko sa kanya.
"May emergency kasi... Kumusta na ang anako natin?"
"Ayun, okay naman siya pero palagi nga niyang tinatanong kung kailan ka ulit makakapunta. Kaya kailangan mo talagang bumawi sa kanya mamaya dahil baka magtampo iyon sayo. Mahirap pa naman yung paamuhin.", nananakot na may halong biro na sabi ko sa kanya.
Mahabang katahimikan ang sumunod na nangyari pagkatapos kong sabihin ang katagang iyon.
"Hello?!", nag-aalalang tawag ko sa kanya.
"Sorry ha.", sabi nito na may kasama pang mahabang buntong hininga.
"Ano ka ba. Okay lang. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo at maiintindihan ka naman ng anak mo pag naipaliwanag mo ng mabuti sa kanya kung ano talaga ang nangyayari sa iyo diyan sa pinagtatrabahuan mo.", paliwamag ko sa kanya.
"Kumusta ang araw mo?", tanong niya sa masiglang boses.
"Eto. Gaya ng dati. Okay naman. Ikaw?"
"Okay naman ng konti. Kasi nga, kahit na nasa bahay na ako, nagtatrabaho pa rin ako.", sabi nito na tila bata na nagsusumbong dahil inagaw ng kalaro niya ang kanyang laruan.
Natawa naman ako sa pagmamaktol nito dahil kahit na hindi ko siya nakikita ay alam ko na nakanguso naman ito na parang bata.
"Ahh!! Kawawa ka naman! Gusto mo, ipagpaalam kita kay Daddy na magpahinga muna sa trabaho mo kahit isang araw lang?"
"Why? Ganun mo na talaga ako ka-miss kaya ipagpapaalam mo na lang ako sa Daddy mo?", nagbibirong tanong nito.
"Hindi no! Sira ka talaga! Ano lang... Magba-bonding sana tayong tatlo. Kung okay lang naman sa iyo."
"Hmm... Sounds good."
"So. . . Pumapayag ka?", alanganing tanong ko sa kanya.
"Oo naman. Sino ba naman ako para tanggihan ang nag-iisang reyna sa buhay ko?"
Napahagikhik naman ako dahil sa kapilyuhan nito.
"Hmm. Okay. Bye na. Baka nakaka-istorbo na ako sa iyo.", sabi ko na lang dahil wala na naman akong maisip na sabihin pa sa kanya.
"Ay! Wait lang, hon!"
Hon? Pakiramdam ko ay umakyat ang dugo ko sa mukha ko dahil sa tawag nito sa akin.
"Ako na ang bahala na magpaalam kay Sir tungkol sa pagliban ko muna sa trabaho kahit isang araw lang."
"Okay. Bye."
"Bye."
Mahabang katahimikan ang sumunod na nangyari kaya napatawa na lang ako dahil pareho kaming ayaw pa ring ibaba ang aparato.
"Hon, ikaw na ang unang magbaba.", sabi nito sa malambing na tono.
"Ikaw na lang. Tutal, ikaw naman ang tumawag sa akin eh."
"Hay naku!!! Sabay na nga lang tayo."
"Okay. 1. . . 2. . . 3. . ."
Napa-buntong hininga ako matapos kong ibaba yung cellphone ko at hindi ko alam kung para saan iyon.
(A/N: Hi guys !! I know na masyadong matagal ang update at konti lang kaya sorry po. Masyado lang po kasing busy sa school at sana maunawaan niyo po. Ikaw ! Yes po. Ikaw po mahal kong mambabasa. Kung ikaw ay nakaabot dito ay maraming salamat po. Tunghayan niyo pa rin po ang susunod na kabanata nina Terenze at Jasmine. Maraming salamat po.
P. S.: Hindi pa po ito tapos. )
