Wooooosh wooosh
Malakas na tunog ng isang latigo ngunit ito talaga ay isang buntot Pagi mula sa hawak ng isang dalagitang naka tayo sa itaas ng bubong ng isang malaking bahay. Kaharap nito ang isang nilalang na matangkad, maitim, may mahahabang kamay at paa, mahahabang kuko at humahaba din ang dila nito habang nakaharap sa dalagita.
Walang ano ano man ay biglang may hinagis ang dalaga sa nilalang na ito nanapasigaw ito sabay hampas ng buntot Pagi sa pangit na nilalang.
"Ayan! Ang napapala ng isang halimaw gaya mo. Hindi kana sisikatan ng araw huwag kang mag alala." Malamig na boses na sigaw ng dalaga. Naka tago ang mahahaba at maitim na buhok nito sa isang talukbong na itim na kakabit ng kanyang damit, nakabalot ang kanyang mga kamay sa parang isang telang gawa sa balat ng hayop gayon din sa kanyang mga binti. Naka boots ito at may sukbit na mga pana sa kanyang likod at maliit na bag sa kanyang gilid na may mga laman ng iba't ibang pangontra. Hawak naman nito ang isang buntot Pagi na kasulukuyan nitong ipinanghahampas sa nilalang na nasaharap niya.
Malaki ang nilalang na ito dahil sa mahahabang binti nito, kailangan niya din mag ingat na hindi matamaan ng mahahabang kuko nito.
"Hoy Tiktik! Halika dito at nang maputol na yang dila mo!" Sigaw ng dalaga habang unti untimg lumalapit sa Tiktik. Matangkad at may magandang pangangatawan ang dalaga hindi lang dahil sa sexy ito kundi batak ito sa pag eensayo.Bata palang ay sinanay na siya ng magulang para sa misyon ng kanilang pamilya bilang taga bantay ng gabi, bilang isang Manunugis.
____________________________________________________________________
Hiyasmin's POV
Araw nang Lunes, unang araw nang pasukan. Sa isang malaki at kilalang University ako pinag enroll ni Papa dito sa Pilipinas. Grabe ang kaba ng dibdib ko dahil ngayon pa lamang ako mag aaral sa Pilipinas. Lagi kasi pag nandito ako ay puro para lang sa bakasyon at pag bisita sa Pamilya ni Mama ang punta ko dito. Minsan naman tunituruan din ako nina Lolo at Lola tungkol sa history ng aming pamilya. Pero ngayon dito na talaga ako mamalagi. At kung na cu-curious kayo kung bakit, alamin niyo na lang sa kwento ko.Ako nga pala si Hiyasmin Harkings, laki ako sa Germany pero lagi naman kami naka bakasyon sa Pinas kaya medyo sanay ako sa kultura dito at makisama sa mga tao. Isang Aleman(German) ang ama ko na si Papa Julian at Pinay naman ang aking ina na si Mama Haliya mula sa angkan ng mga batikang albularyo at manunugis sa Luzon. Nagkakilala ang mga magulang ko sa isang bakasyon na kung saan nabiktima si Papa nang isang Manananggal sa lugar kung saan siya nag bakasyon, na kursunsdahan daw siya ng nilalang na iyon at si Mama bilang isang manunugis, siya ang sumaklolo kay Papa noon. Hindi agad tinantanan ng Manananggal si Papa noon kaya todo bantay daw si Mama sa kanya noon kasama ang kanyang pinsan na si Tiya Helen na may kakayahan namang manggamot. May mga kasamang grupo din ng torista si Papa noon pero marami din daw ang pamilya ng mga aswang sa lugar na iyon. Nang matapos ang kaguluhan noon, nagkamabutihan si Mama at Papa. Isang sundalo si Papa sa Germany at si Mama naman maliban sa pagiging manunugis ay Haciendera din bilang kabilang ang pamilya ni Lola sa mayayamang angkan sa bayan nila.
Sa kasamaang palad, nabawian ng buhay si Mama noong bata pa ako, sabi ni Papa dahil niligtas ni Mama ang buhay ko mula sa mortal nilang kaaway na aswang na gustong kumuha sa akin. Mula nang mawala si Mama, lagi nang malungkot si Papa at napag desisyonan niya na sa Germany na kami manirahan. Binilin ni Lolo sa kanya bago kami umalis na kailangan bumalik ako bago mag 18 na taon dahil meron akong misyon na dapat gawin. Kung hindi ko kasi magagawa ang misyon ko, pwede rin ito maging sanhi ng aking pagkakasakit, mawala sa katinuan o di kaya kamatayan.
Na iintindihan ni Papa ang sitwasyon at misyon ng pamilya ni Mama. Maging siya ay na iligtas dahil sa misyon na iyon. Kaya kahit nasa Alemanya kami, lumaki akong sinasanay lagi ni Papa sa pakikipaglaban at iba ibang klaseng pag hahanda. Ang Alemanya ay marami ring kabundukan at pampalipas oras na nang mga tao dito ang mamundok, kung kaya't sanay na sanay ako sa kabundukan, mahaba ang endurance ko sa mga physical acitivities, pakikipaglaban at lalong lalo na sinanay talaga ako ni Papa sa pagiging ma utak. Isa akong strategist st gumagawa ako ng sariling armas. Tuwing mag babakasyon ako sa Pilipinas ay sinasanay naman ako ni Lolo paano labanan ang mga masasamang nilalang at elemento. Tinuro niya sa aking lahat ng klaseng panguntra at konting pang gagamot gamit ang mga halamang gamot.
BINABASA MO ANG
Dalagang Manunigis (Aswang Story)
AdventureAko si Hiyas at mula ako sa mga angkan ng mga albularyo at manunugis. Musmos pa lang ay sinanay ako at hinasa sa pagkikipag laban sa mga nilalang ng dilim. Abangan ang akin adventure sa pag tutugis ng mga kakaibang nilalang at alamin paano sila laba...