Maaga na nang marinig ko ang mga ingay ng sa loob ng cabin namin. Busy na ang bawat isa sa pag aayos a pag me-make-up. Nakita ko naman si Alfea at Maya na kagigising lang rin at naka tulala pa na nakatingin sa dingding, na tawa lang ako. Si Mayumi naman ay masiglang palipad lipad sa harapan ko.
"Hiyas, alam mo ba. Pinag uusapan ka ng mga babae na iyan. Sabi nila pare pareho lang naman daw kayong mabaho ang hininga pag nagising. Gusto panga nila kunin ang toothbrush mo. Pero syempre tinago ko nang malaman ko ang plano nila. Kaya di nila nahanap. Huwag kang magtitiwala sa mga yan ha." Sumbong ni Mayumi habang tinuturo ang mga barkada ni Vivianne. Ngumiti lang ako at umiling iling.
"Mag to-tooth brush ako sa harap nila." Bulong ko kay Mayumi at natawa din siya.
"Hiyas..." sabi ni Alfea na parang ayaw pa bumangon. Kaya hinila ko ang kamay niya na naka daop sa akin kanyang mga palad. Kiniliti ko naman si Maya na nakatuwad pa na tamad din bumangon.
5Am palang kasi at pinag re-ready na kami para mag breakfast na at maghanda pababa ng barko. Nagyakapan muna kaming tatlo habang tamad bumangon.
"Hiyas salamat pala kagabi ha. Hindi ko talaga alam ang gagawin kung hindi mo ako tinulungan." Napa upo ako ng lumapit si Kylie.
"Kahit sino naman tutulong sa sitwasyon mo kagabi."
"Iyon nga eh, hindi nga ako tinulungan kahit gising naman pala sila kagabi. Ayaw lang bumangon." Nagtatampong tono ng boses niya pero hindi na ako nag comment.
"Anong nangyari?" Tanong ni Maya.
""Grabe ang sakit ng tyan ko kagabi, buti na lang tinulungan ako ni Hiyas. May pinahid siya sa tyan ko at tsaka luya." Nawala agad.
"Wow marunong ka din manggamot bhest?" Tanong ni Alfea
"Manggamot?" Tanong naman ni Kylie.
"Albularyo kasi Lolo niya." Sabi ni Maya at nagkatingnan na lang kami at sinenyasan sila na wag namag kwento.
"Kaya pala, buti na lang talaga. Anyway salamat uli. Ako na ang bahala sa breakfast mo Hiyas, pati na rin sa inyong dalawa. Pasasalamat ko na lang yan para kagabi." Mabilis na umalis si Kylie palabas at tsaka naman kami nag ayos ng higaan at naligo.
Naka croptop na tank top ako at naka 3/4 na pants at naka rubber shoes. Dahil mainit ang panahon. Nag ponytail ako ng buhok para hindi masyadon mainit. Kitang kita ang pamumula ng balat ko dahil na iinitan.
"Vivianne, tama na." Rinig ko ang malakas na boses sa canteen, mukhang may gulo. Kasama ko sina Alfea at Maya papunta doon at naki usyoso kami.
"Ang sabihin mo, plastik ka." Sabi pa ni Vivianne. Dumating naman ang teacher namin kay tumahimik sila. Nakita ko na umiiyak si Kylie na hawak hawak ang pisngi niya.
"Oh diba sila din ang nag away away." Bulong ni Alfea sa amin.
"Oo nga bakit kaya?" Sabi ni Maya.
"Sinabihan kasi ng babae na tinulungan mo kagabi ang babae na maiksi ang damit(turo kay Vivianne) na sumama ang tyan niya dahil sa pinakain sa kanya." Bulong ni Mayumi sa akin. Natawa ako dahil mukhang chismosa yata itong gabay ko. Ma uupdate yata ako lagi sa chismis.
"Hoy anong tinatawa tawa mo dyan?" Tanong ni Maya, pilit ko naman magseryoso.
"Ah wala, may naalala lang ako."
"Hali na kayo, gutom na ako eh." Sabi ni Alfea na himas himas ang tyan.
Lumapit naman si Kylie sa harap ko at ngumiti sa akin kahit mapula ang mata sa kakaiyak. Hindi narin naki usyoso ang iba dahil nandyan ang teacher namin.
BINABASA MO ANG
Dalagang Manunigis (Aswang Story)
AvventuraAko si Hiyas at mula ako sa mga angkan ng mga albularyo at manunugis. Musmos pa lang ay sinanay ako at hinasa sa pagkikipag laban sa mga nilalang ng dilim. Abangan ang akin adventure sa pag tutugis ng mga kakaibang nilalang at alamin paano sila laba...