Tulog na ang mga kaibigan ko, ramdam ko ang puyat at pagod nila dahil napapahilik na sila sa pag tulog. Natawa naman ako at ni record ko sila sa video ng cellphone ko.
Bumaba na ako at nakitang naka upo parin si Papa sa mini Bar.
"Lalabas kaba anak?" Tanong ni Papa.
"Opo Pa, nag message si Hannah. Meron daw isang nilalang malapit dito na pagala gala sabi ng kanyang gabay. Hindi ko na pinuntahan sa room nila kasi baka ma disturbo si ate Hacintha.
"Mag iingat ka ha, ikaw na lang ang natitira sa akin. Kung pwede lang sana na akuin ko iyang responsibilidad mo.
Pero pwede mo parin akong tawagan kung kailangan mo ng back up ha. Suot mo ba ang relo mo?" Isang smart watch na pinagawa at pina program ni papa ang lahat ng gadgets ko na nagagamit ko sa mga misyon ko."Oo naman po Pa, syempre. Ikaw ang psychic ko eh." Natawa naman kami. Sabay kami naglakad papuntang garahe sa likod. Hinanda niya ang motor ko at chineck ang lagay nito. Hinalikan niya ako sa noo bago ako umalis ng bahay.
Nakangiti akong nag drive ng motor ko. Pagkalipas ng ilang minuto, napahinto ako sa isang malaking puno dahil may nakita akong pigura ng tao sa side mirror ko. Mukhang sinusundan ako nito. Bumaba ako ng motor, nakatabon na rin naman ang mask ko. Mahigpit akong napahawak sa espada na nasa likuran ko.
Nakita ko na gumalaw ang mga dahon ng isang puno sa kabilang dulo ng kalsada. Agad ko naman na kinuha ang espada at dahan dahan lumapit sa puno na iyon. Pero wala akong na kita, maya maya gumalaw naman ang isang puno na katabi nito. Hinabol ko ito pero bigo akong maabutan ito.
'Anong klaseng nilalang ba ito?' Tanong ko sa sarili ko. Nakita ko ang isang pares ng mapupulang mata sa itaas ng Puno. 'Ano to kapre?' Naka tingin ito sa akin at mukhang gusto pa yata na habulin ko siya. Hindi ako umalis sa tinatatayuan ko, bakit ko naman siya hahabulin, nakikipag laro ba siya?
"Umalis kana kung sino ka man, pagod ako wala akong sa mood mag laro." Binalik ko ang espada sa likod ko, hindi naman kasi umiinit ang kwintas ko kaya hindi aswang ang nilalang na ito. Lalapit na sana sa akin ang taong mukhang anino, nang bigla itong lumundag sa isang puno at nag madali umalis sa lugar na iyon. Nag taka naman ako kung bakit kaya tumakbo iyon?
"Miss"
"Ay kapre!" Gulat ko na sigaw at napalingon ako sa likod ko. Si Ezra?! Anong ginagawa niya dito? Natawa ito sa pagkagulat ko, bakit pag sa labas ng school nakikita ko lagi itong nakangiti? Pero sa school mukhang laging pasan ang mundo.
"Hindi ako kapre Miss. Grabe ka naman."
"Ah kaya pala tumakbo ang kapre na iyon dahil nandyan ka pala." Sagot ko naman na naiirita. Badtrip parin ako sa kanya, naiinis akong makita siya.
"Ha? Kapre?" Hindi ko siya pinansin at nag lakad na ako pabalik ng motor ko. Hinawakan ko ang kwintas ko pero hindi nga ito umiinit. Ibigsabihin, hindi talaga siya aswang. "Ah yung itim na nilalang na iyon? Hindi siya kapre, Tamaho ang tawag sa uri niya." Napalingon ako sa kanya, ah kung sa bagay may dugong Engkanto pala 'to. Hindi ko siya pinansin at nag lakad na lang.
"Bakit mo alam?" Tanong ko kasi naka sunod siya sa akin.
"Uri iyon ng Engkanto na nangunguha ng mga babae na gusto niyang pakasalan. Kung hindi ako dumating, malamang nadala kana niya sa tirahan niya." Natigilan naman ako sa sinabi niya,
"A-ano? Ako kukunin niya?" Tumango tango naman ito. "Bakit ako?"
"Hindi ko din alam, malamang nakita ka niya sa isang lugar at nagtipuhan ka. Tapos sinusundan kana niya."
"Naku, e naka tabon ako ng mukha paano niya naman ako magugustuhan. Niloloko mo yata ako eh."
"Bakit buong araw ba naka tabon ang mukha mo? Malamang na sundan ka ng Tamawo kanina pa nang wala kapang takip sa mukha. O di kaya matagal kana niyang kilala."
BINABASA MO ANG
Dalagang Manunigis (Aswang Story)
AdventureAko si Hiyas at mula ako sa mga angkan ng mga albularyo at manunugis. Musmos pa lang ay sinanay ako at hinasa sa pagkikipag laban sa mga nilalang ng dilim. Abangan ang akin adventure sa pag tutugis ng mga kakaibang nilalang at alamin paano sila laba...