Habang patuloy ang palaro, may isang game na nag require na ang bata ay dapat may kapares na estudyante mag laro. Paper dance kasi ang laro na iyon.
"Hiyas! Samahan mo ang apo ko" sigaw ni Lolo Lorna habang hila hila ang apo niya papunta sa akin.
"Oh Lola! Huwag po kayong tumakbo." Natatawang sabi ko.
"Naku baka maunahan kami ng iba sayo. Kayo na mag laro ng apo ko."
"Naku Paper dance po ang laro baka matalo kami at hindi ko mabuhat ang apo niyo Lola."
"Ah ganoon ba, aba ay oo nga malaki na kasi ang batang ito para buhatin."
"Ako nalang po ang sasama sa apo niyo Lola." Napatingin kami kay Ezra na nasa tabi ko.
"Aba napaka gwapong bata, malaki ang pangangatawan at matangakad pa. Sige sige Hijo. Tiyak na malaki ang chansa na manalo ang apo ko pag ikaw ang kapareha." Tinulak naman ni Lola Lorna ang apo kay Ezra, nahihiya pa ang bata pero hinawakan nito ni Ezra sa kamay at ngumiti ito sa bata.
"Ezra" tawag ko sa kanya at lumingon ito. "Ipanalo mo ha." Sabi ko at nag cheer sa kanila kasama si Lola Lorna.
"Ang gwapong binata!" Nakikipag bangayan naman si Lola sa katabi nitong mga magulang at Lola din ng mga batang kalahok. Kaya natatawa nalang ako. "Oh ang tangkad at ang gwapo ng kapareha ng apo ko. PANALO NA YAN!" Hindi talaga paawat si Lola. Naki cheer na din ang ka grupo ko kay Ezra.
"OMG! Ngayon ko lang nakita ang pinsan ko na sumayaw!!! HAHAHAHA!" Tawa ni Alfea dahil nag umpisa na ang lalo na paper dance at kailangan talaga sumayaw habang may music pa.
"Not bad bhest. May pitik ang pinsan mo sumayaw eh." Pagpuna ni Maya.
"Diba sumayaw dati ang sila kasama si Marius sa isang festival sa school?" Tanong ni Kylie at tinginan si Marius.
"Ah oo, champion kami noon." Sabi pa niya na nag mamayabang.
"Ah hindi ko pala napanood kasi may sinalihan din kaming ibang activities noon." Sabi ni Alfea.
Sabay sabay kami nag sigawan ng mag stop ang music. Pero natawa ako dahil nakita ko si Amarillo na hinihila ang pantalon ni Ezra para hindi ito matumba. Hindi ko mapigil ang tawa ko nakikita ko. At dahil doon, sila ang nanalo. Tawang tawa parin ako pag naaalala ko ang bawat pag kapit ni Amarillo sa pantalon ni Ezra.
"NICE GAME!" Sabi namin at nag apir pa ako ng palihim kay Amarillo. Natawa naman siya at nahiya dahil natawa ako.
Matapos ang activities, natulog ako sa picnic mat. Naramdaman ko na may nag kumot sa akin pero hindi na ako nagmulat at nagpatuloy sa oag tulog. Paggising ko naman ay gabi na at nakahanda na ang kakainin ng grupo namin bilang hapunan. Nag tatayo naman ng tent sina Marius at Ezra. Malaki ang tent nilang dala ast siguradong kasya kaming anim at maluwang pa.
"Wow buti malaki ang tent na dala niyo ni Ezra, Alfea." Sabi ni Maya at napa upo naman amo at pinagmasdan ang tent. Kami yata ang may pinaka malaking tent.
"Yan kasi ang pinadala ni Lolo, kasi pwede yan pag samahin ang dalawang tent para mas lumaki, may zipper lang sa dulo tapos magiging mas malaki na siya."
"Nice, two boys doon sa kabila, sa kabila naman tayo, pero iisa parin ang tent."
"Oo nga hindi rin balewala ang pag bitbit ng tent, 2 nights din tayo dito." Sagot ni Alfea.
"Hiyas, gising kana pala." Napalingon sila nang makita ni Maya na naka upo ako sa likod nila, naka upo din kasi sila sa picnic mat na hinihigaan ko.
"Guyz, ito na naka luto na ako ng itlog." Napalingon din kami sa paparating na si Kylie bitbit ang lunchbox na may lamang mga itlog.
BINABASA MO ANG
Dalagang Manunigis (Aswang Story)
AventuraAko si Hiyas at mula ako sa mga angkan ng mga albularyo at manunugis. Musmos pa lang ay sinanay ako at hinasa sa pagkikipag laban sa mga nilalang ng dilim. Abangan ang akin adventure sa pag tutugis ng mga kakaibang nilalang at alamin paano sila laba...