Hiyasmin's POV
Nagkatinginan kami ni Ezra nang mapansin ko ang pag hagod niya sa dibdib ko nang mabulunan ako. Naramdaman ko ang biglang paalis ng kamay niya sa likod ko at tumayo ito na parang kinakabahan.
Lalo tuloy akong na ubo. Tumawa naman ang mga kaibigan ko at sina na ang nagtapik ng likod ko.
"Sure na talaga. Crush ka ni pinsan." Natatawang sabi ni Alfea.
"Oo nga! Never ko pang nakita si Ezra na ganyan. Lalo sa babae." Tumawa din ito, hindi na ako kumibo. Nahihiya kasi ako sa tuksuhan nila sa akin at nakatingin din ang iba na naka pansin ng nangyari.
Umiwi naman agad ako pagkatapos ng klase. Sa Hacienda ako tumuloy dahil doon si ate Hacintha at Hannah. Mas panatag kasi sila sa Hacienda dahil walang asawang ang dumadayo doon, dahil puno rin ng pangontra ang mansyon.
"Hannah nasaanang gamit." Rinig ko ang tanong ni ate Hacintha at nakita naman niya ako papasok ng gate bitbit ang bike ko.
"HAPPY BIRTHDAY HIYAS!!!" Sigaw ni ate Hacintha, agad naman na napalingon sila Lolo at Papa habang si Hannah naman ay tumatakbo bitbit ang cake na may kandila sa gitna. Napangiti naman ako.
"HAPPY BIRTHDAY!!!" Bati nilang lahat sa akin. Napangiti ako sa kanila at naluha nang kumanta sila ng happy birthday sa harap ko.
Oo kaarawan ko ngayon at hindi ko pinaalam sa mga kaibigan ko agn araw na ito. Alam ko na magiging kakaiba kasi ang araw na ito sa akin. Ngayon mag babago ang buhay ko.
"Wait lang bago ka mag blow ng candle mo. Ready kana ba?" Tanong ni Hannah. Kinakabahan akong ngumiti.
"Nandito ba sila sa paligid?" Tanong ko sa kanila. Tumango tango silang tatlo, si Lolo, si ate Hacintha at si Hannah maliban kay Papa.
"Sige." Huminga muna ako ng malalim ng ilang beses. Pumikit ako at hinipan ang kandila. "O-okay na ba?" Tanong ko sa kanila pero hindi pa ako dumudilat. Ngayong araw ko makikita ang mga gabay namin na hindi nakikita.
"Oo Hiyas, bukas na ang Third eye mo." Sabi ni ate Hacintha at dumilat ako ng mabagal.
Nakita ko sa harapan ko ang pamilya ko, dahan dahan akong nag ikot ng tingin sa paligid. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang maliit na lalaki sa tabi ni Hannah na mukhang kaedaran lang namin ito. Tapos isang medyo may edad na lalaki na mukhang ka edaran din si ate Hacintha. Sa tabi ni Lolo ay isang maliit na tao, duwende yata ang naka ngiti at kumakaway sa akin. Imbes na matakot at natuwa ako sa nakikita. Hindi nakakatakot ang mga hitsura nila, parang fairy ang lalaki na gabay ni Ate Hacintha. Cute na mga duwende naman ang gabay ni Lolo at Hannah. Ngumiti ako at natuwa sa kanila.
"Magandang gabi po sa inyo mga mabubuting gabay ng pamilya namin." Nag bow ang mga ito at ngumiti. Napansin ko ang isang dambana na naka patong sa ulo ng lalaki na mukhang fairy. Lalo akong natuwa ng makita iyon. Nagtatago ito sa akin mukhang takot siya.
"Ako si Dayami, binibining Hiyasmin. Ikinagagalak kong makilala ka. Ako gabay ni Hannah simula ng tanggapin niya ang pagiging manggagamot. Ako ay isang uri ng duwendeng Luntian at experto ako sa mga halamang gamot." Tinanggal niya pa ang sumbrero na triangle ang shape at nag bow ito. Nag bow din ako sa kanya.
"Ikinagagalak ko po na makilala kayo. Marami na rin ang tulong na naibigay mo sa akin kahit noong hindi pa kita nakikita."
"Walang ano man binibini." Siya kasi ang gabay nii Hannah na nag titimbre ng mga lokasyon ng aswang dahil nag tatanong tanong ito sa mga kapwa niya duwende rin.
"Ako naman si Sanling binibining Hiyasmin. Ako ang gabay ng iyong Lolo noong nanggagamot pa siya. Ngayon ay narito parin naman ako bilang kaibigan niya at hiniling niya na magpakita ako sayo bilang kaibigan mo na rin. Hindi na ako masyadong lumalabas ng mundo namin dahil wala naman dahilan, pero makakaasa ka ng tulong mula sa akin pag kailangan mo alang alang sa pinagsamahan namin ng iyon Lolo Hacinto." Nag bow din ito matapos tanggalin ang sumbrero, nakita ko ang ngiti ni Lolo at kumindat sa akin.
BINABASA MO ANG
Dalagang Manunigis (Aswang Story)
AdventureAko si Hiyas at mula ako sa mga angkan ng mga albularyo at manunugis. Musmos pa lang ay sinanay ako at hinasa sa pagkikipag laban sa mga nilalang ng dilim. Abangan ang akin adventure sa pag tutugis ng mga kakaibang nilalang at alamin paano sila laba...