Nakarating ako sa bahay bago mag 8pm, kanina ko pa napapansin ang mga alulong ng aso sa isang baranggay na nadaanan ko. Kaya naman nag madali akong nagbihis sa bahay dala ang mga gamit ko at nag paalam sa mga pinsan ko.
"Ito na ang kwintas mo, mas pinabisa na yan. Mukhang may humahadlang yata na enerhiya ng kwintas mo. Kaya mag double ingat ka talaga pinsan." Sabi ni Hannah habang sinusuot sa akin ang kwintas na muli niyang pinabasbasan sa kanyang gabay na tiyak na isang Engkanto na Mahomanay Kinaadman, ayon sa kwento ni Lolo.
"Salamat pinsan, aalis na ako baka wala na akong maabutan pag dating doon."
Gamit ang aking itim na big bike, bumalik ako sa isang baranggay na maraming alulong ng aso. Pinakiramdaman ko muna ang paligid bago ako bumaba ng motor ko. Nabilis akong tumakbo kung saan may nag sisigawan. Isang bahay kubo iyon sa gitna ng palayan, medyo may kalayuan ito sa kalsada kaya mas binilisan ko ang takbo patungo doon.
"Huwag kayong lumabas!" Sigaw ng isang lalaking may hawak na itak, nakikita kong takot ito pero nilalananan niya ito para hanapin ang kinakakatakutan nila. Nang malapit na ako sa bakuran nila, natanaw ko ang isang aswang sa gilid ng bahay malapit sa bintana. Isa itong aswang na Gabunan, malakas na uri, warewolf ito kung tawagin sa ibang bansa, sila ang mahilig kumain ng puso at atay ng tao. Isang malakas na uri ito ng aswang kaya naman, lalapitan ko na sana ang aswang nang may biglang tumalon sa kanya na isang lalaki.
Nag laban ang mga ito, kitang kita ko ang mukha ng lalaking kalabana ng aswang. Si Ezra iyon, hindi ako pwedeng magkamali. Imbes na makisali, inobserbahan ko muna ang laban nila. Magaling makipag laban si Ezra sa aswang, pero nahihirapan ito dahil wala itong dalang armas o pangontra. Mano mano ang away nila at napapatumba naman niya ang aswang na iyon. Ibig sabihin, malakas siya kahit walang sandata.
"Mang Gibo huwag na po kayong lumabas, bantayan mo ang pamilya mo!" Rinig kong sigawa ni Ezra sa lalaking may hawak na itak na akmang tutulungan sana siya nito.
"Pero paano ka sir!?" Natatarantang tanong ng lalaki sa kanya at narinig ang pag sigaw ng isang babae at mga bata sa loob ng kubo. May malakas kasi na kaluskos mula sa bubong ng kubo. Sinuot ko ang face mask ko na itim at tumulong.
"Hoy aswang bumaba ka dito!" Nagulat silang lahat ng sumigaw ako at tinatawag ang isa pang aswang na nasa bubong ng kubo na iyon. Nang makuha ko ang atensyon ng aswang sa itaas ng bubong matuloy ang laban naman ni Ezra sa isang aswang na Gabunan. "Tiktik nanaman, hindi ba kayo ma ubos ubos? Kakapatay ko lang ng kauri mo ka gabi!" Umangil naman ang aswang at galit na ito ngayon.
"Ikaw?! Hahahaha" tawa ng aswang na Tiktik. "Sa liit mo na yan?" Tatawa pa sana ito nang makita niya naka tuon ang pana ko sa kanya. Agad ko naman tinira ito sa kanya kung kaya simugaw siya sa sakit. May halong aasin at bawang ang mga pana ko kaya babaon talaga sa laman nila ang mga iyon. "Walang hiya ka!" Gigil siyang napasigaw at lumumdag papunta sa dereksyon ko at agad ko naman itong sinipa bago pa siya maka tapak ng lupa. "Ikaw nga ang nanunugis sa mga ka uri ko! Hayop ka!" Sigaw pa niya.
Seryoso kami nag ka titigan ng aswang na iyon.
Bago pa siya kumurap, gumulong sa harapan niya sabay saksak ng punyal sa dibdib niya kaya bigla itong nag apoy.
"Hindiiii!!!!" Sigaw ng Tiktik at napaatingin ang isang aswang na kaaway ni Ezra. Walang segundo ako na sinayang at agad ako tumakbo sa dereksyon nila habang pinag mamasdan pa nila ang pag apoy ng Tiktik. Agad ko sinaksak ang Gabunan ng espada muna sa likuran habang habang hawak niya si Ezra sa leeg.
"An-anong nangyayari?" Tanong ng aswang at napaluhod ito.
Tiningnan ko si Ezra na nakatingin lang din sa aswang na mukhang gulat na gulat. Namatay naman agad ang aswan na ito ngunit hindi nasunog ang katawan niya. Ang Tiktik naman ay naging abo na.
BINABASA MO ANG
Dalagang Manunigis (Aswang Story)
AdventureAko si Hiyas at mula ako sa mga angkan ng mga albularyo at manunugis. Musmos pa lang ay sinanay ako at hinasa sa pagkikipag laban sa mga nilalang ng dilim. Abangan ang akin adventure sa pag tutugis ng mga kakaibang nilalang at alamin paano sila laba...