Kabanata 1: Part 1

5K 40 0
                                    

Lunes, isang pangkaraniwang araw para sa pamiya Mapalad. Busy ang lahat ng tao sa bahay tanging si Edward lang ang madalas na tao pag ganitong weekdays dahil ang kanyang mga anak na lalaki ay nagsipasok sa mga trabaho nila. Magbuhat kasi ng mag resign na siya bilang pulis ay naging taong bahay na siya. May pagsisi man sa kanyang naging pasya ay wala na siyang magagawa dahil desisyon ng kanyang mga anak ang nasunod.Pero sa kabilang banda ay mainam narin at na enjoy niya at kanyang buhay.

Magmula ng mamatay na ang kanyang may bahay sa si Aleng Agnes ay mag isa niyang itinagayud ang pagpapa aral sa kanyang mga anak. Isang dating Tindera ng RTW at mga tsinelas sa Divisoria ang kanyang asawa.

Dahil sa isang sunog ay maagang namayapa ang kanyang kabiyak.Maagang nag asawa sina Edward at Agnes, 15 lang si Aleng Agnes at 17 naman si Edward ngunit hindi ito naging hadlang upang makapamuhay sila ng maayos maabilidad silang mag-asawa at dahil narin sa tulong ng magulang ni Edward ay naipagpatuloy niya ang kanyang pag aaral hanggang maka pagtapos bilang Pulis.

Kinahapunan, Abala si Edward sa pag iihaw ng bangus para sa kanilang pulutan. Talagang pinag igihan nya talaga ang timpla nito dahil ayaw yang mapahiya sa kanyang mga kainuman.Lalo na sa dalawa niyang Anak na sina Pj at Hayle.Sisirmunan nanaman sya nang mga ito pag hilaw ang luto nya.

"Masisilan kasi ang dalawang mukong na yun. Animoy subrang sarap kung magluto pero ang tatamad naman, At hindi mo maasahan sa kusina".

Yun ang nasa isip ni Edward habang nag iihaw at nag luluto ng adobong manok para sa kanilang hapunan na request ng bunsong anak niyang si Dome.

Napasimangot siya ng may mga ingay siyang naririnig sa loob ng bahay.

Andito na ung mga magaling magkalat daig pa ang mga teenager sa gulo." bulong nito sa sarili.

"Hoy! huwag kayong magulo diyan. Tudo hirap ko sa paglilipit ng mga kalat nyu kanina tapos magkakalat nanaman kayo Dome, pasimuno ka nanaman".

Sigaw ni Edward habang nasa likod ng bahay.

"Mukhag masarap ng iniihaw mo Papa".

Bungad ni Pj sa papa niya sabay kurot sa mga nakasalangsang isda sa palanggana.

"Naku PJ,baka mamaya yan hindi pa tayo nakapagsisimula ubus mo na yang pulutan ah".

Sabi ni Edward nang makita nya itong panay pagpapak sa inihaw na isda.

"Papa grabe ka naman di bale, Apat na case na red Hourse yung pinakuha ko ayaw mo non tapos baka mamaya sasalise nanaman na kayo ng mga barkada mo sa beer house pag nalibugan ka kawawa nanaman itong walet ko pagnaka taon".

Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ni Edward bilang sagot sa panganay niya.

Masasabing swerte si Edward sa mga anak niya dahil naka hanap sila ng magagandang trabaho sa kaninilang mga Pinapasukan.

Manager sa isang sikat na brand ng sasakyan si Pj sa Alabang branch. Kaya masasabing malaki rin ang sahod nito bukod pa sa kumisyon nya pag may na deal siyang sasakyan.Si Hayle naman ay sa isang sikat na hotel sya na pasok at ang bunso nya na halos mag dadalawang taon palang din nagtratrabaho bilang isang fireman.Ang malaking tanong ni Edward kung anong diskarteng malupit ang ginawa ng mga anak nya at naka napasok sila at masasabing matataas pa ang mga position nila sa mga pinaglilingkuran nilang mga kompanya.

Dahil hindi naman lihim sa kanya na average ang IQ ng mga ito, at madalas palakol ang mga grado at laging laman siya ng Principal office nang nagsisipag Aral ang mga ito. Lalo na itong si PJ at Dome at daig pa ang mga bangko sa buhos ng mga salapi sa kanilang mga kamay.

"Hindi sila nawawalan ng pera hay nakapagtataka talaga".

"Sabagay baka tama nga ang bulong bulongan na itsura ang puhunan".hahaha.

Pamilya Mapalad-Paraiso sa SyudadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon