"gRABE! Ang pogi pala nilang pito!" Hiyaw ko. Ngumiti lang si Nikah bilang tugon.
Maya-maya pa ay bigla akong tinanong nito.
"Ate, sa tingin mo sino magiging bias mo diyan?" Tanong niya sa akin. Hala, na - hotseat pa nga ako.
"Feeling ko yung may dimples. Teka, ano ba name niya?" Tanong ko.
"Ah, ganda ng taste natin ate ah! May naalala ka 'no?" Tanong niyang muli sa akin.
"W-wala ah!" Utal kong sagot. Tumawa lang si Nikah sa akin. Anong meron? May nakakatawa ba? Anong nakain nanaman nitong babaeng to?
"Suuuus! Wag ako! Crush mo lang si Kuya Johan eh!" Anak ng patola naman oh! Wala namang laglagan ng crush dito uy!
"So yun nga, yung may dimples na sinasabi mo, Si RM yan." Oh, Kaya pala nakakahulog ng loob ang mga ngiti niya. Kahit sino naman, mahuhulog ang loob pag siya naging bias mo.
"Oh, ang pogi nga niya. Sa akin na yan ha!" Sambit ko na ikinatuwa niya.
"Buti na lang, hindi si Suga bias mo. This means war pag ganun!" Saad niya na ikinatawa ko.
"Sino yung parang pogi sa tabi niya?" Turo ko.
"Ah, yung black hair? Si Jin" Sagot niya. In fairness ha! Ang pogi niya. Baka sya na magiging main bias ko. Sorry, RM huhu. Don't worry, ikaw parin naman baby ko.
Then sino yung katabi ni Suga?" tanong ko sa naka purple suit.
"Si J-hope yan. Bias ko. Bale bias wrecker ko si Suga" Sambit niya sa akin, na ikinatango ko.
Hanggang sa napadpad na kami sa buong maknae line na sina Jimin, V, at Jungkook.
"Kaya pala, familiar saken yung maknae nila" Saad ko.
"Sino ate? Si Jungkook? Ate, yan yung sumisipol sa DNA" Sabi niya sa akin.
Oh, kaya pala. Ang baby faced kasi ng ichura. Pero mas baby ko na si RM at Jin. Cute kasi nila eh
#THE FEELS
"By the way ate, nakapunta ka na ba ng concert nila?" Tanong niya sa akin. Parang ang hirap naman ng tanong na yan. Parang mas mahirap pa sa math subject ha.
"Hindi pa. Pero sana payagan ako nina mommy." Malungkot na saad ko.
"Papayagan ka niyan! Ikaw pa! Ang tali-talino mo kaya! Saka di naman imposibleng mangarap eh! Ang tataas kaya ng grades mo! Sana all!" Tugon niya. Sana nga.
AFTER A LONG WHILE....
"And the MAMA Daesang 2018 Award goes to..."
Kumakabog na ang puso ko sa kaba, na parang anytime pwede nang sumabog.
"BANGTAN SONYEONDAN!"
At ang inital reaction namin ni Hanikah? Para kaming mga nanalo sa lotto.
"AAAAAAA! NANALO BTS! OMGGG!" Hiyaw ko sa tuwa.
"AYOS!!!! ANG GAGALING TALAGA NILA!" Saad ko.
At simula nung gabing yun, opisyal na akong parte ng ARMY, ang fanclub ng supergroup na BTS.