DEAR JOON

12 1 3
                                    


Dear Joon,

Hi. Miss na kita. Kumusta ka na? Ayos ka lang ba?

Di ka ba nilalamig? Kumakain ka ba sa tamang oras?

Please, stay safe out there for me. Kayong lima.

Alam kong next year pa uwi niyo, pero please mag-iingat ka.

Okay lang ako, kami dito. Please, wag mong kalimutang uminom ng tubig ha? Kumain ka sa tamang oras ha.

Joon, laging mong tatandaan na andito lang ako palagi, para sa inyong pito.

Joon, thank you sa mga advices mo ha. Ewan ko ba, para akong mawawalan ng bait kapag naiisip kita, kung okay ka lang sa bansa mo? Kung nakakatulog ka ba sa tamang oras?

Joon, sa oras na bumalik ka, andito pa rin ako. Naghihintay pa rin ng buong buo para sayo.

Kim Namjoon, miss na kita. Uwi ka na, sinta ko.

Miss ko na yung love letters mo sa Weverse. Miss ko na kakulitan mo.

Miss ko na yung mga codeswitch episodes mo everytime na maglalive ka.

Miss ko na bardagulan niyong pito.

Miss ko na yung mga chikahan at tawanan niyo.

Miss ko na kayong pito.

Hangga't pwede pa, andito lang ako, mananatiling nakaantabay sa pag-arangkada niyo bilang bangtan.

Mananatili akong maghihintay sa muling pagbabalik niyo bilang isang grupo.

Mahal na mahal ko kayo. 

Mahal na mahal kita Kim Namjoon. Hintayin mo ko ha? 

Kahit alam kong imposible, pero kakayanin pa rin, para sayo, irog ko. 

Baka sa susunod, baka pwede na, kung pagbibigyang muli, why not coconut, di ba?

Wala namang imposible para sayo. Aasahan kong muli ang pagbabalik mo sa harap ng entablado, puno ng musika at hiyawan ng mga tao. 


- from your right person who came from a wrong place,

 Aerin, xo. 

BANGTAN DIARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon