“SINUBUKAN KO; SAPAT NA”
GreeneverGardennsinubukan kong hindi magparamdam,
hindi rin naman nila ako hinanap.
sinubukan kong magpaalam,
hindi man lang ako binigyan ng huling yakap.sinubukan ko na ang lumayo,
at ako’y kanilang hinayaan lamang.
sinubukan ko na ang sumuko,
at sila’y mukhang nasiyahan.sinubukan kong umiyak sa kanilang harapan,
ngunit hindi man lang nila naramdaman.
sinubukan kong sa lahat ay bumitaw,
ngunit hindi man lang nila ako hinawakan.sinubukan kong magpaanod,
hinayaan man lang nila na ako’y tangayin.
sinubukan kong magpakalunod,
hindi man lang nila ako kayang sagipin.sinubukan ko abutin ang mga bituin,
ngunit bakit nilalayo nila ito sa akin?
sinubukan ko bumangon sa bawat pagkatalo,
ngunit bakit tila gusto nilang nadadapa ako?sinubukan ko umibig at magtiwala ng buong puso,
ngunit ako lamang ay kanilang niloko.
sinubukan ko pero tila walang pagbabago,
sapagkat lagi na lang akong nabigo.sinubukan ko lumayo sa sakit ng kahapon,
ngunit anino’y sinusundan pa rin ako ’gang ngayon.
sinubukan ko ang laging tumawa sa likod ng luha,
pero ang dating saya’t sigla ay tila wala na talaga.sinubukan kong ipagpatuloy ang laban,
ngunit pagod na ang kaluluwa upang lumaban pa.
sinubukan ko naman sa totoo lang,
pero ang mundo’y tila iba na talaga.sinubukan ko naman talaga ang lahat,
ngunit hindi pa rin ito naging sapat.
sinubukan ko ulit, sa puntong ’to may napagtanto ako;
hindi man ako sapat, ay sapat na rin ang ipinakita at ipinaramdam nila na itigil ko na ’to.sapagkat aking naalalang naging sapat naman ako,
napaligiran nga lang ng mga mapagpanggap na tao.
sinubukan ko rin lahat ng makakaya ko,
hindi nga lang nakita ng mundo, pero kilala ko naman ang sarili ko.ngayon, lahat na ay aking sinubukan.
siguro sapat na upang masagot ang mga katanungan.
sapat na ang lahat upang sila ay aking layuan.
sapat na ito, upang ako ay hindi na nila muling masaktan.sinubukan ko, kaya sapat na ang lahat nang ’to.
sapat na ito upang maalala ko,
naging sapat at mahalaga naman talaga ako,
pero hindi nga lang sa harap ng tamang tao...────────────
small letters are intended.
open for criticisms.plagiarism is a crime.
If you want to use this piece, please make sure to credit the writer properly. Also, don't forget to tap the star button below to vote to show your appreciation and support. It means a lot!maraming salamat sa pagbabasa! ♡
@berde
YOU ARE READING
Her Words (A Collection Of Poems)
Poetry"Her Words" is a collection where each poem whispers a memory, a moment, a feeling. In every line, her voice echoes telling a story. Languages used: English, Filipino, and Cebuano-Bisaya Started: 20th of January 2021 (Wednesday) All rights reserved...