WALA BA TALAGA? | Feb. 01, 2024

2 0 0
                                    

“WALA BA TALAGA?”
GreeneverGardenn

kumusta ka na ba?
sana nasa maayos ka.
iyan lang naman ang nais kong malaman.
kaya mo na ba talagang ako ay iwan?
ako kasi rito ay naghihirap.
araw’t gabi kitang iniisip at hinahanap.

mayroon nga bang namamagitan?
o baka mali ang aking naintindihan.
ako naman ay iyong munang pakinggan.
ano? nararamdaman mo ay walang katotohanan?
baka ikaw at nagdadahilan lang,
dahil ako ay gusto mong malinlang.

kasi sa akin, hindi lang ako nag-iilusyon.
totoong ramdam ko ang iyong intensyon.
pero bakit nagawa mo pa rin akong iwan?
ang babaw naman ng iyong dahilan,
na sa akin ay wala ka talagang nararamdaman.
para lang tapusin kung ano ang sa ati’y namagitan.

────────────

small letters are intended.
open for criticisms.

plagiarism is a crime.
If you want to use this piece, please make sure to credit the writer properly. Also, don't forget to tap the star button below to vote to show your appreciation and support. It means a lot!

maraming salamat sa pagbabasa! ♡

@berde

Her Words (A Collection Of Poems)Where stories live. Discover now