“IKAW’T ANG HILING”
GreeneverGardennalam mo ba? sa aking panalangin,
isinali ko rito ang hiling na taimtim.
“sana ako naman ay iyong mapansin”,
mga salitang hindi ko lubos akalaing dinggin.sa puntong ito ako ay kinakabahan,
at mga mata’y hindi makatingin sayo nang tuluyan.
sapagkat ito ay patuloy na nagniningning,
dahil sa wakas natupad ang aking hiniling.hindi ko na kasi alam ang gagawin, at natataranta.
paano ba? ako’y bigla mong kinausap nga.
tila ba mundo ay biglang umikot ng dahan-dahan.
tayong dalawa? hindi ko talaga inasahan.“gusto rin kita”, mga katagang iyong binitawan.
hindi ko alam na ako rin pala’y iyong magugustuhan.
dahil dati, tinatanaw lang kita mula sa kalayuan.
hindi ko man lang naisip na sa huli, ikaw ang makatuluyan.────────────
small letters are intended.
open for criticisms.plagiarism is a crime.
If you want to use this piece, please make sure to credit the writer properly. Also, don't forget to tap the star button below to vote to show your appreciation and support. It means a lot!maraming salamat sa pagbabasa! ♡
@berde
YOU ARE READING
Her Words (A Collection Of Poems)
Poetry"Her Words" is a collection where each poem whispers a memory, a moment, a feeling. In every line, her voice echoes telling a story. Languages used: English, Filipino, and Cebuano-Bisaya Started: 20th of January 2021 (Wednesday) All rights reserved...