HTF 4

4 1 0
                                    

****

Mabilis lumipas ang mga araw at hindi ko na namalayang mag uumpisa na agad ang 1st quarterly examination. Tulala akong nakatingin sa sandamakmak na notebook at librong nasa harapan ko ngayon. Kaya nga ako pumunta rito sa library para makapag review dahil alam kong walang mangangahas na mag ingay sa ganitong lugar at walang istorbo, saka naman ako inatake ng katam, sobrang katamaran.

Ipinatong ko na lang ang aking ulo sa may lamesa at umaasang baka saniban ako ng kasipagan ngayong araw.

"Dito mo pa yata balak matulog?"

"Wag mo akong inisin ngayon Achi, wala pa akong naaaral kahit isa! " Inis na saad ko sa kaniya. Kung wala lang talaga kami rito sa loob ng library kanina ko pa siya nasigawan at nasipa.

" Hindi ka naman ganiyan dati? Nasaan na 'yong Ali na mahilig mag advance reading? May pasabi-sabi pang "Cramming is not part of my vocabulary" pero ngayon mukha ng zombie,"

" Ang ganda kasi nong pinapanood kong anime, hindi ko na namalayan ang oras kakalast-one episode ko kagabi, malay ko ba na imo-move na agad bukas ang examination day? "  Nakasimangot na saad ko pa sa kaniya. Saka hindi ko naman kasalanan kong sobrang ganda nong pinapanood ko ngayon to the point na nabibitin ako kada tapos ng isang episode.

" Ah uh? So good luck to you, I hope your anime can save your grades, by the way I just want you to know na tuloy pa rin ang deal natin tulad ng dati." Nakangising saad nito at ginulo ang aking buhok. Masama ko naman siyang tiningnan at ang kumag nagawa pa akong dilaan bago tuluyang nawala sa aking paningin.

Napasabunot na lang ako sa aking buhok dahil nawala sa isip ko ang bagay na 'yon. Kailangan ko na talagang makapagreview kung ayaw kong maging alila ng kumag na 'yon. May usapan kasi kami na kung sino ang mas maraming mataas na score sa exam at ranking ay magiging alila niya ang natalo sa deal namin, pwede niyang iutos lahat ng gusto niya sa taong 'yon sa loob ng isang linggo. Ano ng gagawin ko? Saan ko ba pwedeng hukayin ang utak ni Albert Einstein at ipasak muna sa ulo ko? Yong utak ko kasi ngayon missing in action pa, hindi ko alam kung saan ko ba nailagay o naiwala.

Hindi ko nga alam kung bakit pumayag ako sa ganong klaseng deal ng kumag na 'yon. Sinabi niya kasi sa akin na makakatulong daw 'yon para hindi kami parehas tamarin mag aral, at least may motivation na kami para sipagin diba? Sino ba naman ang matutuwa kapag ginawa kang utusan diba?

Kahit na wala talagang pumapasok na information sa aking utak ay pilit ko pa ring binabasa ang aking mga notes at reviewer, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako lalo pa't malamig din ang aircon ng library. Masarap talaga matulong kapag malamig ang paligid tapos sobrang tahimik pa.

Nagising na lamang ako dahil sa pag vibrate ng aking cellphone, time na pala at kailangan ko ng bumalik sa classroom at baka ma late pa ako. Ngunit naagaw ng aking atensyon ang jacket na nasa aking balikat. Tinitigan ko ito at pilit na inaalala kong saan ko nga ba ito nakita? Hindi ba't varsity jacket ito ng mga basketball players? Sino naman kaya ang magpapatong nito sa balikat ko? Kilala ko ba? O kilala ako? Paano naman ako makikila nito? Nakita ko rin ang initial na nakalagay sa bandang likuran nito at nakaburda roon.

D.A

Ibibigay ko na lang siguro kapag mayroon ng kumuha sa akin o kaya ibibigay ko na lang sa broadcasting team para ipaalam sa nagpahiram sa akin kung saan niya ito pwedeng makuha. Nagkibit balikat na lamang ako at inayos ang pagkakatupi sa jacket. Mahirap na baka magusot pa, halatang bago pa naman at bagong laba na rin, kinuha ko na rin ang mga notes at libro ko at pagkatapos ay napagpasyahan ko na ring umalis na roon.

Nang makarating ako sa loob ng classroom ay naabutan ko ang mga kaklase kong busy sa pagri-review, mayroon pa ngang naghihiraman ng reviewer at nagpapaturo para lang maintindihan ang topic na inaaral nila. Ito lang ang maganda sa school na ito, binibigyan nila ng isang buong araw ang mga estudyante na makapag review bago sumabak sa exam kinabukasan. Although walang nagtuturong instructor sa amin, nasa room naman ang mga class adviser para i-monitor ang buong klase.

Inilapag ko ang aking mga gamit at inilagay sa loob ng aking bag ang jacket na dala-dala ko. Umupo ako sa aking upuan at ibinaling ang tingin sa labas. Kahit saan ko yata ilibot ang aking paningin puro mga estudyanteng nagaaral ng kanilang mga reviewer ang aking makikita. Edi sila na ganadong mag aral, sana nag review din ang guardian angel ko ngayon. Huwag sana umabot sa point na idaan ko na lang ang sagot sa dasal at panghuhula.

"Ah Aya." Inalis ko naman ang tingin sa labas ng bintana at ibinaling ang tingin kay Shammy ng sabihin nito ang nickname na ginawa niya raw para sa akin. Ayaw n'ya na raw kasi akong tawaging Ali at yon na raw ang tawag sa akin ni Achi, kaya Ayah na lang daw at galing din naman daw iyon sa pangalan kung Aliah.

"Bakit?"

"Pwede mo ba akong turuan dito? Hindi ko kasi siya masyadong naiintindihan, nalilito kasi ako." Kinuha ko naman sa kaniya ang notebook na hawak niya at pagkatapos ay binasa ko ang nakasulat doon. Mabuti na lamang pala at madali kong naintindihan ang mga 'yon kaya pinaupo ko siya sa aking tabi at sinimulan ko na siyang turuan. Hindi naman siya mahirap turuan, sa totoo lang ay madali niyang naiintindihan ang mga sinasabi ko. Pansin ko lang din sa kaniya na mas naiintindihan niya ang mga topic kapag mabagal at step by step ang pagpapaliwanag sa kaniya. Hindi ko naman siya masasabi na slow learner pero mas prefer niya ang gano'ng way ng pagtuturo para makasabay siya.

Sa ganong eksena lang natapos ang buong maghapon ko at masasabi ko na nakakapagod din talaga. Hindi man physically but mentally, hindi mo nga ramdam ang pagod sa katawan pero ang utak mo, ramdam naman nito ang sakit at pagod. Umuwi na rin kami agad pagkatapos, hindi ko na hinintay pa si Achi dahil alam ko naman na busy din ang isang 'yon. Pagkarating ko sa bahay ay pabagsak akong nahiga sa aking kama at pilit na nilalabanan ang antok dahil sa sobrang pagod.

Kahit na tinatamad ako'y pinilit ko talagang bumangon para lang makapag half bath at maging presko ang aking pakiramdam. Pagkatapos ko sa aking ginagawa ay agad din akong bumaba at naabutan ko roon si mama na abala sa pagluluto katulong si Manang. Ito ang gusto ko kay Mama, kahit na busy siya sa trabaho kapag narito sya sa bahay, siya talaga ang nagluluto para sa amin at inaalalayan lang siya ni Manang sa mga gawain. Kaya kahit na madalas silang busy hindi ko magawang magtanim ng sama nang loob sa kanila dahil alam ko na ginagawa nila ang lahat para makabawi.

"How's your school anak?"

"Ok lang naman po Ma, exam na namin bukas."

"Nakapag review ka na ba?"

"Sinubukan ko po, pero hindi talaga kayang i-absorb ng utak ko lahat ng inaaral ko Ma." Dismayadong tugon ko pa.

"Don't pressure yourself anak, kung ano man ang nakayanan mo... always remember na proud kami sayo, at least you're doing your best ok?" saad sa akin ni Papa at bahagyang pinisil ang aking ilong, hindi ko tuloy mapigilang yakapin siya. Alam ko na kahit kailan hindi nila ako pini-preassure pagdating sa pag aaral ko at maswerte ako sa part na 'yon, hindi ko lang talaga maiwasang magkaroon ng pressure para sa sarili ko, kahit papaano naman gusto kong maging proud sila sa akin at masuklian ko lahat ng sakripisyo nila para sa akin.

"Tama na 'yan, kakain na tayo..isa pa nga pala anak, gumawa ako ng favorite mong leche fan, inilagay ko na siya sa may reef, nalaman ko kasi na maganda sa mga nagri-review ang may kinakain na sweets para ma boost ang brain." Nakangiting saad ni Mama sa akin.

"Thank you po Ma,"

Matapos ng pag uusap naming iyon ay nagsimula na kaming kumain. Naging tahimik ang buong hapagkainan at walang sinuman sa amin ang nagbalak na magsalita.

"Tapos na po ako, aakyat na po ako sa kwarto at magaaral pa po ako." Paalam ko pa sa kanila. Dumiretso muna ako sa may reef at kumuha ng isang llanerang leche fan at pagkatapos ay umakyat na ako sa aking kwarto. Ipinatong ko ito sa aking study table at sinimulang ihanda ang aking reviewer at mga libro. Sinimulan kong basahin ang mga ito habang kumakain ng paborito kong dessert. Hindi ko alam kung anong oras ako natapos sa pagri-review dahil nagising na lamang ako dahil sa lakas ng aking alarm clock. Pagtingin ko sa aking orasan ay alas dos na pala ng madaling araw, kahit inaantok pa ako'y pikit mata akong lumipat sa aking kama at doon ibinagsak ang aking katawan.

"Pwede bang maging hotdog na lang ako sa ibabaw ng reef?" Mahinang bulong ko pa sa aking sarili bago ako tuluyang lamunin ng antok sa pangalawang pagkakataon.

A/N

Tinatamad akong mag review para sa long quiz haha send pampa boost ng brain hshs (⁠个⁠_⁠个⁠)

Halfway to Forever Where stories live. Discover now