Mr. Fine Arts

3 6 0
                                    

Fey's POV:

Nagising ako sa tunog ng aking alarm sa tabi ng aking higaan. Tinuon ko ang aking pansin sa maliit na mesa sa tabi ko at nakita ang alarm clock na patuloy na tumutunog.

"6:00 AM."

Inabot ko ito at pinindot ang button para patigilin ang tunog. Bumangon na ako mula sa kama para makapaghanda na para sa pasukan.

Nag-unat ako para maalis ang antok sa katawan, saka dumiretso sa banyo para maligo.

Pagkatapos maligo, kinuha ko ang damit na inihanda ko kagabi—isang simpleng puting t-shirt at maluwag na pantalon. Wala namang espesyal, pero mabuti nang handa, diba? Ang sabi nga, "Daig ng masinop ang masipag," di ba? Basta, ready or not, let's go siguro yon?

Inayos ko ang aking higaan at kinuha ang aking asul na bag na nakasabit sa dingding, puno ng mga gamit ko para sa eskwela at pagpipinta, at lumabas na.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba para mag-almusal. Naririnig ko ang tunog ng mga kubyertos sa kusina; gising na si Papa, siguro.

Pagbaba ko, nakita ko si Papa na nagluluto sa kusina. "Pa, good morning!" bati ko sa kanya habang niyayakap siya mula sa likod.

"Good morning, baby. How was your sleep? Did you sleep well?" tanong niya sa akin. Tumango ako at umupo sa harap ng kitchen island.

Ilang minuto ang lumipas, natapos nang magluto si Papa. Nilagyan niya ako ng itlog at sinangag sa pinggan, kasabay ng paborito kong juice. "Thanks, Pa," sabi ko.


Ngumiti lang siya sa akin habang naglilinis ng mesa. "I've already packed your baon. Don't forget to eat it, okay?" bilin niya sa akin sabay abot ng naka-balot sa brown na papel na pagkain.

"Yes po. Salamat, hehe," sagot ko naman habang ninanamnam ang almusal ko.

"Dadaanan kita mamaya sa school nyo ha? Wala naman akong meeting mamaya kaya maaga ako makakauwi. Sa labas na lang tayo kakain," dagdag pa ni Papa habang hinuhugasan ang kamay sa lababo.

"Okay po. Pero pwede bang huwag pasta mamaya, Pa? Parang magiging pasta na rin ang bituka ko sa kakakain natin nun kada dinner, eh," sabi ko nang seryoso sa kanya. Tumawa naman si Papa sa sinabi ko, kaya tiningnan ko siya nang masama.

"Nako, talaga, pag pasta na naman yan," pagmamaktol ko habang naka-cross ang mga kamay sa dibdib.

"Yeah, yeah. We'll eat at a Filipino restaurant later," sagot ni Papa.

"Yay! I want adobo!" masaya kong anunsyo habang nililigpit ko ang pinagkainan ko at hinugasan ito.

"Napakain ko na si Natsu. Yung tubig mo, nasa mesa sa sala. I already put a lot of ice in it," dagdag ni Papa habang lumalabas ng kusina.

"I'll just get my keys from the room, and we'll get going," sabi niya bago pumasok sa kanyang kwarto.

Matapos kong maghugas, lumapit ako kay Natsu na humihiga sa sala. "Good morning!" bati ko sa kanya habang pinaglalaruan ang dalawang taynga niya. "Antok pa ba ang baby na 'yan?" tanong ko sa kanya. Hindi talaga morning dog si Natsu; grumpy siya tuwing umaga.

Umayos ako ng upo sa sofa sa tabi ni Natsu at binuksan ang phone ko. Kagabi ko lang natanggap ang schedule mula sa school, at ang unang araw ay puno na ng mga gawain. Ganito pala kapag college na.

Napabuntong hininga na lang ako. Gusto ko na talagang magpinta. Reklamo ko sa sarili ko at ibinalik ang phone ko sa bulsa.

Maya’t maya pa, lumabas na si Papa mula sa kwarto. “Let’s go, Fey,” sabi niya at lumabas na kami ng bahay. “Bye, Natsu, see you later,” pagpapaalam ko habang pinaglalaruan ang ulo niya nang pabiro.

The painter's brushWhere stories live. Discover now