One thing is for sure now, Hindi aalis si Alric dito sa bahay ko nang hindi nagtatanong.
Nadatnan niya akong ginagamot ni Luna kanina at sigurado akong maraming bumabagabag sa utak niya.
Tahimik lamang kaming dalawa nang umalis na si Luna para daw puntahan si Kian, Binigyan na din ako ng T-shirt ni Luna kanina bago siya umalis.
Tinulungan ako ni Alric patungo sa kwarto ko at dahil masakit parin ang sugat ko ay humiga muna ako samantalang umupo naman si Alric sa kama ng nakatalikod saakin.
Nakayuko siya habang tila sinusuportahan ng kanyang kamay ang kanyang ulo at ang siko niya ay nakapatong sa kanyang hita.
Pinagmasdan ko lang siya sa kanyang ginagawa dahil ayaw kong ako ang mag-umpisa ng usapan.
Bumuntong hininga siya bago Dahan-Dahang nagbaling ng tingin saakin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.
"Sinong gumawa niyan sayo?"Bungad ni Alric
"Hindi na Importante iyon Alric "
Tumalikod nalang ako sakanya dahil hindi ko kinakaya ang paraan ng pag-titig niya.
"Hindi Importante? Alora!Ang lala ng Sugat mo!" Mariin niyang sabi.
Naramdaman kong gumalaw siya at dahil nakatalikod ako ay hindi ko alam ang ginawa niya.
"Alam ba ni Tita Violina yang nangyare sayo?"
Parang tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang pangalan ni Mommy.
Napatigil ako ng bahagya sa pag-hinga dahil parang kinurot ang puso ko at sumakit bigla ang sikmura ko.
"Umalis kana Alric, Mag-trabaho kana, Huwag mong sayangin ang Oras mo saakin "malamig kong sagot.
"Alora, Baby...please naman oh,Sabihin mo saakin kung anong nangyari sayo,Sobrang nag-aalala ako." Pagsusumamo niya.
Mas lalo akong naubusan ng hangin sa mga salitang lumabas sa bibig niya, kaya naman pinilit kong makatulog para hindi na kami mag-usap pang muli.
Nagising akong wala ng Alric naupo sa gilid ng kama ko, Dahan-Dahan akong tumayo saka kumuha ng sando at jogging pants at dali-daling pumunta sa banyo ng kwarto ko para maligo.
Matapos kong maligo ay lumabas na ako ng kwarto para mag-luto ng makakain ko nang may naamoy akong kung ano sa Kusina.
Bumungad saakin ang nakatalikod at naka puting T-shirt na si Alric, Hapit na Hapit ang kanyang katawan, Mas lalong nadepina at mature ang katawan niya ngayon kumpara sa noon.
Dahan-Dahan siyang humarap sa pwesto ko at napaigtad nang makita niya ako.
"Alora naman!Huwag ka namang manggulat diyan" saad niya sabay hawak sa kanyang dibdib.
"Bakit nandito kapa?Hindi ba sinabi kong umalis kana?"
Naglakad ako papunta sa ref para kumuha ng tubig.
"Masakit paba sugat mo?"nag-aalalang tanong niya.
Hindi ko siya pinansin ,saka ako nag-salin ng tubig sa baso nang mapansin kong tumahimik siya kaya naman nag-baling ako ng tingin sakanya.
"You got... inked?"
Pinagpapawisan na ako ng malamig dahil ayaw kong mag tanong siya kung ano-ano ang mga meaning at hindi ako sigurado kung nakita din ba niya kanina ang tattoo ko sa tagiliran.
"Ang dami mong tanong...Niluluto mo masusunog na"
Mahina siyang napamura saka dali-dali naman niyang pinatay ang kalan saka siya nag lakay sa isang mangkok.
"Nag-luto ako Alora...Sabay na tayong mag lunch?"
Tinaasan ko siya ng kilay saka pinag krus ang aking kamay .
"At Bakit naman ako sasabay sayong mag Lunch?"
"Kase...Wala kang kasabay?"
"Ano naman ngayon kung wala akong kasabay Alric?"
Umalingawngaw ang tawa niya sa buong kusina na siyang nagpabilis ng tibok ng puso ko kasabay ng pagkiliti ng kung ano sa aking Tiyan.
"Wag kana mag reklamo Quinn Alora, sayang naman etong Menudong niluto ko para sayo, Mas masarap kaiinin ang Menudo kapag may kasabay."
Dahan-Dahan niya akong inalalayan patungo sa dining area at kusa namang gumalaw ang aking mga paa para sumunod sa gusto niya,saka siya dali-daling bumalik sa kusina para kumuha ng kubyertos.
"Ako na ang mag-huhugas ng mga pinagkainan , Pwede ka ng pumasok sa trabaho mo..Kaya ko na ang sarili ko"
Nag-simula na akong ipunin ang mga ginamit namin saka dumeretso sa lababo para mag-hugas.
"Nag-paalam na ako sa Principal namin at Naintindihan din naman niya dahil sinabi kong emergency "
"Pwede kana umuwi kung ganon"
Mag-uumpisa na sana akong maghugas nang agawin niya saakin ang sponge saka ako marahang inugos sa gilid.
"Ako na mag-huhugas baka lumala pa yang sugat mo"
Bumuntong hininga na lamang ako at hindi na nakipag talo pa sakanya dahil masakit pa rin ang aking sugat kahit papaano, Lumabas na ako sa bahay saka umupo sa ilalim ng mga puno.
Isang presko na pang hapong hangin ang nadama ko sa aking balat na siyang nagbigay saakin ng dahilan upang pagmasdan ang napaka gandang dagat at mga bundok sa hindi kalayuuan .
Pinanood kong hampasin ng hangin ang alin sa dalampasigan, Ngunit naputol ang pag-mumuni muni ko nang tumunog ang telepono ko.
Agad ko itong kinuha sa aking bulsa saka sinagot upang makausap si Miss Raven.
["Nakarating na saakin ang mga Flashdrives Quinn, ngayon gabi mismo si Kelvin naman ang Ipadala mo saakin."]bungad ni Miss Raven
"Paano si Roberto?"
["Gagawin kong pain si Kelvin para mapunta siya dyan,Wag kang mag-alala at may mga kasama ka na dyan"]
"Alam mo bang Anak ni Roberto si Kelvin?"
["Don't kill him yet Quinn,I know you!Kailangan pa natin siya para kay Roberto "]
"I'll try my best Miss Raven "sagot ko saka binaba ang tawag.
Ang plano ay damputin si Kelvin at ipadala sa Headquarters upang makuhanan ng impormasyon at patayin.
Si Elle at ang iba pa ay pakalat-kalat na lang muna sa tabi-tabi para may back up kaagad.
Ako naman ay maiiwan rito dahil alam kong Babalik si Roberto rito para sa Anak niya at sa pagkakataong iyon ay ako na amg tatapos ng buhay niya.
Pinatay ko ang upos ng aking sigarilyo sa isang bato saka ito tinapon ng maayos.
"When did you start smoking Quinn Alora " Tanong ni Alric habang tinitignan ako ng masama.
"Long time ago,Hindi ka paba aalis?"walang buhay kong sagot.
"Uuwi na ,Magpahinga ka ha...Mamayang hapon susunduin kita at may kaunting salu-salo kina Asher, Pinapasundo ka"
"Bahala ka Alric "sagot ko muli.
Tumayo na ako sa aking kinauupuan saka naglakad pabalik sa bahay nang hindi na siya nililingon muli.
I can't let myself fall inlove again, I'm scared that I'm gonna be his downfall, Natatakot ako na baka pagnalaman niya kung ano na ang ginagawa ko ngayon ay bigla nalang ulit siyang mawala sa buhay ko.
Tulad ng biglaan niyang pag-kawala noon...
BINABASA MO ANG
FORCED TO BE EVIL
AcciónAlora has a perfect life, She is Loved and Her mother treated her like a princess. She is selfless and has a Angelic personality. Despite of her personality she doesn't want to trust new people in her life, Like How Alric doesn't want to trust new...