005- The Gallery

34 4 3
                                    

|005|The Gallery

Hindi ko maiwasang hindi mailang dahil kanina pa tingin ng tingin sa rearview mirror ang lalaki na tumawag kanina kay Azrael na 'babe'. Oo, tama ang narinig niyo, babe!

Bakit siya tatawagin ng babe no'ng lalaki na 'yun? Not unless mag-boyfriends sila 'di ba? Pero ibig sabihin no'n, bakla si Azrael?

Tila tinakasan ako ng dugo dahil sa mga naiisip ko. Para akong sasabog dahil hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Naiinis ako, sure 'yon. Pero hindi ko naman alam kung saan.

"So, he is..?" Biglang tanong ng lalaki kay Azrael na kanina pa hindi maipinta ang mukha.

Salubong ang kilay at mahaba ang nguso nito na nakaupo sa tabi ko sa likuran ng kotse habang naka cross arm. Kanina kasi bago kami lumabas ng studio, nagtalo muna sila. Hindi ko naman narinig ang mga sinabi nila dahil agad namang nilayo ni Azrael ang lalaki sa akin. Sayang nga eh, gusto ko pa sanang makiusyoso. Ni hindi man lang nila i-share sa akin ang mga pinagusapan nila. Ang damot!

"Ce ne sont pas tes affaires," biglang saad ni Azrael sa malalim na boses. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Ano raw?! Nag-french ba siya?

In the rearview mirror, I caught a glimpse of the guy’s lips curling into a smirk. "So, you’re his little dark secret, huh?" nakakalokong saad niya sa akin na bahagya pa akong sinilip sa salamin.

Wait lang naman! Ano ba ang sinabi ni Azrael?!

"Just focus on the road Kevin! I swear, pag nabangga tayo, hahatiin ko sa dalawa ang katawan mo," banta niya naman sa lalaki na nakapagpatigil ng paghinga ko.

Hindi ako makapaniwalang si Azrael ang nasa tabi ko ngayon. The soft, warm, cozy Azrael that I knew is just... gone! Napalunok nalang ako ng laway dahil ngayon ko lang siya nakita na ganito.

He's fucking scary.

Nakarating na kami sa parking lot ng condo ni Azrael nang walang umiimik sa aming tatlo. Natahimik nalang din 'yung Kevin pero napapansin ko namang maya't maya rin siya tumitingin kay Azrael. Bumaba na kami ng kotse.

"Pumayag na akong ihatid mo ako Kevin. Now, leave!" malamig ang boses na tugon ni Azrael sa lalaki. His voice was deep and at the same time deadly. Tatagos talaga iyon sa buto mo.

Tumawa naman ng mahina si Kevin na para bang biro ang sinabi ni Azrael sa kaniya. "Galit ka pa rin sa 'kin hanggang ngayon? Really, babe?" Hindi siya makapaniwala.

Natahimik nalang din ako sa isang tabi habang pinapanuod silang tumingin ng masama sa isa't isa.

"Should I be happy to see you? You're not even worth my smile," sarkatiskong sagot naman ni Azrael sa kaniya.

Tumaas ang gilid ng labi ng lalaki. "Ang sabi ko 'di ba babalikan kita?" he said as he was looking intensely at Azrael's eyes. "Bakit hindi mo ako hinintay?"

Bahagyang nagulat naman ako ng biglang natawa si Azrael. His laughter was full of sarcasm.

"You think I was so dumb to stay and beg you to choose me, Kevin?!" Mapakla siyang tumingin pabalik sa lalaki. "And now that I’ve moved on, you expect me to welcome you back with open arms? To be happy that you’ve finally decided to return? As if everything can just go back to the way it was?" tumawa siya ulit ng nakakaloko bago muling seryoso na tumingin sa lalaki. "Well, fuck you!"

I watched as Kevin's expression shifted, from one of pride to a look of deep regret. He's clearly affected by Azrael's words.

Lumakad sa kaniya palapit si Kevin para bigyan sana siya ng yakap pero agad niya itong marahas na hinawi.

Paint Me, Jonathan (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon