008- Azrael's Secret (2)

20 3 3
                                    

|008|Azrael's Secret

Akala ko handa na akong mamatay. Akala ko kaya ko nang tanggapin ang lahat. Akala ko hindi na ako magugulat kapag bumalik muli ang sakit ko, pero mali ako. Akala ko lang pala ang lahat ng 'yon.

Matapos ang pagbisita ni Lluhence noong isang kagabi, nagising ako na muling naigagalaw na ulit ang mga kamay ko. I was happy. I thought I had more time before the disease showed up again. Kumain kami nang magkasama, and for the first time in a while, I felt genuinely happy. Masaya ako, sobrang saya, na nakalimutan ko pansamantala si Azrael.

I was still happy when I closed my eyes to sleep. Pero ngayong umaga, tila nawala lahat ng kasiyahan na naramdaman ko kagabi. I woke up, and I couldn’t feel my hands again. Akala ko hindi na ako magugulat, pero tangina! Umasa akong magiging maayos ang araw ko ngayon.

Sinubukan kong abutin ang cellphone na nasa gilid lang ng kama, pero kahit anong pilit ko, hindi ko maigalaw ang mga daliri ko. Ilang beses kong sinubukan, pero wala, kahit pag-pitik ng daliri, hindi ko rin magawa!

"AHHHHH!" Sumabog ang sigaw ko sa buong silid, puno iyon ng pagkabigo at galit sa aking sarili.

Ibinaba ko ang ulo sa mga tuhod ko, habang ang mga kamay ko ay nakabitin lang sa gilid, na parang bang mga walang buhay na kahoy.

Nararamdaman ko na rin ang mga luha kong naiipon na sa gilid ng aking mga mata. My breathing became heavier, as I am trying to hold back the flood of emotions ready to burst anytime.

Kasalanan ko naman ang lahat. Ginusto ko 'di ba? Ginusto kong mamatay. Pero ngayon… nagsisisi na ako. Gusto ko nang bawiin lahat ng sinabi ko. I want to live. Gusto ko pang magpinta hanggang sa tumanda ako. Pero ngayon, mukhang imposible na mangyari ang lahat.

Naputol ako sa aking iniisip nang walang ano-ano'y biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto at lumabas doon ang taong kinasusuklaman ko ngayon.

Umuwi pa siya!

Nagmamadaling lumapit sa akin si Azrael, nakakunot ang noo, puno ng pag-aalala ang mga mata na tila ba sobrang concern na concern siya sa akin.

Matalim ang mata na iniwas ko ang tingin sa tumatakbo niyang pigura. If only I know, hindi naman talaga siya nag-aalala. He was probably thinking na na'ndito nanaman siya na kasama ang may depekto na si Jonathan. Tch.

"Jonathan, anong nangyari?!" Mabilis siyang lumapit sa akin at nasa likuran niya naman si Pepper na nakasunod din.

Tinitigan ko siya ng masama. "Tapos na ba kayo ni Kevin?"

"Kev—ano bang sinasabi mo? Tinatanong kita kung anong nangyari sa 'yo?! Pag-pasok na pag-pasok ko pa lang ng pinto, narinig ko agad ang sigaw mo."

Iniwas ko ang tingin sa kaniya. "Ngayon may pakialam ka na ulit?"

"Saan ka ba nanggagaling? Hindi kita maintindihan."

"Umalis ka na lang, hindi kita kailangan."

"Ano bang nangyayari sa 'yo? Okay tayo ah. What happened? Bakit bigla ka na lang nagkakaganito?" Naiinis na  ang boses niya.

Tumingin ako ulit sa kaniya. This time, I looked at him full of hatred. "Anong nangyari?!" Tuluyan nang bumagsak ang luha sa mata ko. "Ang nangyari ay naguguluhan ako sa 'yo!" Sinabi ko 'yun sa kaniya ng puno ng hinanakit. "You made me fucking confused tapos iiwan mo ako? You're with Kevin pero kung ano-ano ang pinapakita mo sa akin? Tell me, ano lang ba talaga ako sa 'yo? Ha!"

Napako lang siya sa kaniyang kinatatayuan, nagulat sa mga sinabi ko. Dahan-dahan, lumapit siya sa akin. Lumuhod siya sa harapan ko habang nangungusap ang matang tumingin sa akin.

Paint Me, Jonathan (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon