006- Broken Promises 🔞

55 5 3
                                    

WARNING! This chapter contains mature themes and explicit content, including sexual situations. Reader discretion is advised.

****

|006|Broken Promises

Napagdesisyunan ni Azrael na dumaan daw muna kami sa MOA para kumain. Galit pa rin siya, nakikita ko, dahil kanina pa nakakuyom ang kamao niya hanggang sa makaalis kami sa Gallery. Hindi ko naman maintindihan kung bakit si Kevin ang sinisisi niya.

Dahil ba galit siya sa kaniya? Or dahil may mas malalim pa na dahilan sa hindi nila pagkakaintindihan?

Iwinagli ko nalang ang mga 'yon sa isip ko at tahimik na lang na naglakad. We are now walking inside the mall and we agreed na sa Keny Rogers nalang maglunch. Nang makarating sa restaurant, agad na rin na nag-order si Azrael sa cashier at ako naman ay naupo na rin sa mesa.

Hangngang ngayon, hindi pa rin maalis-alis sa isip ko ang nangyari kanina sa Gallery. Gusto ko siyang kaawaan pero hindi ko naman magawa dahil imbes na awa ang maramdaman ko ay natatakot ako sa kaniya. He's really scary when he's mad. Idagdag mo pa 'yung sinabi niya na malapit na raw magsara ang Art Gallery niya dahil hindi raw siya nakakabenta ng mga artworks. At dahil siguro madalang o halos walang mga collectors ang nagkakagusto sa mga iyon. Sa tinagal-tagal ko ringl kasing naging painter, hindi ko man lang narinig ang Gallery niya. So my best guess is, his gallery wasn't popular enough to compete with the top contenders.

"Care to share your thoughts?" Biglang saad ni Azrael na bahagya sa aking nagpagulat. Umupo siya sa harapan ko at saka nilapag sa mesa ang dalawang food tray na nasa magkabila niyang braso.

Bumuntong hininga ako. "Nag-iisip ako kung paano kita matutulungan."

"But you're already helping."

"I mean, hindi naman sapat 'yong mga paintings ko kapalit noong mga nasira."

Lumamlam ang mga mata niya na tumingin sa akin. "Ako na ang bahala roon. Besides hindi mo naman 'yon problema. At saka pinacheck ko na kay Lluhence ang CCTV para kung sino man ang gumawa noon sa akin, siya ang pagbabayarin ko."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niyang pangalan. "Lluhence?"

"He's my friend. He's the one responsible for the security of my Gallery," paliwanag niya.

Tumango-tango ako sa kaniya pero agad ring bumalik ang pagkakakunot ng noo ko nang may malala.

"'Di ba sinabi mo kanina na si Kevin ang gumawa noon sa Gallery mo? Paano mo naman nasabi? Para kasing sure na sure ka na siya ang may kagagawan noon," saad ko at napansin ko namang bigla niyang kinuyom ang kamao.

"That motherfucker. Siya lang ang may gustong sumira sa akin ng gano'n. Ever since the rejection, lagi na niyang sinisira ang mayro'n ako just to get me. Pero kahit anong gawin niya, he'll never lay a hand on me, ever!" Nagtatagis ang bagang na may diin niyang sabi.

Gusto ko pa sana magtanong tungkol sa sinabi niyang rejection kaso nahihiya akong usisain ang buhay niya.

So, ang ibig niya bang sabihin, hindi naging sila? And this wasn't the first time na may sinira si Kevin sa kaniya? I heaved a deep sigh. Gulong-gulo na ako kanina pa.

Kumain na rin kami ni Azrael at hindi na nagsalita pa. He ordered a roasted chicken leg and rice with buttered vegetables on the side. Ang inumin naman namin ay Iced tea na nag-compliment naman ng maayos sa kinakain namin.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na kami. Napagdesisyunan namin na pumunta na lang sa Art Studio para magpainting ulit. But this time, it would be for a collection-specifically, a summer collection.

Paint Me, Jonathan (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon