|012|The Breaking Point
Ilang araw na akong hindi mapakali. Ngayon na ang araw ng pagkikita namin ni Master Huang. Hindi ko alam kung anong pag-uusapan namin pero sana, maganda 'yon.
"Oh, bakit nakakunot nanaman ang noo mo, love? Kauma-umaga nakabusangot ka," pinalibot ni Azrael ang kamay sa bewang ko habang nakaharap ako sa salamin ng kuwarto. Hinalikan niya ako sa buhok. "Tungkol ba 'yun kay Master Huang?"
Mabigat akong bumuntong hininga. "Kinakabahan ako Azrael. Hindi ko alam kung anong pag-uusapan namin pero sana hindi 'yon bad news," sabi ko at muling nag-ayos ng sarili.
Bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin at saka naupo sa higaan. "Huwag mo kasing pangunahan. Isipin mo na lang na magandang balita ang pag-uusapan niyo," saad niya na nakapagpagaan naman sa loob ko kahit papaano.
Ever since no'ng nangyari sa amin ni Azrael, we became more open to each other. Mas naging sweet siya sa akin at ako naman, hindi ko na rin pinipigilan ang sarili ko na may maramdaman sa kaniya. Sa ngayon, siya ang dahilan ko kung bakit ako patuloy na lumalaban at bumabangon araw-araw. He's the one pushing me to do my best even when the day was the worst. Kaya sobrang thankful ako sa kaniya dahil nagustuhan niya ang taong tulad ko.
"You should eat heavy. Malayo-layo ang Manila. Baka magutom ka sa byahe," nag-aalalang saad niya na nilagyan pa ako ng pagkain sa plato.
Tiningnan ko naman siya ng masama. "Alam mo namang hindi ako malakas kumain eh! Gusto mo sumuka ako sa byahe?" sininghalan ko siya na ikinangisi lang ng loko.
Kung ano-ano nanaman yata ang iniisip niya. Napaka bastos talaga ng isip!
"Malakas ka kaya kumain, lo—" hindi na niya natuloy ang sasabihin nang binato ko siya ng apple na nadampot ko sa harap ng mesa.
Pinandilatan ko siya ng mata. "Fuck you!"
He chuckled. "We'll fuck later," he retorded then his eyes settled on my butt.
Pinaikutan ko lang siya ng mata at nagfocus na lang na tapusin ang kinakain ko. Matapos kasi nang binigay ko sa kaniya ang sarili ko, hindi na niya ako tinigilan. Hindi ko naman kasi alam na gano'n siya kalibog. Tulad kanina, pag-gising ko, tayong-tayo ang burat ng loko. Dinamay pa ako sa kahalayan niya at pinasubo sa akin ang alaga niya. Hindi naman ako nagreklamo dahil gusto ko rin naman.
I like it when I see his face twitching as he releases. Nakaka-satisfy lang. Parang napa-proud ako sa sarili ko.
"Mag-iingat ka ha. Huwag mo kalimutang magtext sa akin pag nakarating ka na sa Manila," paalala niya habang nakatingin sa akin na sinusuot ang sapatos ko.
"Okay po boss, masusunod," pabiro kong tugon. Nawawalan ng pasensiya niya naman akong tiningnan na nakapagpatawa sa akin ng bahagya. "Oo na nga. I-te-text na!"
He sighed in relief. "What if isama mo na lang ako? Promise, hindi mo malalaman na nandoon ako," pangungulit niya.
Tumigil ako sa pagsusuot ng sapatos at nauubusan ng pasensiya na tiningnan siya. "Alam mo naman ang sinabi niya 'di ba? He wants to meet me alone. Hindi ka kasama," paliwanag ko at saka muling pinagpatuloy ang pagsusuot ng sapatos. "Mamaya niyan, mabulilyaso pa ang deal natin kay Master Huang."
Hindi na siya nagsalita pa at pumunta na lang sa kinaroroonan ko. Pumunta siya sa likod ko at pinulupot sa akin ang malalaki niyang braso. For a moment, hinayaan lang namin ang aming sarili sa ganoong posisyon. We moved our body side by side as if we were dancing in a romantic song.
"If ever something happened, don't forget to call me. Fast. Liliparin ko ang Laguna to Manila mapuntahan ka lang agad," malambing niyang saad na nakapagpatawa naman sa akin ng bahagya.
BINABASA MO ANG
Paint Me, Jonathan (BXB)
RomanceHighest Rank #1 in Sad Story- 10/24/24 What if you were losing the most precious thing in your life, and the cruel twist is-you can never get it back? How would you cope? *** Jonathan Lei Zapanta, an 18-year-old child prodigy painter, has built his...