|001| The Cliff's Edge
Have you ever asked God about something that made your life feel so unbearable, to the point where you questioned your very existence? Na bakit pa ako nabuhay? Bakit ganito ang buhay ko, ganiyan, na kesyo hindi ko deserve ang mga nangyayaring 'to sa akin dahil naging mabuti naman akong tao?
Throughout my life, I've adhered to what society considers right and followed the expectations my parents set for me. I have to be the perfect kid, perfect student, perfect son, perfect in everything! And honestly, it was tiring. Nakakapagod maging perpekto dahil kaunting mali mo lang, mahuhusgahan ka agad. Tama nga 'yung sinabi nila na pag gumawa ka ng siyam na mabuti sa isang tao, at gumawa ka roon ng isang mali, 'yung walong tamang ginawa mo ay maeetsapwera dahil ang makikita lang nila ay 'yung isang pagkakamali mo. Ang fucked up 'di ba?
And because of that, I've been scared. I have always been. Natatakot akong magkamali dahil takot akong mahusgahan. I couldn't handle any hurtful words, with their judgemental eyes, it was suffocating! Sobrang naapektuhan ako no'n to the point na magkukulong ako sa kwarto buong araw at iiyak. It was very heartbreaking you know for a seven year old child.
Until one day, nadiskubre ko ang pagpipinta. I was often described as an emotional child, and I channeled those emotions into my art. At the age of seven, I've been earning money, millions of it. They called me the child prodigy painter because of that. Sabi rin nila na sa unang tingin mo pa lang daw sa painting na ginawa ko, mararamdaman mo agad 'yung emotion na nakapaloob doon. I even remember someone cried because of one of my paintings. It made me happy, and somehow, nalessen nito 'yung scared feeling ko na mahusgahan dahil never pa naman akong nagkamali sa pagpinta at puro papuri lang din naman ang natatanggap ko.
Hanggang sa nagbinata ako. Ako na ang sumusuporta sa pag-aaral ko, maging sa gastusin sa bahay ay sa akin na rin nanggagaling. Nakakalungkot lang din isipin na nawalan na ng amor sa akin ang mga magulang ko dahil puro pera nalang ang nasa isip nila. Pati si papa ay tumigil na sa pagtatrabaho dahil malaki naman daw ang kinikita ko. Ni hindi nga sila nakokosensiya na lustayin ang pera ko dahil hindi naman daw nauubos 'yun eh. Maski tanungin ako kung ayos lang ba ako, hindi na rin nila magawa.
Naging malungkot ang buhay ko, oo, at hiniling ko rin sa panginoon na kunin niya nalang ako dahil parang walang saysay na rin naman ang mabuhay para sa akin. And when the time came that he answered my prayers, doon naman umurong ang lakas ko ng loob.
I've been experiencing numbness and tingling sensation on my foot most of the time. Kadalasan ay oras bago ito mawala at minsan ay babalik rin ito agad na para bang umalis lang saglit at charan, nandito na ulit siya!
Alam kong hindi na 'to normal. Hindi ko rin naman masabi-sabi sa magulang ko ang nararamdaman dahil sa maaring sabihin nila sa akin. Baka sabihin pa nilang naprapraning lang ako at kung ano-ano lang ang iniisip ko. Kaya ako nalang ang pumunta sa doktor upang magpatingin.
I went to a private clinic all by myself. Tandang-tanda ko pa ang sinabi ng doktor sa akin.
"Pasensiya na Mr. Zapanta pero ang madalas na nararamdaman mong numbness and tingling sensation sa iyong paa ay sintomas ng isang rare na neurological disorder," saad ng doktor matapos mag-run ng mga test sa akin.
Tila nasa ilalim naman ako ng tubig dahil para akong kinakapos ng hangin. I remained still, processing the ticking bomb he dropped.
Mamamatay na ba ako? Sinapo ko ang aking noo at huminga ng malalim.
I looked at him and smiled worriedly. "Ano bang sakit ko Doc? Hindi naman siguro nito maapektuhan ang kamay ko 'di ba?" I asked, hoping he would say otherwise.
But the moment his eyes settled on me, I already knew I was hoping for a miracle.
"Kakaiba ang sakit na Guillain-Barré Syndrome, Mr. Zapanta. Inaatake ng immune system mo ang parte ng iyong peripheral nervous system kung nasaan 'yung mga nerves na dumadala ng signal galing sa brain at spinal chord patungo sa iba pang parte ng iyong katawan," paliwanag niya na tuluyang nagpawala sa pag-asa ko. "Ang una nitong tinatarget ay ang mga paa pataas, hanggang sa mahirapan ka nang huminga at kalaunan ay maapektuhan na rin ang heart rate mo at blood pressure."
BINABASA MO ANG
Paint Me, Jonathan (BXB)
RomanceHighest Rank #1 in Sad Story- 10/24/24 What if you were losing the most precious thing in your life, and the cruel twist is-you can never get it back? How would you cope? *** Jonathan Lei Zapanta, an 18-year-old child prodigy painter, has built his...