Chapter 15
Eyal joined us at the dining table. Tita Katie mentioned it wasn't the first time he invited him to their home. Mabait naman daw kas na tao si Eyal, pero hindi ko maiwasang mahiya nang banggitin nila kung bakit nag-drop out ito sa college. Sinilip ko ang mukha ni Eyal and I knew he wasn't comfortable in talking about it. Gusto kong lumundo sa kinauupuan ko at magtago sa ilalim ng lamesa. Hiyang-hiya naman ako at hindi ko maiangat ang tingin ko.
Hindi ko naman masasabihan si tita na 'wag na naming pag-usapan 'yon, pero dahil sumasagot naman si Eyal sa kanya made it felt it like na okay lang sa kanya.
"Life just gets in the way," Eyal responded. "I could come back to college once I figured it out, but hey, it doesn't mean I won't have a better future. As you may have known, all the billionaires out there dropped out of college and see where they are now?"
"Oooh, that'll be great," Tita Katie said, swooning at his response. "I'm sure Cely would be thrilled to marry a billionaire someday."
"Tita?" aniko, may pagsaway pa ang tono sa pag-call out ko sa kanya dahil nahihiya na ako. Hindi ko naman in-expect na aabot kami sa ganitong sitwasyon.
Sino ba kasing nagsabi na dinner 'to na may kasamang panunukso?!
Tinawanan lang ako ni tita. Napangisi si Eyal sa tabi ko. Sinilip ko pa ang mukha niya at binigyan niya rin ako ng side eye na may halong mapanlarong ngiti. I tried to step on his foot to get his attention and when I do, tiningnan niya lang ako. Sana hindi niya masamain ang sinabi ni tita. I felt like hind naman, pero iba kasi 'yong tono ng pagkakasabi ni tita. It seemed like she was imposing it. Pero ikasal sa isang billionaire? Dream on, girl.
Nang matapos kaming kumain, nagpresenta naman ako na maghugas ng pinagkainan namin, pero tumanggi si tita na gawin ko 'yon at i-entertain ko na lang daw ang bisita ko. Anong klaseng entertainment ba tinutukoy ni tita? Sasayawan ko ba si Eyal? Magka-Karaoke ba kami? I don't think Eyal's the type of person na gugustuhin akong makitang sumaway o kumanta. Hindi rin naman ako kagalingan at baka mapahiya lang ako.
Pumwesto kaming dalawa sa sala habang kasama ang dalawang bata.
"Aalis si Sydney sa Christmas. Ako inutusan ni tita na mag-alaga sa twins," pahayag ko. Nang iniangat ko ang tingin ko sa kanya ay nakasimangot ito sa akin. Wala naman akong idea kung bakit gano'n siya makatingin sa akin. "What? What's wrong? Did I do something bad?"
He smirked. "You spoke to me like I could understand your language, Celina. Speak to me in a language where I can understand you."
Hindi ko naman napigilan mapahagikgik sa sinabi niya saka ko lang na-realize na kinausap ko siya in Tagalog. "Baka naman kasi time na rin para matutunan mo mag-Tagalog, 'di ba?"
He squinted his eyes at me as if he would do something bad, pero ang inaasahan kong bad niyang gagawin ay kikilitiin niya pala ako sa tagiliran ko. I tried not to cause a scene and shout as tita would be surprised kung anong nangyayari sa aming dalawa. I kept giggling while I was pushing his hands away from me, pero hindi ko magawa. Halos gumulong na rin ako sa kakatawa dahil sa ginagawa niya sa akin. The twins noticed what we were doing kaya naman sumali rin sila at dinadagan nila ako. Jusko. Hindi naman ito ang nasa isip ko, pero bakit parang pinagkaisahan naman nila ako ngayon?
"Please, Eyal. . . Stop," pagsamo ko, pero titigil nga ba sila? Hindi ko rin naman masaway ang twins, but Eyal started carrying them away from riding on me. "Oh my gosh. You're making me out of breath. Kakakain lang tapos haharutin mo kaagad ako?"
"Okay, that's enough, Celina," pagsaway pa nito sa akin. "Teach me."
"Hm?" I queried, humming.
"Teach me how to speak your language," he ordered as if I should do it by his command. Humalukipkip pa ito. Mukhang seryoso nga siya sa gusto niyang mangyari. "Tell me something I could learn quickly."
BINABASA MO ANG
Winter Hearts in Colorado (Vegas Spin-Off)
Любовные романыWaking Up in Vegas Spin-Off #1 - Before she set foot in Vegas, Cely took a quick winter vacation in Colorado, experiencing a first love she will never forget.