Chapter 16
That night, Eyal brought me to a place that he said was special for him. Iba pa ata 'yon lake na pinuntahan namin no'ng nakaraang araw. To be honest, there's no other man in the world who could make me feel like this. Kahit na hindi namin kilala ang isa't isa deeply, I felt like that wasn't preventing us to get closer and get to know each other.
Eyal didn't bring his car since medyo madulas ang daan at hindi safe para mag-drive around the streets. For sure, hindi naman sampung kilometro ang lalakarin namin para lang mapuntahan ang lugar na tinutukoy niya. It felt like there were a lot of things to do at masaya akong ma-discover ang lahat ng iyon.
"Would you go to the Philippines if I invited you there?" I asked him. I looked at him as if I was hoping for him to say yes.
Nilingon niya ako at binigyan ng tamad na tango ng ulo. "Sure? What can I expect if we would go to the Philippines?"
"There's a lot of places, actually," tugon ko. "There are beaches in the Philippines where you will fall in love so easily that you might think of never leaving the island. I would love for you to experience that."
Napangisi naman si Eyal sa sinabi ko. "So, when I visit the Philippines, you don't want me to leave anymore?"
Hindi ko naman napigilang mapangiti sa sinabi ni Eyal. Parang gano'n na nga? Baka kapag dinala ko si Eyal sa Pinas, pagpi-piyestahan lang 'yan don ng mga kamag-anak ko. Marami pa naman nagsasabi sa kanila na baka mag-asawa ako ng foreigner para maiangat ko ang buhay ng pamilya namin, pero in fact, gusto lang din nila makisawsaw kapag nangyari 'yon. Wala namang problema kung 'yon ang gusto nilang mangyari para sa akin, pero hindi dapat nila ako bigyan ng responsibilidad na bigyan ko rin sila ng pansin.
"If you don't want to leave, I won't stop you," I countered.
He smirked. "Okay, okay. If I like it there, I will stay. . . then probably marry you."
"Huh?!"
He laughed at my innocence. "I'm just kidding, Celina. Do you think I'll marry you so quickly? Hey, we've only known each other for a while. Let's test the waters first before we head to that point."
Napasimangot naman ako sa sinabi niya. "Mukha naman 'to. Wala naman akong sinabi na papakasalan ka. Ikaw 'tong assumero, e."
"I'm not sure if you're bad-mouthing me or not," Eyal said, shrugging off his shoulder. "But I hope in those words you said, you mentioned how much you liked me."
I winced at what he said. Napatigil pa ako sa paglalakad at saka rin siya tumigil para tingnan ako. Lumapit ako sa kanya para kilitiin siya sa tagiliran niya, pero halos walang effect 'yon. Tinitingnan niya lang ako na para bang tsina-tiyansingan ko lang siya. Agad din naman siyang bumawi sa akin at kiniliti ako. Sa sobrang lakas ng kiliti ko sa tagiliran ko ay hindi ko mapigilang mapahalakhak. I tried pushing his hands away from mine, pero hindi ko magawa kaya hanggang sa mapaluhod na lang ako sa nagyeyelong sahig para maiwasan ang mga daliri niyang kumikiliti sa akin.
"Stop!" sigaw ko pa, pero patuloy lang din ako sa pagtawa. "Stop. . ." at may halong pagmamakaawa na ang pagbigkas ko no'n para tigilan niya ako.
Hapong-hapo rin naman si Eyal nang tigilan niya ang pagkiliti sa akin. Hingal na hingal din naman ako. Para akong hinabol ng asong kalye sa paghabol ko ng hininga ko. Nakatingin din naman si Eyal sa akin at hindi mapigilan ang ngiti sa labi. Para kaming tanga na nakasalampak sa gilid ng kalsada at mukhang mga pulubi.
"Nakakainis ka, Ey!" galit kong usal, pero alam kong hindi niya naiintindihan 'yon, pero base sa tono at mukha ko ay paniguradong alam naman niya kung anong ipinapahiwatig no'n.
BINABASA MO ANG
Winter Hearts in Colorado (Vegas Spin-Off)
RomanceWaking Up in Vegas Spin-Off #1 - Before she set foot in Vegas, Cely took a quick winter vacation in Colorado, experiencing a first love she will never forget.