Chapter 10

7 3 0
                                    


Chapter 10

I wake up knowing what happened last night—Eyal is probably sick in bed right now.

Pagkagising ko ay agad akong bumaba ng kusina at nagpaalam kay Tita Katie kung pwede ako nagluto ng sopas. Tinanong niya kung para kanino at ang rason ko ay para sa akin. Naniwala naman si tita sa akin. Binigay niya sa akin 'yong mga kailangan ko at hinayaan niya ako sa kusina. Marunong naman akong magluto ng sopas. Dati walang lasa ang nailuluto ko, pero over the time naman ay nakukuha ko siya. Kung meron lang natira sa ginawa ni tita no'ng nakaraang araw ay iinitin ko na lang sana, pero gusto ko rin na bagong luto ang sopas.

It took me forty minutes to get it all done. Kumain muna ako ng kaunti bago ako tumungo sa banyo para sana maligo—pero mabilis ding nagbago ang isipan ko dahil sa lamig ng tubig. May heater naman ang shower, pero giniginaw na ako kaya nag-tooth brush at naghugas na lamang ako ng mukha.

Kumuha naman ako ng tupperware at isinalin ko ro'n ang ginawa kong sopas. Nang maihanda ko na ang lahat ay nagpaalam ako kay tita na aalis ako. Hindi ko binanggit kung saan ako pupunta, pero sabi ko na lamang ay diyan lang sa tabi.

Pagkalabas ko pa ng pinto ay nakasalubong ko si Sydney. Malaking ngiti ang ibinungad nito sa akin.

"Hey, Cely! Good morning!" masigasig nitong pagbati sa akin. Niyakap pa niya ako at hindi ko naman sinasadyang madikit sa kanya ang tupperware na naglalaman ng mainit na sopas.

"Ay, sorry! Sorry!" pagpapaumanhin ko.

Tumapon ang atensyon niya sa hawak ko. "What's in it?"

"Ah, it's just sopas. . ." simple kong sagot. Tumango rin naman siya, pero pakiramdam ko ay may gusto pa siyang tanungin sa akin. Ramdam ko iyon sa paniningkit ng titig niya. "Alright. . . I know what sopas is. Katie always cooked that for her kids, but it was one of my least favorites. Are you bringing it to anyone or someone?"

"Ah, yes. . . I'm taking this to Eyal's house."

"Oh," she said, making her mouth round as I mentioned the boy's name. "Did Katie cook sopas?"

"I did," sagot ko pa sabay ngiwi. "Ahm, I'm sorry, but I need to get this to him before it gets cold. We'll catch up later."

"Sure! No problem, Cely."

Mabilis akong lumabas ng bahay dahil baka pigilan niya pa ako. Binilisan ko pa ang lakad ko hanggang sa na-realize ko na wala akong suot na jacket at pinanlamigan agad ako ng katawan. Hindi na ako nagbalak pang bumalik sa bahay kahit na malamig. Hinayaan ko na lamang at nagpatuloy akong pumunta sa bahay nina Eyal. Natatandaan ko pa rin naman kung saan sila nakatira. Ilang metro lang din ang layo no'n mula sa amin.

Nang matanaw ko ang bahay nila ay humugot ako nang lakas ng loob. As I stood in front of their front door, I kept thinking about what I would say to his face as soon as the door opened. I took my time. Kumatok ako sa pinto at ilang saglit lamang na paghihintay ay bumukas ang pinto at bumungad si Eyal sa akin. I put a huge smile on his face while he was on his hoodie, but his face seemingly lit up when our eyes met.

"Hi, Eyal!" nakangiting pagbati ko pa. 

"Hey, Ceiyna," anito. "What are you doing here?"

Winter Hearts in Colorado (Vegas Spin-Off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon