Chapter 2
Tita Katie let me settle into my room before filling me in on everything happening in their household. I was surprised when I came na super spacious ang kwarto ko. It has a single bed, a built-in closet, and some stuff I might probably need along the way. It doesn't have a bathroom since ang lahat ng single rooms ay nasa hallway ang bathroom. Wala namang problema sa akin 'yon.
My tita lives with her husband and two young children. I haven't met them yet, pero pauwi na raw sila. Iyon ang sabi niya sa akin matapos niya akong iwan sa kwarto.
While I was unpacking some of my stuff, I got a video call from Lynard. Mabilis ko iyong sinagot. My twelve-year-old brother got his smile so wide I couldn't help, but laugh at him.
"Ate, chocolate ko, ha!" bungad nito sa akin. "Iyong KitKat. Toblerne. Cadburry. Ayun, mga 'yon! gano'n 'yong mga pinapasalubong ng mga tatay at nanay ng mga kaklase ko, e. Meron ba riyan?"
I laughed, nodding at him. "Yes, meron! Pero kakarating ko lang din, uy! Nag-eempake pa lang din naman ako. Sa susunod na kita bibilhin ng chocolate. Matutunaw lang kaagad 'yon, e. Kapag malapit na ako umuwi saka kita bibilhin."
"Yes!" pagdiriwang pa nito. Ang kulit-kulit! Gustong-gusto niya rin sumama sa akin dito sa Amerika, pero dahil wala pa siyang passport at kulang nga rin siya budget ay hindi natuloy.
"Nasa'n na sina mama at papa? Can I talk to them?" tanong ko.
Dali-dali namang dinala ni Lynard ang phone ko sa mga magulang ko at nakausap ko naman sila tungkol sa biyahe ko at sa tinitirhan ko ngayon kina Tita Katie. Ni-room tour ko rin sila para makita nila at hindi sila mabahala sa magiging kalagayan ko rito. I knew they were so concerned na ako lang mag-isa ang babiyahe at manunuluyan dito. Busy si Tita Katie as a nurse habang ang asawa naman nito ay nagta-trabaho sa Banko. I could be spending my time in this place alone, pero at least nasa ibang bansa ko.
Homesickness is real—if tamaan nga ako.
Mayamaya lamang ay binalikan na ako ni tita at niyaya na pumunta sa dining area dahil may inihanda raw siya para sa akin. I would admit na medyo gutom na ako kaya walang pag-aalintanang sumunod kaagad ako sa tita ko. Nang marating namin ang dning area ay agad niya akong ipanaupo sa silya habang nilapagan niya ako ng plato sa bowl sa harapan ko.
"I know gutom na gutom ka na sa biyahe. Mabilisang gawa lang 'to, pero sana magustuhan mo," anito. "Lugaw lang 'to, Cely. Okay lang ba?"
I giggled. "Of course naman, tita! Walang problema sa akin. I would eat anything you'd prepare for me. Saka perfect din 'to. Medyo malamig din kaya maliligamgaman ang sikmura ko."
"Masanay ka na, Cely," aniya saka nilapag ang kaserola sa mesa. "Mas may ilalamig pa sa ganitong klima. Wala pa nga 'to, e. Normal na lamig pa 'to ngayong Ber Months. Once na umulan ng snow, hindi na sapat ang isang jacket lang."
"Hala. Hindi ako prepared diyan," pag-aalala kong tugon. "Isang sweater at isang makapal na jacket lang nadala ko."
"Marami akong nakatabi sa stock room. I will get them for you later, pero ngayon kumain ka na muna. . ."
"Sige po, tita. Thank you so much."
Nagsimula akong magsandok ng lugaw mula sa kaserola at magsalin sa bowl ko. Saglit lang din naman ay narinig namin ang isang sigaw ng babae at mga boses na maliliit. If I have no idea that Tita Katie has no children ay baka kumaripas na ako ng takbo dahil sa takot. When all the todlers run in the kitchen area and huged their momma, Tita Katie crouched down to pick them both up.
"Oh my gosh, Katie. Today's a hard one." Napalingon naman ako sa nagsalita. I'm not familiar with her, but as soon as she came into the kitchen area and saw me, too, she was as surprised as I was. "Oh! Hi there. Was she the one you were talking about to me, Katie?"
BINABASA MO ANG
Winter Hearts in Colorado (Vegas Spin-Off)
RomanceWaking Up in Vegas Spin-Off #1 - Before she set foot in Vegas, Cely took a quick winter vacation in Colorado, experiencing a first love she will never forget.