Chapter 7

5 3 0
                                    

Chapter 7


When Sydney left as soon as Tita Katie came, she asked me to get dressed as we would be eating out for dinner. Mabilis akong kumaripas ng takbo sa kwarto ko at namili ng damit na isusuot. Hindi ko pa masyadong naaayos ang mga gamit ko. Karamihan ay nasa maleta pa at hindi ko pa naililipat sa closet. Kapag bumalik-balik na ang energy ko ay pagtutuunan ko ng pansin 'yon.

I only got a pair of jeans and a sweater. Pinatungan ko na rin ng jacket iyon dahil for sure ay malamig sa labas. Mabuti na lang din ay pwede ring ma-control ang temperature ng heater sa kwarto ko kaya hindi na ako mag-aalala na lalamigin gabi-gabi. Nang ikwento ko kay tita iyon ay pati siya nagulat. She was so busy at work. Kung ano-ano na rin ang tumatakbo sa isipan niya.

Ginamit ko rin ang boots na binigay ni tita. It fits well on me kaya hindi masakit sa paa. When she found me wearing it, tuwang-tuwa siya dahil bagay na bagay raw sa akin 'yon. Binanggit pa nito sa akin no'n na inaawitan daw ni Sydney 'yon no'n, pero dahil alam niyang pupunta ako sa Colorado ay nilaan niya 'yon para sa akin.

Now, I don't want Sydney to see me wearing these boots! She might kill me!

Hinintay lang namin dumating asawa ni tita saka kami umalis kasama ng twins. Wala namang problema sa akin ang magbantay sa kanila. Tita didn't bring me to Colorado para maging babysitter niya. Gusto niya ipa-experience sa akin ang Christmas dito sa ibang bansa—which I have been requesting ever since. 

Ako ang nakaalalay sa twins sa passenger seat. Nasa children car seat ang twins kaya safe naman sila. Nasa gitna nila ako kaya nakukuha nilang dalawa ang atensyon ko. 

"Cely, 'nak," pagtawag ni tita sa akin at bahagya niyang iginiya ang sarili para tingnan ako sa likuran. "Did Sydney mention ba to you na magbabakasyon siya on the week of Christmas?"

Umiling naman ako. "Not that I know of, tita. Wala naman."

"Ah, okay. Baka hindi nakalimutan niya lang banggitin, but she already told me this a week ago."

"Where she would go?" her husband asked.

"She'll be home to her family," sagot ni tita sa asawa nito. "I'm not stopping her, but I told her that she won't be paid during that week since her services won't be rendered during those times."

"Yeah, that should be it," her husband agreed.

Muling lumipad ang atensyon ni tita sa akin. "Matagal pa naman ito, but would you mind to fill in Sydney muna by that time? I can pay you as well if you'd like. Hindi naman kita gagawin alila rito sa bahay. I just couldn't forbid Sydney not to go since she has been with us and very good with our kids. Okay lang ba?"

As if may choice ako? Parang wala naman.

Tumango ako nang may kasamang ngiti. "Of course, tita. Walang problema sa akin. I will talk to Sydney rin once malapit na siyang magbakasyon."

"Yes, do that! Thank you again, Cely!"

Ilang saglit lang din naman ay narating namin ang isang restauran. It was only a ten-minute ride. Hindi pa nga nag-iinit ang mga pwet ko sa kinauupuan ko. Nang i-park ni tito ang kotse ay hinintay ko munang maibaba nila ang twins sa magkabilang side saka ako lumabas. The kids can walk—halos takbo nga sila nang takbo sa bahay kahit na paulit-ulit na ring sinasaway ni Sydney. Naiisip ko pa lang kung gaano posibleng stress ang abutin ko ay maiiyak na ako.

We went inside the restaurant—fast food as I realized when we walked in. Fast food siya na may vibes ng fine dining restaurant. Naghanap lang kami ng bakanteng table. Nag-ask si tita sa staff ng dalawang high chair na dinala rin nila sa pwesto namin. Inayos nang mag-ayos ang kanilang anak sa high chair saka kami namili kung anong kakainin. Whey they asked me, wala akong maisagot dahil wala akong ideya kung anong dapat kong kainin so I told them na kug anong masarap sa tingin nila para sa akin ay 'yon na ang kukunin ko.

Winter Hearts in Colorado (Vegas Spin-Off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon