Chapter 27 . Accident

24.8K 384 6
  • Dedicated kay SA INYONG LAHAT :>
                                    

*Ryle POV*


Magkakasama kami ngayon nila sab.


"Tingin ko talaga.. mahal parin ni Charles si Tin" sabi ni sab sa amin. I can't really judge Charles. 

"Yup.. feeling ko may tinatago lang siya."it's so easy to mask your emotions. I've done in lots of times.

"Feeling niyo, alam ng ibang boys yung reason?" tanong ni ailee. Alam ba ni Luke? Pero.. sa pagkakakilala ko kay Luke. Kung alam niya man ay hindi niya ito pagsasabi.

"I don't think so.. pero kailangan natin malaman for Tin." Ang dami nilang ginawa para sa akin. I want to give it back kahit papaano.

"Tin! Saan ka pupunta?" tanong namin sakanya kasi lumabas siya sa kwarto na bihis na bihis.

"Mamasyal lang" sabi niya at umalis na. Mamasyal? Na hindi kami kasama? I mean.. don't get me wrong. Hindi naman masama yon pero sobrang unusual non.

"Are you thinking what I am thinking?" tanong ni sab. Natawa ako sa tanong niya.

"Of course!" sabi ko sabay tayo.


"Let's follow her!" sabi ni ailee.


*Tin POV*


Naglalakad ako ngayon sa may park. Para akong tanga, sino ba na man ang matinong tao na maglalakad sa park habang umuulan. Basang basa tuloy ako, kaya lang ang ganda dito parang ang peaceful. Biglang hindi ko naramdaman na pumapatak pa ang ulan. 

Napa-angat ako ng tingin at napaawang din ang labi ko. Nanaginip ba ako?


"Charles.."pinayungan niya pala ako. Anong ginagawa niya dito?

"Baliw ka na ba? Bakit ka nagpapakabasa dito?"sabi niya sakin.

"Ano bang pakielam mo. Umalis ka na nga!"sabi ko sakanya pero hinawakan niya ako sa kamay pero pinipigilan ko siya sa pag hila sakin.

"Ayaw mo talaga." bigla niya akong binuhat na parang sa sako at dinala sa condo niya. It was just accross the park." Tss!

"Nangiinis ka ba?!" sabi ko sakanya habang binubuksan niya ang condo niya.


Instead of feeling giddy. Sobra sobra pa akong naiinis.


"What do you mean?" tanong niya sakin. Somebody please slap him.

"Dito mo pa talaga ako dinala! Gusto mo bang ipaalala sakin ang katangahan ko?!" sabi ko sakanya pagkababa niya sa akin.

"Upo ka muna diyan"pinapaupo niya ko sa sofa niya. This is making me frustrated! How can he act like nothing is happening!

"Ayoko nga" sabi ko kaya nanatili lang akong nakatayo. I don't even want to touch anything here.

"Bakit ba ang sungit mo ah?" tanong niya sakin. That's an understatement.

"Paki mo! Bakit ikaw?" tanong ko sakanya.

"Anong ako?"pa-innocent effect pa.

"Bakit ang manlokoko mo?" taas kilay kong sinabi sakanya yan at nanahimik naman siya. One point to me.

"'Yan! Magpalit ka muna" sabi niya sakin at binatuhan ng damit. Should I or shouldn't I? Paano kung sinuot na to ni Chanel?

"Tss. Okay" pumunta nako sa CR at nag palit ng damit. Ang laki naman nito  para tuloy akong maliit na bata.

Book 1 : Brat Princess meets a Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon