Chapter 41 . Tin's plans

19.5K 344 16
                                    

*Sab POV*


"So I guess.. let's have our breakfast" pagkaalis nila ailee sabay sabay na kami kumain.

"Saan niyo balak mag college?" tanong ni nico. Nagulat ako dahil hindi pa kami ready sabihin na aalis kami pero hindi rin kami pwede mag sinungaling.

"Hindi pa naman sure pero balak namin sa Paris. Kinuha kasi kami nung mga judges sa competition" paliwanag ni ryle. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Kita ko ang pagiwas ng mata ni Ryle kay Luke.


"But me.. I am sure about it. Kung hindi naman sa paris, I will still go to another country for college" sabi ni tin. Natigilan kaming lahat, hindi niya pa nababanggit samin to.

"Why?" tanong ni charles sakanya.

"It's for the best" sabi niya samin. Lahat kami napatigil sa pagkain. Nagugulahan pati ako, ang plano namin.. kapag hindi pupunta ang isa, hindi rin pupunta ang lahat.

"Anong best don?!" napalakas na ang boses ni charles. Hindi ko naman makuhang magalit kay charles kahit nalakasan niya ng boses si tin dahil may valid reason naman siya.

"Best para sakin.." mahinang sagot ni tin.

"Sayo?!" napasigaw na si charles. Tumayo na ako pero hinawakan ako ni Ryle sa kamay.


"Wala kang karapatan sigawan ako! dahil ang pagpunta lang sa ibang bansa ang way para makapag move on ako!" sigaw ni tin at tumakbo pataas sa kwarto namin. Sumunod naman si charles sakanya.


*Tin POV*


Nagulat ako sa mga sinabi ko. Siguro hindi ko lang napigilan ang sarili ko. It's the best decision that I made for myself. I need this..


"Kristine" napalingon ako, sinundan pala niya ko.

"I'm sorry" sabi niya sakin pagkalapit niya sakin. Tumango lang ako.

"Sorry din.. wala naman akong karapatan na sigawan ka. Hindi ko lang talaga napigilan" sabi ko sakanya.

"No.. you have every right to do that. This is all my fault" sabi niya sakin. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Hindi na kasi kinaya ng puso ko charles. First time ko magmahal pero walang magandang nangyayari. Minsan nga naisip ko na sana hindi nalang ako nagising nung na hospital ako dati" sabi ko sakanya habang tumulo na ang luha sa mata ko.

"Don't ever say that again. Hindi ko rin kakayanin kung mawala ka sakin" sabi niya sakin at bigla niya kong yinakap.

"I didn't know that being a cassanova is this hard, nagagalit ako sa sarili ko kristine because I know that I am the one causing your pain" sabi niya sakin.

"I didn't know that spending a week with you is this hard. Kahit anong pilit ko na sabihin sa sarili ko na tama ako dahil ako naman ang nauna sayo.. hindi pa rin matatago na mali ako. You have celean now" sabi ko sakanya. Hindi naman siya nagsalita, hinigpitan lang niya ang yakap sakin. I don't mind kahit ganito nalang kami, I actually want the time to stop.

"I'm gonna miss you charles. I'm not sure if I can wish you and celean a happy life with a smile but believe me, I want you to be happy even your with another girl" sabi ko sakanya sabay kalas sa yakap niya. Lumabas na rin ako, nakita ko na nandun na si ailee.


"Oh? Asan si james?"tanong ko sakanya pero nagshrug lang siya.


This is it.. my time.


*Ryle POV*


Pumunta muna ako sa kusina. Hindi ko na alam ang gagawin ko. 

"Kailangan niyo ba talagang pumunta doon?" Natigilan ako sa pagkuha ng tubig nang marinig ko ang boses niya.

"Woah! Ginulat mo ako!" sabi ko kay Luke para maibsan ang tensyon. Mahina siyang humalakhak. Lumapit siya sa akin at sumandal siya sa upuan.


"Hindi ko alam" I honestly said.

"Can't you just stay here?" Nag-angat ako nang tingin sa sinabi niya. Nagtama ang mga mata namin at kita ko ang gusto niyang sabihin.

"Asus! Mamimiss mo ako noh?" tanong ko sakanya habang tumatawa pero sa totoo lang naninikip ang dibdib ko.

"Yup, I'll miss you a lot." seryosong sabi niya sakin. Natigilan ako sa pag tawa. Nag-iwas ako ng tingin at naglagay na nang tubig sa baso ko.

"Ano ka ba.. malayo pa naman yun" sabi ko sakanya. Tumango nalang siya. Tumikhim siya at lumapit sa akin.


"I don't want to say this but I have a bad news and a good news for you" sabi niya sakin. Bigla akong kinabahan. 

"Ano yon?" tanong ko sakanya. Kinuha niya ang baso ko at uminom siya doon tsaka niya binaba sa lamesa.

"Anong gusto mong unahin? Good or Bad?" Why is Luke.. so mysterious? 

Hinawakan niya ang kamay ko at marahan iyong hinaplos.


"Bad" mahina kong sagot sakanya.

"Sa school na natin magaaral si lance. Naginvest sila ng malaki and my parents need that" sabi niya sa akin. Napayuko nalang ako, it's business. 

Hindi ko alam pero hindi na ako ganoon katakot tulad ng dati. Maybe bacause I know luke is here.

"And.. what is the good news?" tanong ko sakanya. I really need a good news right now.

"The good news is I am here. You're stuck with me" natawa ako sa sinabi niya. Linapit niya pa ako sakanya kaya lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Sobrang lapit namin ngayon..

Hindi ako takot.. mas takot ako na mawala siya sa akin ngayon.

"Thank you"sabi ko sakanya. 


Lumabas na kami at pinuntahan sila ailee.

"Mamaya punta tayo sa seaside"sabi samin ni sab. "May naka reserve na cottage para sa atin"dagdag niya.

"Girls! mag ready na tayo ng pagkain" excited na sabi ni tin. Mukhang okay na rin siya.


Napatingin ako kay Luke naka nakangiti sa akin. I smiled at him too.

Book 1 : Brat Princess meets a Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon