Chapter 1

54 2 0
                                    

Geo's POV

"Atya, nandiyan si Ate Sky sa bahay." Hirit ng bunso kong kapatid na 4-years old na si Chowy. Sobrang cute nito at mataba.

Hindi rin ako bumangon dahil kakauwi ko lang at kakahilata sa kama dahil ngayong umaga lang natapos ang trabaho. Pagod pa ako.

I worked in security agency as an Intelligence Analyst. I'm someone who gathers and analyzes information related to security threats, often within the context of cybersecurity.

Hindi ako nakapagtapos ng college, dahil sa kahirapan. Pero dahil laking computeran ako, I was able to get a job sa agency. Minsan na kasi ako nagkaroon ng client at nirecommend ako doon.

"Atya, bakit kapag si Ate Seanna ang nandiyan, bumabangon ka kaagad." Dagdag ng kapatid ko. Hindi naman dahil ayaw ko si Sky, pero pag si Seanna (Si-ya-na) or tinatawag namin na "Sea," agad na akong kumikilos, boss ko kasi iyon eh.

Atya, din ang tawag ng kapatid ko dahil nalilito ito kung babae ba ako o lalaki. Mahaba kasi ang buhok ko at ang hairstyle ko palagi ay naka manbun lang.

I'm an intersex but I chose to live as a man. I have a slender body pero hindi ko ma achieve ang panlalaking katawan na muscular. I also don't have facial hairs like beard, armpits hairs, at mahabang balahibo sa mga paa. But I do look manly, and my hips and breast did not develop.

Nakakadagdag din ng manly appearance ko ay hang tangkad ko na 5'11 at pangagatawan dahil panay ang trabaho ko sa bahay, tulad ng pagsibak ng kahoy, pagiging kargador ko noon dito sa barangay namin, at ang pagwoworkout.

"Atya, gising na po." Pilit akong ginigising ni Chowy at naramdaman ko naman na umalis na ito. Mabuti nalang dahil sobrang pagod ko talaga at antok pa ako.

Habang nakahiga ako, narinig ko nalang na may bumukas ulit ng pinto at ni lock iyon. Hinayaan ko lang din dahil baka si Chowy lang.

Kaso nagulat nalang ako ng ay yumakap sa akin. Natulak ko ito ng bahagya kaya nahulog ito sa kama.

"Ano ba Geo, ang sakit naman!" Hirit ni Sky.

Agad naman akong bumangon at inalalayan siya. Hanggang ngayon nagtataka parin ako paano kami naging close nito ni Sky eh ang yaman yaman nito. Ang layo ng antas namin sa buhay.

Binuhat ko na siya at pinaupo sa kama ko.

"Sorry kung natulak kita Sky, nagulat kasi ako eh." Nagkamot naman ako ng batok at nahihiya pa. I also checked her arms, baka nasaktan.

"Sorry dahil pumasok ako sa kwarto mo. Ayaw mo kasing bumangon." She sounded annoyed and sad at the same time.

"Sorry na Sky." I just smiled and kissed her forehead.

Naging nakagawian ko na ito sa kanya kapag may kasalanan ako o kapag kinocomfort ko siya. Ako kasi takbuhan nito nung mga bata pa kami kapag inaaway siya ng mga kalaro namin at nung panahong broken siya sa boyfriend niya. Komportable din kami sa isa't isa at kilala na ako matagal ng pamilya niya.

She is Sky Aurora Montenegro. She is my childhood bestfriend. Noon kasi, palagi akong sumasama sa kapitbahay namin, na hardinero pala sa pamilyang Montenegro.

Sumama lang naman ako doon dahil matanda na si Manong Roy, kaya tinutulungan ko siya sa mga dinadala niyang mga gamit. I was 8 years old that time hanggang sa naging kalaro ko si Sky at mga kuya nito.

Panay kasi asar ng kambal sa kapatid nila noon, kaya ako iyong naging kakampi ni Sky. From then on, naging magaan na ang loob namin sa isa't isa.

She is also a daughter of a prominent businessman sa bansa. Sobrang ganda nito at mayaman. May dalawa itong Kuya, si Moon and Sun. Kambal iyon at nakakatanda sa amin ng dalawang taon.

Second Lead SyndromeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon