Geo's POV
Nagulat ako dahil bumagsak ang ulo ko sa may bintana. Naramdaman ko rin na parang masakit ang kilay ko at naradaman na parang may maliit na hiwa doon. Nasugat ata.
Naaalala ko naman ang sinabi ni Sir Albert sa akin na may trauma si Sea sa mga dugo at lubak lubak na mga daan dahil sa aksidente noon ng pamilya nila. Ayaw pa sana ito ipasama sa event kaso nagpupumilit si Sea dahil isa talaga sa advocacy niya ang makatulong sa iba.
Kaya nung nabagsak ang ulo ko sa bintana ng bus, agad kong kinuha ang panyo ko at lumabas dahil baka mapano si Sea at ayoko na ako ang dahilan para masaktan siya o maalala ang trahedya sa buhay niya. I just want her to be happy.
Medyo nasaktan din ako dahil sa naalala ko pumwesto ako sa ulo ni Sea dahil naaantok din ako. Ayaw niya ata sa ginawa ko kaya umalis ito?
Habang ginagamot ko ang sugat, naalala ko naman bigla ang bestfriend ko. Si Sky. Sobrang maasikaso kasi niyon at maalaga. Siguro kong siya ang nakasama ko, panay sermon na narinig ko pero ginagamot niya parin ang sugat ko. Hindi ko namalayan na nakangiti na ako habang naalala siya. Kumusta na kaya siya? Agad ko naman iniwaksi ang pag-iisip sa kanya dahil naalala ko si Sea.
Nung makababa na ako, naalala ko din na comfort food ni Sea ang kitkat chocolate. Nagtanong-tanong ako sa mga tindahan, hanggang sa naabot ko ang dulo na tindahan at sa wakas meron silang binebenta.
Inabot ko lang iyon sa boss ko at hindi na umimik. Nararamdaman ko kasi ang maliit na hiwa sa kilay ko. Masakit ng kaunti kaya tinitiis ko lang.
Ting!
Ting!
Ting!
----- Group Chat -------
From Employee 11: Dalawang oras pa ang biyahe. Ang tagal.
From Roy: Diba may karaoke dito sa bus? Kumanta kayo.
From Andy: Sino naman kakanta? Parang wala naman atang singer dito na MAGANDA ang boses.
From Employee 12: Grabe ka naman Miss Andy, ayaw mo talaga akong ipakanta no?
From Roy: @Earth hoy pare, kanta ka naman diyan.
From Earth: Ayaw ko tol. Nakakahiya.
From Andy: Maganda ba boses mo Earth?
From Employee 15: Malubak-lubak pa naman ang daan sa unahan. Magandang distraction ang karaoke para hindi tayo makabahan.
From Employee 17: Oo nga no.
From Employee 18: Naku, may takot pa naman ata si Ma'am Sea sa mga daan na lubak-lubak.
Dahil sa nabasa ko, naalala ko naman ang posibleng epekto nito kay Sea. Kaya I decided to sing a song para ma distract si Sea sa mga posibleng triggers na mangyayari sa kanya.
From Earth: Sige na. kakanta na ako. (40 heart reacts)
------
Tumayo na ako bigla at napansin na parang nalilito si Sea bakit ako umalis sa pwesto namin. Hiniram ko lang kay Manong Driver ang mikropono at nag connect via my phone ang musika.
"Mabuti iyan may distraction Sir Geo, kasi makikita ang bangin. Safe naman ito, pero baka may matakot sa inyo kaya mabuti na aliwin nyo po sila." Saad ni Manong Driver.
Natapatango nalang ako.
"Whoooo! Ang gwapo mo talaga Earth Geo!"
"Sana all singerist!
BINABASA MO ANG
Second Lead Syndrome
RomanceEarth Geo Remendez exhibits qualities like kindness, loyalty, and a deep affection for a girl he admires from afar. However, fate takes a twist when he is assigned to be the bodyguard of this girl. What will happen if he keeps falling in love with t...