Chapter 6

58 0 0
                                    

Dinner

Dapit-hapon palang at naghahanda na ang mga kasamahan namin at taga sitio ng hapunan.

Kaso naagaw ang atensiyon namin ng may chopper na dumating.

"Anong meron?"

"Sino ang dumating?"

"Ang yaman ah, baka si Ma'am Sea ang pakay?"

Dahil sa narinig ko na maaring si Sea ang pakay, lumapit ako ng kunti at nakita na ang chopper ay may "Wingson" na nakasulat. Si Teran pala ang dumating.

Nakababa ang chopper at ng lumabas na si Teran, parang natuod ako sa pwesto ko ng makita ang sobrang sayang muka ni Sea.

Ganyan na ganyan ang tingin ko sa kanya, and it hurts me deep inside na may tinitingnan siyang iba. Pero wala eh, basted tayo. May ibang gusto ang taong mahal natin.

Natahimik naman ang iba naming kasama, lalong lalo na si Andy at Roy. Alam kasi nila na nasasaktan ako sa nakikita.

Mahigpit ang yakap ni Sea kay Teran. Nagdala pala ito ng maraming gamot na tulong para sa mga taga sitio.

Niyaya narin kaming mag dinner ng sitio lider. Marami silang niluto dahil last night nadaw namin sa lugar nila.

Nalungkot pa ako ng kunti dahil ang biik na nahuli namin kanina ni Sea ay ginawang baby lechon.

Habang kumakain, panay ang ngiti at asikaso ni Sea kay Teran.

Napapansin rin ata ng mga kasamahan namin ang awkward ng sitwasyon dahil ako ang inaasar nila noon, pero ni isa sa kanila, walang naglakas loob na mag asar sa amin.

Halatang-halata naman kasi sa sitwasyon at sa pinapakita ni Sea na si Teran ang gusto nito.

Naiinis pa ako sa Teran na iyon dahil panay ang pababy kay Sea. Naiinis ako na si Sea pa ang nagaasikaso nito sa kanya, na dapat si Teran ang nagsisilbi kay Sea.

Biglang napaubo si Sea, kaya agad akong kumuha ng tubig.

Kaso mas lalo naging awkard ang sitwasyon ng sabay kami ni Teran umabot ng tubig kay Sea.

...

...

...

Pati ang mga sitio lider ay napapansin na ang tension sa pagitan namin ni Teran. Nagsusukatan kami ng tingin dahil alam naming pareho na iisang tao ang gusto namin.

...

...

...

Inabot ng twenty seconds na walang may kumibo sa amin. Hindi rin agad nakapili si Sea.

Alam kong ayaw niya akong saktan kaya hindi pa siya pumipili doon.

Kaya, ako nalang ang bumitaw.

Binawi ko na ang tubig at kinuha na ni Sea ang tubig kay Teran.

Napayuko nalang ako kaagad at sinabi sa sarili na mag focus nalang ako sa trabaho ko, ang proteksyunan si Sea...ay mali... proteksyunan ang amo ko. Isang boss-employee lang ang relasyon na meron kami. Kaya ito dapat ang isaksak ko sa utak ko. Sobrang sakit lang kasi talaga.

...

...

...

"Aba, ang sarap nitong Baby lechon!" hirit ni Andy kaya gumaan naman ang atmosphere namin habang kumakain.

Pati ata ang mga nakapalibot sa amin ay ramdam ang awkwardness.

...

...

Second Lead SyndromeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon