Sea's POV
Bumalik na kami sa office at nabigla ako lahat sa mga balita.
"What?"
Ayan nalang ang reaction ko ng dumating at nakwento sa akin ni Andy na bago na ang security ko.
Unang una, when I went back home, nagulat ako when Papa asked me about sa panliligaw ni Geo. I cried when I learned na humingi ito ng permiso kay Papa.
I didn't expect na nagpaalam pa ito sa sobrang strikto kong ama. I appreciate his genuine intention towards me. I'm speechless sa pagmamahal na pinakita ni Earth.
Pangalawa, I didn't expect na sinabi ni Papa ang mga bagay na iwasan kaya pala inaaliw ako ni Earth nung kumanta ito dahil sa lubak-lubak na daan. Nalaman ko rin kay Andy na may sugat sa kilay si Earth kaya umalis ito para hindi ko makita ang sugat nito. Mas lalo naman akong nagulat ng nasabi ni Manong Driver na napansin niyang iniinisa-isa ni Earth ang mga tindahan para lang makabili ng isang chocolate.
Pangatlo, hindi ko na napigilang umiyak nung nakwento ni Roy sa akin na si Earth ang kumuha ng halamang gamot at naaksidente pa ito. Hindi man lang iyon nabanggit sa akin ni Earth.
And now, nalaman ko pang tapos na ang assignment nito sa akin at bago na ang pinadalang bodyguards ng Agency na pinagtatrabuhan nito.
I tried reaching out to Earth pero he can't be contacted na.
Umuwi ako ng bahay na sobra ang lungkot.
"Princess, how are you?" saad ni Papa.
"Pa....sinaktan ko po si Earth. Pa, hindi niya po deserve iyon. It is just..my mind wanted to choose him, pero Pa, si Teran po ang gusto ng puso ko."
Iyak lang ako ng iyak kay Papa.
"Alam mo anak, kung ako din papipipiliin, masaya ako kung si Earth Geo ang pinili mo. Matino itong tao at mahal na mahal ka. Pero sabi nga nila, hindi mo matuturuan ang puso. You just tried your best not to hurt him even more, anak. Your intentions are good and I'm sure Geo can understand it."
"Pero Pa, I wasn't able to say sorry again to him especially when I now knew all of his sacrifices for me. I wanted to see him. I wanted to know if his fine. I want us to be okay and remain as friends."
"Sige, ipaalam ko sa private investigator ko kung asan ang bahay nila para mapuntahan mo. Naku anak, hindi ko akalain na maghahabol ka ng lalaki."
"If it's Earth, then I won't mind. I want us to be okay, Pa. He's something special to me."
"Sige anak."
------
After a few days passed, Papa mentioned to me the address of Earth. Dalawang oras lang pala na biyahe papunta sa kanila.
Habang malapit na kami ni Roy sa bahay nila, napapansin ko din na may mga nagkakantahan, at parang may fiesta at handaan. They I saw a tarpaulin. It's "Happy 5th Birthday Chowy!"
I remember, ayan ang bunso nila Earth.
Lumabas ako ng sasakyan at panay naman ang tinginan ng mga tao.
They have a simple and modern house. Lumabas din ang chubby na si Chowy.
"Is that you Ate Sea?" saad ng bata. Then I remember na nakapunta na pala ako dito nung first na trabaho naming magkasama ni Earth. Gabi kasi iyon and di ko maalala sa dami kong inaasikaso noon.
"Hi Chowy!" saad ko.
Patalon-talon naman itong lumapit sa akin at niyakap ang mga paa ko.
"Hanap niyo ba si Atya?" then flashback happened, and I remember na atya ang tawag ng bata sa kuya nito na katrabaho ko. I can't believe na Earth has been part of my life pero hindi ko namalayan. Why do I feel that in my story, Earth is like a second lead? Sobrang greenflag and here I am, chose someone else.
![](https://img.wattpad.com/cover/379469347-288-k210299.jpg)
BINABASA MO ANG
Second Lead Syndrome
Roman d'amourEarth Geo Remendez exhibits qualities like kindness, loyalty, and a deep affection for a girl he admires from afar. However, fate takes a twist when he is assigned to be the bodyguard of this girl. What will happen if he keeps falling in love with t...