Chapter 3

17 1 0
                                    

Geo's POV

Nandito ako sa labas ng opisina ni Sea. Naging magaan na ang trabaho ko sa kanya, nabawasan narin ang kasungitan niya.

Habang nagbabantay, lumabas si Sea at sinabing mag lunch na daw kami.

Nagulat naman ako dahil noong una, pinapauna niya ako at hindi ito sumasabay kahit man lang sa secretary niya.

I also learned na madalas pala itong mag skip ng lunch dahil sa sobrang workaholic. Kaya palagi ko itong hinahatidan ng lunch galing sa cafeteria.

Sinasabihan pa ako ng ibang tauhan na sayang lang ang dala ko dahil hindi naman daw kumakain si Sea.

Napapansin ko din na tinapay at kape lang ang breakfast nito palagi kaya nagalala rin ako sa kalusugan niya.

Kaya kahit panay tanggi niya sa akin noon, hindi ko siya tinatantanan kapag hindi niya kinakain ang lunch niya.

Minsan nga, hindi ko alam saan galing ang confidence ko para gawin iyon. Pero hindi ko kasi mapigilan eh. I cared for her. Minsan na siyang nawalan ng malay dahil sa pagiging busy niya, kaya as her bodyguard, I tried my best.

Flashback

"Sea, ito na ang lunch mo. Happy lunch madam!" Saad ni Earth.

"Earth, I told you. Ayaw ko nga."

Patuloy ang pagencourage ni Earth sa boss nito hanggang sa tumaas ang boses niya ng hindi niya namamalayan.

"Sea...kaya kong isakripisyo ang buhay ko para sayo, kaya naman ingatan mo rin ang pangagatawan mo. Alam kong busy ka, pero kailangan mo rin paglaanan ng oras ang sarili mo. Palagi na nga akong binabansagang "baboy" ng mga empleyado mo dahil may dala pa akong plato hanggang dito sa taas ng building. Pero okay lang, basta maayos lang ang kalagayan mo. I care for you, Sea."

Natahimik si Sea ng marinig ang sincere na pangaral ng kanyang bodyguard. Nakaramdam din siya ng saya when she heard the last sentence Earth said to her.

Simula noon, kinain niya na ang dinadala ni Earth.

End of Flashback

Geo's POV

"Tara na?" saad ni Sea.

"ah opo madam..."

Natawa naman si Sea sa pagtawag ko sa kanya ng madam. Kapag kami lang dalawa, Sea lang ang gusto niyang itawag ko. Okay lang rin naman sa kanya na firstname basis kami, pero sobrang taas kasi ni Sea eh. Sobrang layo ng agwat namin tsaka empleyado niya lang ako, kaya keep on calling her Miss, Madam, Ma'am, kapag nasa labas kami.

May cafeteria dito sa company building nila. Libre ang lunch ng mga employees. Pero nagulat ako dahil gusto ni Sea bumaba. SIguro gusto niya makita ang employees niya?

Habang papasok kami sa Cafeteria, napansin ko naman ang pagbigay nila ng daan na parang sinasabi na paunahin na kami sa pila.

Sobrang excited ko din dahil sobrang sarap ng ulam ngayon, may lechon daw. Kaso agad napawi ang ngiti ko ng makita na sa likod kami pumila.

Sea mentioned na sa likod lang siya kaya naman mas lalong napamangha ang mga tauhan nito dahil pinapauna sila.

It also added to one of my reasons why I care and like her. She really has a heart for her employees.

Habang kumakain kami, pinagtitinnginan naman kami dahil apat kami ngayon sa lamesa. Maybe they were shocked kasi sabi ni Sea, isang lamesa lang daw kami.

Kasama namin ang secretary niya, si Roy na driver, at kaming dalawa. Magkaharap kami sa upuan.

Kaso nagulat nalang ako ng pinunasan ni Sea ang labi ko ng tissue. She said may ketchup daw.

Second Lead SyndromeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon