Chapter 5

18 2 0
                                    


Bonfire

Geo's POV

Bukas ko nalang sasabihin kay Sea ang nararamdaman ko sa kanya. Sobrang saya niya kasi at ayaw kong maging dahilan pa ako ng pag-iisip niya mamaya. I just want her to be happy.

"Tara na may bonfire." Saad ni Roy sa amin. Niyaya niya nakami. Panay lang ang sunod ko sa likod at tinitingnan kong may panganib ba. I'm still a bodyguard and I won't do anything that would harm my boss.

Nagsimula na ang inihandang performance ng mga bata para sa mga bisita. Sumasayaw sila gamit ang isang upbeat song at may mga gitara din.

Tinitingnan ko si Sea. Bakit parang malungkot ito at parang may hinihintay ang kanyang mga mata?

Napansin ko rin na iyong bata ay niyayaya akong sumayaw ng kanilang traditional dance habang umiikot sa bonfire. Napansin ko rin na masaya itong gawin kaya marahan kong hinila si Sea.

"Sea, tara. Huwag ka ng malungkot. I'll make you happy." Lumapit ako kaagad sa kanya at hinawaakan ang kamay niya.

Narinig naman namin ang tilian at asaran ulit ng mga kasamahan namin. Akala ko magagalit si Sea pero parang sinabayan niya nalang ito dahil inaasar na din kami ng mga bata.

Patuloy lang kami sa pagsasayaw hanggang sa napansin ko na tumatawa na ulit si Sea.

She really looks beautiful when she smiles, much more, when she laughs.

Natapos ang bonfire namin at nauna na rin natulog si Sea, Andy, at Roy. Nagsipunta narin kami sa kanya-kanya naming kubo.

Makalipas ang ilang oras na pagbabantay sa paligid, at dahil narin hindi ako makatulog, lumapit ako sa mga taga sitio na nag-iinuman.

Nakijamming ako at nakiinom na rin ng lambanog ang sitio lider. Napunta na rin ang lima ko pang kasamahan sa volunteers na lalaki at nakisali sila sa amin.

Panay kwentuhan lang at mababait naman sila. Lasing na sila pero ramdam mo ang pasasalamat nila sa amin dahil hindi daw sila naabot ng gobyerno at lumalapit lang daw ito sa kanila kapang malapit na ang eleksiyon.

"Oh tol, ano na? umamin kana ba kay Ma'am Sea?"

"Hindi pa tol eh."

"Torpe mo."

"Hindi naman, naghahanap lang ako ng tiyempo."

"Tol, kung mahal mo, sabihin mo na, bago pa mahuli ang lahat."

Patuloy lang ang kwentohan hanggang sa asar nila sa akin. Lasing narin ang ibang taga sitio na kainuman namin at nagtatawanan na.

Kaso nagulat nalang ako ng panay ang nguso ng mga kasama ko sa likod ko.

Pagtingin ko doon, nakita ko si Sea, na papunta dito sa amin. Parang hindi naman ako makapaniwala, dahil nag slow mo ang paligid, habang hinahangin ang buhok niya.

Ang ganda talaga ni Seanna Cordelia.

"Earth..."

"Earth..."

"Earth..."

"Hey, kanina pa kita kinakausap."

Nakarinig naman ako ng tawa ng mga kasamahan ko.

"Natulala ata sa ganda po ninyo Ma'am Sea." Asar nila.

Hinila ako ng marahan ni Sea at nagpaalam na ito sa mga kainuman ko.

Nakarinig pa ako ng mga asar nila

"Under!"

"Under de saya ka pala tol!"

Second Lead SyndromeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon