Side Quest

48 3 0
                                    


Chapter 5


Ang lugar na'to, parang nakita ko na dati ngunit saan?

Narito kami ngayon sa isang malaking kwarto na halos konti lang ang liwanag na pumapasok mula sa pintuan ng templo. Mararamdaman mo ang lamig ng paligid habang ikaw ay naglalakad. Tanging mga yabag lang ng aming sapatos ang maririnig mo. Dito ba talaga namamalagi ang matandang to? Sa isang lumang templo?

Agad namang huminto sa paglalakad si Oblivion. Tila pinakikiramdaman ang paligid.

"Bakit sya tumigil sa paglalakad?" bulong sakin ni Loraine mula sa likod ko.

Oblivion snap he's finger. At biglang nagkaroon ng liwanag sa buong paligid. Liwanag na nag mumula sa maliliit na fairies. Isang low level tamed monster.

"Waa~aw!" sabi ni Loraine.

Hindi namin maiwasang ma mangha sa aming nakikita. Puno ng cute na mga fairies ang templo at bukod pa dun ay napaka ganda rin pala ng loob nito. Parang isang simbahan na gawa sa marmol ang mga pader nito at yari naman sa ginto ang ibang rebulto sa paligid. Makikita mo rin ang napakaraming aklat dito at iba pang makalumang kasangkapan.

Naupo muna kami ni Loraine sa isang sofa habang abala si Oblivion sa pag hahanda ng tsaa.

"Nasaang lugar ba tayo ngayon?" tanong ko kay Loraine.

"Hindi ko alam, pero parang nakita ko na ang lugar na ito dati. Hindi ko lang maalala."

Ako rin. Saan ko ngaba nakita ang silid na ito? Sa kakaisip ko biglang nanumbalik sakin ang imahe kung saan ko nakita ang templo na kinaroroonan namin.

Tama! Naalala ko na!

Nakita ko na ito noon sa loading screen ng game! Nung isang laro pa ang Eclair ay makikita mo ang ibat-ibang images sa tuwing ikaw ay nag wawarp, ito ang loading screen. Naalala ko ang eksatong detalye ng gusali na ito doon sa loading screen. Ngunit nasaan nga ba talaga kami? Kahit noong laro pa ito hindi ko pa narating ang lugar na to noon.

Hindi kaya?

"Nandito kaya ngayon sa Forgotten Temple of Gods." sabi ni Oblivion habang inilalapag ang mga tasa na may mainit na tsaa.

Temple of Gods? Hindi pamilyar sakin ang salitang sinabi nya. Ni hindi ko rin nakita na kabilang ang Temple of Gods sa mga warp places.

Sabay naming inamoy ni Loraine ang tasa na may tsaa at ng masigurado naming na walang lason na inilagay ditto at tsaka kami uminom ng konti.

"Ang sarap!" bigkas ni Loraine.

"Maraming salamat miss Loraine, isa yang herbal tea na nakakapanumbalik ng iyong HP at MP." paliwanag ni Oblivion.

"Ano ang ibig mong sabihin sa Forgotten Temple of Gods?" tanong ko.

"Ito ang dating tahanan ng mga game masters. Nung nagsisimula pa lamang ang larong ito, madalas kami dito ni Howard. Dito namin pinag iisipan ang mga bagay na pwede pang gawin at idagdag sa larong ito. Kung hindi nyo naitatanong ay matalik kaming mag kaibigan niyang si Howard. College pa lamang kami ay pangarap na naming pareho ang lumikha ng larong tulad nito. Isang virtual game." kwento niya.

"Isa ako sa humahanga sa tulad nyong programmers. Ngunit bakit nauwi sa ganitong insidente ang laro ninyo?" sabi ko.

Hindi siya nakapag salita at tila bakas ang kalungkutan sa kanyang mukha.

"Hindi namin ginusto na mag ka ganito ang Éclair. Nang yari ang insidenteng ito noong panahon ng kawalan ng pag-asa."

"Day of Despair?" sabi ko sa aking sarili.

World of Eclair FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon