Unexpected Situation

78 5 0
                                    

Chapter 6


Nandito kami ngayon sa maliit na bayan ng Rose. Isang bayan sa kaharian ng Oslo na kilala sa pag tatanim ng mga bulaklak. Pangunahing hanap buhay ng mga npc dito ay ang pag gawa ng mga dekorasyon at pagtitinda ng bulaklak. Mula sa bayan ay matatanaw mo ang isang mataas na bundok na kung saan natatakpan ng ulap ang tuktok nito. Yun na nga marahil ang bundok kung saan makikita ang dragon na hinahanap namin.

[Waaaaaaaaaaw!]

Labis na natuwa si Loraine sa mga nakikita nyang dekorasyon. Lahat ng madaanan naming tindahan sa gilid ng kalsada ay tinitingnan niya.

"Klein, tara dito dali! Tingnan mo oh kulay asul na rosas ang ganda!"

Huh? Asul na rosas? Hindi pa ko nakakakita nun sa buong buhay ko. Posible ba yun? Hmmmmm....isang bagay lang ang alam ko na makakagawa ng ganyan. Ang Alchemy.

"Ano bang tinutunganga mo dyan? Halika mag libot muna tayo." pag hatak ni Loraine sa kamay ko.

"W-woah! Teka Loraine may dapat pa tayong gawin." sabi ko.

Habang nag lalakad kami sinabi nya sakin na hindi namin kailangang mag madali. Pa gabi na at kailangan naming kumain muna at mag hanap ng Inn upang matuluyan pansamantala. Bukas na bukas kailangan kong pumunta sa dungeon para pag aralan ang daan papunta sa last room. Doon makikita ang puting dragon na dapat naming talunin.

"Eh teka bakit ako lang? Di ba't tayong dalawa dapat ang gumawa nun?"

"Hehe...sorry Klein pero ikaw lang talaga ang makakagawa nun."

"At bakit naman? Tandaan mo tayong dalawa ang inaasahan ni Oblivion diba?"

"Alam ko. Pero kasi..." nahihiya niyang sabi.

"Pero ano?" tanong ko.

"Takot ako sa mga dungeon lalo na kapag madilim hehe. Sorry Klein pero hindi talaga ako makakasama. Magiging pabigat lang ako sayo."

"Ano??"

Hindi ko inakalang takot pala sa dilim ang masunget na'to. Paano nang gagawin ko ngayon? Hindi ko kakayanin makipag laban mag isa. Ang ikinakatakot ko pa ay ang pagka ubos ng hit points ko sa laban, sa madaling salita kamatayan sa mundong ito.

Maraming dungeon na akong natapos ngunit hindi tulad ng isang high level. Pero kung magagawa kong matapos yun malaki ang pag angat ng level ko. Hmmmm...there are good things in slaying high level monster but there are consequences too. Kailangan kong pag aralan mabuti ang mga gagawin ko.

"Hay... di bale na nga. Oh sya aalis muna ko para pag aralan yung dungeon. Aabutan ako ng gabi kung mamaya pa natin yun aasikasuhin."

"Sure! Mag iingat ka ah? Mag hahanap muna ko ng matutuluyan natin at tsaka para makapag luto narin ako bago ka umuwi."

"Huh? Marunong ka palang mag luto?" sabi ko.

"Nang aasar ka ba?! Syempre naman noh! Umalis ka na nga pinapainit mo lang yung ulo ko eh!"

"Opo heto na. Pero bago ang lahat..."

Agad akong nag bigay ng party setup confirmation kay Loraine. Isang uri ng combat formation kasama ang iyong kaibigan or kakilala. Sa ganitong paraan magagawa naming ma monitor ang buhay ng bawat isa, lalo pa at hindi sya makakasama sa gagawin kong dungeon scouting.

Tinawagan ko na din si Spencer para sabihing matatagalan ako bago makapunta sa mismong kaharian ng Oslo, ang dami niya ngang tanong eh. Bakit daw ako nandito sa Rose, kung may chiks daw ba kong kasama? Walang kwenta talagang kausap ang taong yun kaya nag end call nalang ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

World of Eclair FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon