Oblivion

442 10 20
                                    

Chapter 4

[Loraine's POV]

"Ang lalakeng yun..."

Crack!

"...TALAGANG NAIINIS AKO SA KANYA!"

Gigil na gigil talaga ko kapag na iisip ko kung paano kami tinalo ng manyak na yun! Him and His perverted skill na talaga namang nag papakulo sa aking dugo. Halos malukot ko na yung hawak kong plastic cup eh, kakaisip lang dun sa kahihiyang sinapit ng guild namin.

"Ate, just relax. Ngayon ko lang nakita na nainis ka ng ganyan sa isang lalake ah?" sabi ni Mikan.

"Eh kasi naman..."

Sino bang hindi maiinis dun? Eh halos hubaran na niya ko ng tuluyan kanina. Ang masakit pa nyan eh pati damit ko sinira pa nung letseng skill niya! Pag nakita ko ang siraulong yun pipilitin ko talaga ang leeg nya hanggang sa hindi na sya makahinga.

Nandito kami ngayon sa hallway ng Arena at naka upo sa mahabang upuan na bato.

Kasama ko sa aking tabi si Mikan na itinuturing kong kapatid dito sa game world. Kulay brown ang mahaba at nakatirintas nitong buhok at may suot na reading glasses. Sa lahat kasi ng mga player dito, si Mikan lang ang nakapalagayan ko ng loob at madalas makinig sa mga problema ko.

Pagkatapos ng laban kanina ay humingi ako ng paumanhin sa mga kaibigan ko dahil sa ako ang naging resulta kung bakit natalo kami sa tournament. Ngayong wala na kami sa Top 20 Guild ng server ay binigyan ko muna ng bakasyon ang bawat isa para makapag pahinga naman sila matapos ang pag aasikaso sa guild.

"Kung ikaw ang nasa kalagayan ko Mikan maiinis ka din. Ang kapal ng mukha nya akala mo kung sinong matino eh may pagka manyak naman pala. Sa unang tingin akala mo napaka cool nya pero hindi!"

Tuluyan ko na ngang nalukot ang plastic cup at inihagis sa trash bin malapit sa pwesto ko.

"Ohh... Cool? Hindi ko alam na ganun pala ang tingin mo sa kanya Ate Loraine. Ahaha.."

Aba't pag tawanan pa ko ng bruha na ito?

"Cool? Hes not! Lalo na nung ginamit nya sakin ang perverted skill niyang yun!"

"Perverted Skill?"

"Hay hindi na mahalaga yun... Naalala mo yung suot nya kanina? Walang matinong lalake na mag susuot ng panty sa ulo nya! Nagawa pa nya kong maisahan sa laban namin."

"Pero ate mukha namang matino ang lalakeng yun tsaka ang galing kaya niya makipag laban."

Oo magaling nga. To think na walang nangyari sa pag suntok ko sakanya kanina. Yung sinasabi niyang perfect dodge skill. Wala akong masyadong alam tungkol dun. Masyado kong minaliit ang kakayahan niya. Sumandal ako sa pader, napatingala at pinagmasdan ang ilaw sa harapan ko.

Gusto kong mag libot muna. Ayokong mag isip ng mga bagay na makakapag pakulo ng dugo ko lalo na ang taga Code Awe na yun.

"Mikan..."

"Bakit ate?"

"Since nasa bakasyon naman ang guild natin ngayon, naisip ko na pumunta sa ibang lugar para mag libang. Gusto mo bang sumama?"

"Naku ate pasensya na pero babalik ako sa guild base natin, marami pa kong dapat ayusin eh."

"Ang sipag mo talaga Mikan. Baka tumanda kang maaga nyan?"

"Ate naman!"

"Joke lang. Haha. Osige ibibili nalang kita ng paborito mong strawberries pag balik ko sa guild natin."

World of Eclair FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon