Guild of the Weakest

583 17 13
                                    

Chapter 1 

Sa gitna ng isang madilim na kagubatan, doon nag mamadali akong tumakbo. Hindi para mag ehersisyo, kundi dahil sa hinahabol ako ng maraming wild monters! 

"Shit." 

Halos mapagod na ko sa kakatakbo at hindi malaman ang gagawin. Bakit ba kasi ako nandito? Asar! Pinilit ko parin bilisan ang pagtakbo ko at isang malakas na ungol ang aking narinig. Ungol ng isang mabangis na halimaw mula sa malayong lugar.  

"Imposible!" 

Pinilit kong lumingon sa aking likuran kahit na balot ng takot at kaba ang aking nararamdaman. Pinilit kong hanapin kung saan ng galing ang malakas at galit na ungol. Ngayon isang tripled size human monster na ang aking natatanaw, mabilis ito at papunta sa direksyon ko. Oh-no! 

Tanging nasa isip ko nalang ngayon ay ang tumakbo ng tumakbo. Ano ba kasing ginagawa ko sa lugar na to?! Wala akong patid sa pagtakbo ngunit mas mabilis ito sa akin kaya naman nagawa nitong lagpasan ako at huminto mismo sa harapan ko. Galit na galit at nanlilisig ang mata, tumutulo ang malapot nitong laway mula sa kanyang bunganga tanda ng kanyang kabangisan. 

Sa sandaling segundo ay hindi ako makagalaw sa takot na nararamdaman ko. Pinilit kong kumuha ng bomba sa aking inventory para lumaban, ngunit sa isang iglap lang ay nagawa na kong masakal ng halimaw na to. 

"Haa." 

Hindi ako makahinga at pinipilit kong pumiglas sa pag kakasakal sakin ngunit wala akong magawa, nanghihina ako dala ng takot. Nilapitan niya ako at dahan-dahang itinaas ang kanyang buntot at mabilis akong pinag sasampal. 

"Gising! Gising! Ano ba? Ang tagal mo ng natutulog ha!" sabi nito. 

I tried to open my eyes. But I closed it again. Nakakasilaw ang liwanag ng araw. Muli akong dumilat at inakma sa paligid ang aking paningin ng makita ko ang isang maliit na pusa ang dumadagan sa leeg ko at patuloy sa pagsampal sa mukha ko gamit ang kanyang buntot. 

"Muko, tama na yan..." 

Boses ng isang babae ang aking narinig. 

"Aha! Gising na sya ma,am Candice!" 

Nagtatalon ito sa dibdib ko. Halos ma-ubo naman ako dahil sa ginawa niya. 

"Gising na siya! Gising na yung panget!" 

Sabi pa nito at tsaka tumalon pababa. Isang babae na may gintong buhok ang aking nakita, nakatalikod ito habang nagluluto gamit ang mga sanga ng kahoy. 

Bigla kong naalala yung pangyayari na isang babae ang lumapit sakin na may gintong buhok para tulungan ako sa gitna ng kakahuyan. Pinipilit kong tingnan sya at tawagin. 

"Uhm, ano..." 

Hindi pa ako makapag salita ng maayos, masakit parin ang ibang parte ng katawan ko at nakakramdam ako ng panghihina. All of a sudden bigla nalang sumulpot sa harapan ko ang pusa kanina. 

"Ano yon? May kailangan ka ba, ha? Panget?!" 

Naka tungtong ang dalawang maliit na paws nito sa hinihigaan kong bato. Nakakatuwa ang itsura nya, sa lahat ng pusa na nakita ko sya lang yata ang walang balahibo, matulis ang tenga at ang liit ng ulo. Sakabilang banda patuloy parin sa pagluluto ang babae at natuwa itong makita na gising na ako. 

"Ma'am Candice gusto mo bang paslangin ko na ang lalakeng to? Baka kaaway natin sya!" 

Kanina pa ang pusang to ah? Ano bang problema niya sakin? I gather all of my strength para makaupo at mag tanong. 

"Nasaan ako? Sino kayo? Yung mga halimaw nasaan na?" 

Makalipas ang isang oras, nalaman ko na sya nga ang nakakita sa katawan ko na nakahandusay sa lupa at napapaligiran ng mga patay ng halimaw. Hindi ko maalala kung bakit ako nandoon, tanging bumabalik lang sa isip ko ay naglalakad ako sa kakahuyan at wala hindi ko na alam ang sunod na nangyari. 

World of Eclair FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon