I Won't Lose

441 13 21
                                    

Chapter 3

Ang lugar na 'to, parang dito naganap ang matinding digmaan noong naka lipas na panahon.  

Tumingin ako sa aking likuran. Tanging malawak na disyerto lang ang natatanaw ko mula dito. Napansin ko din na may kung anong pader na nakaharang sakin ngayon.  

Isang Barrier?  

Invisible ito ngunit dahil sa sikat ng araw ay magagawa mong makita kung gaano ito kalawak at kataas na parang abot hanggang langit.  

Ito marahil ang hangganan ng lugar na paglalabanan namin. 

Sinubukan kong ilapat ang palad ko sa pader na ito at kakaibang pakiramdam ang agad na dumaloy sa buong katawan ko.  

Saya, lungkot, takot at galit. Kasabay ng pagdaloy ng mga pakiramdam sa katawan ko ay may mga maliliit na bagay din akong nakita mula sa barrier.  

Anong mga to? Puro mga numero ng 1 at 0. A series of binary code. 

Anong ibig sabihin ng mga code na ito? Ang dami nila at parang ulan sa dami at bilis ng pag bagsak. 

Bigla nalang bumalik sa katinuan ang isip ko ng maramdaman ko ang napaka laking bola ng apoy na papunta sa sakin. 

BOOOOOOOM!! 

Malaking hukay sa lupa ang naging pinsala nito at nag dulot ng makapal na alikabok sa buong paligid. 

Woah! Muntik na ko dun ah? Kung hindi agad ako nakapag cast ng Ride in Lightning baka kalahati nalang ang Life points ko, hindi, baka patay na ko ngayon! 

"...Oh? Nagawa mo parin makailag sa ganung distansya? Napapahanga mo ako, bata." 

Isang lalake ang nag salita mula sa itaas ng sirang gusali malapit sa lugar ko. 

Suot nito ang mahaba at kulay puting kapa at may hawak na staff na inukit mula sa kahoy. Isang wizard. 

Isang magic circle ang biglang lumitaw sa kinatatayuan nito habang may binibigkas na wika na hindi ko naman maintindihan at dahan-dahang itinaas ang hawak niyang staff at tsaka itinutok sakin. 

"Meteor of Destruction!" sigaw nito. 

Bigla nalang nag iba ang kulay ng langit, mula sa pagitan ng mga ulap, isang napaka laking bato na nag liliyab ang unti-unting bumabagsak. 

Muntik ko ng makalimutan na nasa tournament ngapala ko. Asar! Hindi agad ako nakapag tago sa mga kalaban ko. 

....Napalunok ako ng mapagtanto ko na sa lugar ko babagsak ang dambuhalang meteor na iyon. 

Seryoso ba siya na patayin ako? Hindi ba niya alam na mamamatay kang talaga kapag naubos ang Life Points mo! T-teka, hindi ko pa alam kung totoo iyon, pero ayoko mamatay at kahit pa kalaban ko. 

Nakakainis naman, paano ko sila tatalunin ngayon? 

I used up all of my stamina to cast the Ride in Lightning at full power. Mabilis akong lumayo mula sa radius ng pag babagsakan ng meteor na nilikha nung wizard at nagtago sa loob ng isang gusali. 

Sa bilis kong iyon sigurado ako na hindi napansin ng wizard kung umalis ba ko kinatatayuan ko kanina dahil kapag ginamit ko ang Ride in Lightning in its full power, nag iiwan ito ng imahe ko sa lugar kung saan ako ng galing. This will keep me safe for a minute. Kailangan kong mag plano para talunin sila, ng hindi kailangang mamatay. 

Narinig ko ang malakas na pag sabog ng meteor mula sa lugar na pinanggalingan ko. The whole place is shaking na akala mo ay malakas na lindol. 

Ngayon, ang kailangan ko nalang ay alamin ang lugar ng bawat isa sakanila. 

World of Eclair FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon