Prologue

771 21 32
                                    

Prologue

        Sa isang kapaligiran na nangangamoy ang mga nabubulok na halimaw dala ng hangin, isang binata ang dahan-dahang iginalaw ang ulo nito at marahang dumilat.

        Ilang Segundo rin ang itinagal bago umakma ang panigin nito sa pahapong liwanag mula sa langit. Nagawa niyang tumingala ng matagal, sapat na para maamoy ang nabubulok na katwan ng isang halimaw sa tabi nito. Halos masuka siya ngunit wala namang nangyari dahil sa walang laman ang tiyan nito dahil sa gutom. Wala siyang maalala bukod sa masakit niyang ulo.

        Nanghihina, nilalamig at gutom ang sunod na naramdaman nito. Sinubukan niyang gumapang papalayo kahit na nanghihina ngunit hindi sya makakilos.

        Sumuko nalang sya sa pag galaw at tumingala sa kalangitan, ang kulay ng papalubog na araw at ang unti-unting pag dilim ng paligid ang nag papaalala sa kanyang isip ng dapit-hapon na kanyang natatanaw.

        Tanging ang malalim niyang paghahabol ng hininga ang kanyang naririnig kasama ang banayad na ihip ng hangin sa mga puno kung saan napapaligiran siya nito.

        Sinubukan na pag masdan ng binata ang paligid ngunit nanlalabo ang kanyang paningin. Isang gintong liwanag ang agad nyang natanaw mula sa malayong direksyon na papalit sakanya. Napagmasdan niyang hindi ito isang bagay, kundi isang babae na may ginintuang buhok suot ang isang silver na plate armor ang lumapit sakanya.

"S-sino ka?" pabulong na tanong nito at nanghihina.

"Hwag kang gagalaw!" at sinabing "Nabalot ng lason ang buong katawan mo. Gagamutin kita." Sagot ng dalaga.

Dahil sa narinig ng binata naging panatag ang pakiramdam nito at minabuting pumikit na lamang.

World of Eclair FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon